Special Chapter 2

11 1 0
                                    

Dream come true

KAHIT maaga kaming nagpakasal at nagka anak wala kaming pinag sisihan. Hindi madali ang buhay may asawa at anak. In our six years of marriage, ilang beses din kaming nag away ni Ethan. But we always fix it within a day. Hindi na namin pinapatagal at hindi din sya papayag matulog kaming may tampuhan.

Sa expenses naman lagi kaming hati. Hindi pwedeng yung isa lang palagi ang gagastos. Sa mga luho ko naman hindi ko hinahayaan na sya ang gumastos, kahit gusto nyang sya ang mag provide ng mga gusto ko ay hindi ako pumapayag.

Ethan spoiled our sons while I'm the one who discipline them. Aries and Gemini didn't grow stubborn. They're a xerox copy of their father... Same eyes, nose, lips, and even attitude. Wala silang namana sakin kahit isa, samantalang ako yung naghirap sa kanilang mag buntis. The morning sickness is really unbearable, the mood swings, and the cravings... I remember the time that I crave a coconut that should be picked in the Amazon forest, Ethan didn't know what to do at that time...

I remember the day when I told our parents that I'm pregnant with the twins. Nag pa Fiesta si Dad sa Barrio. Tapos nung nalaman nyang lalaki pinagawan nya ng maayos na tahanan lahat ng tao sa Barrio. Nag patayo sya ng maliit na hospital doon para daw hindi na mahirapan ang mga tao. Hindi ko makakalimutan ang saya nya non. Mom just supported us all the way.

Nung unang mga araw namin bilang magulang hindi pa namin alam ang gagawin namin. Halos mapraning ako pag ibebreastfeed ko na sila... Hindi ko alam kung sabay ba sila o isa isa lang.

Hindi rin ako magkanda ugaga lalo na pag sabay na silang umiiyak... Good thing Ethan never left my side.

Hindi biro maging isang magulang... Mabuti na lang nanjan ang parents namin ni Ethan para gabayan kami.

"Mommy," lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Napangiti ako ng makita ang mga anak ko na bitbit ang favorite nilang stuff toy na si SpongeBob. Kakagising lang nila kaya namumungay pa ang mga mata.

"Yes, baby?" I ask Aries. Tinaas nya ang kamay nya kaya binuhat ko sya. Even though he's already a big boy he wants to be a baby all the time. Just like his childish father.

I look him in the eye... They got their father's eyes. Hazel...

"Are we going to visit Daddy at his work?"

"Yup, that's why mommy is making lunch so we can bring daddy some food," lumiwanag ang mukha nilang dalawa at parang nawala ang antok kasi mabilis syang nagpababa sakin. Maingat silang tumakbo para maligo.

They are a daddy's boy. Lagi silang excited pag pupuntahan namin si Ethan sa work nya. Kinakalimutan na nga nila ako minsan pag magkakasama na silang tatlo.

I fasten their seatbelt as I drive to Ethan's company. Simula nung ikasal kami sya na ang nag handle ng company nila. While Treble manages ours. I become the company's President while he was the CEO.

Pinark ko ang kotse at inalalayan ang mga anak namin pababa. Nakasabit sa likod nila ang SpongeBob na bag habang bitbit ko naman ang paper bag na naglalaman ng pagkain. Pag pasok namin sinalubong agad kami ng security. Hindi na kami inenspection since kilala naman nila kami.

Binabati kami ng mga empleyado kaya Binabati din naman sila pabalik. Mas hyper nga lang bumati ang dalawa.

Pagdating namin sa tapat ng office nya nginitian agad kami ng substitute Secretary nya. Ako kasi ang original na secretary ni Ethan. For now on leave ako dahil may pinapatrabaho sakin si Dad sa company.

MC Series #1: Music Brings Us Together (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat