Chapter 33

5 1 0
                                    


TINOTOO ni Julyo ang sinabi nya sakin... Dinala nila akong mag kapatid sa mga tourist spots ng Cebu. Isa sa mga nagustuhan ko ang Oslob... I had a good time watching with whale sharks. At first I'm so afraid that they might eat me but the two guys told me they are harmless.

Sunod non pumunta kami sa Fort San Pedro and some other historical places.

Sa loob ng tatlong araw na gumagala kami... Walang araw na hindi ako nag enjoy lalo na at kasama ko sila. Puro kami tawanan at asaran. Picture dito picture doon...

Nung una akala ko malaki ang magagastos namin dahil isang linggong gala ang plano pero halos lahat ng tourist spots na pinupuntahan namin ay libre ang entrance fee. Pati sa mga falls at beach na pinuntahan namin halos wala kaming binayaran. Nung una nagtataka pa ko pero sabi ni Kuya August libre daw yon basta taga Cebu... Pinag sawalang bahala ko yon at nag enjoy na lang.

We are in the House of Lechon in Cebu. After three days of roaming around state finally makakain na ulit ako ng Lechon.

"Masarap ang Lechon nila dito. Isa ito sa mga sikat na restaurant na nagbebenta ng Lechon. Dinadayo din ito ng mga turista... Magugustuhan mo dito," ngumiti ako kay Kuya August ng sabihin nya yon.

I roam my eyes on the place. It's so cozy... The orange lights and some native theme designs are the ones who are giving the place a very nice atmosphere.

Binasa namin ang menu. "Anong gusto nyo?" tanong ko sa kanila habang nasa menu pa din ang paningin.

"Lechon," natawa ako sa sinabi ni Julyo.

"Orderin nyo na lahat ng gusto nyo," sabi ni Kuya August. Parang sumayaw naman ang tenga namin ni Julyo kaya binilisan namin ang pagbabasa ng menu.

"Gusto ko ng Chili Cheese Sticks, Canton Guisado, Crispy Kangkong, and Baked Scallops," sabi ko sabay ngiti sa kanila.

"Anong sa inyo?" tanong ko.

"Sayo lang yon?" tanong ni Julyo. Tumango naman ako...

"Oo... Dali, anong sa inyo?" napailing na lang si Kuya August bago sabihin ang order nya. Parang Fiesta ang pagkaing inorder namin ni Julyo... Limang kilong lechon ang inorder namin habang Canton Guisado lang ang kay Kuya August.

"Nangitim ka na," natatawang sabi ni Julyo sakin. Napanguso naman ako...

Pano ba naman kasi? Hindi ako nakapag dala ng sunblock... Tapos naligo kami kahapon at kanina kaya ayon nag tan na yung skin ko.

"Maganda naman pag ka-tan ah," tinignan ko pa ang braso ko at mas lalong napanguso dahil kitang kita ang hati non...

"Maganda nga... Mukha namang sapin sapin. Tignan mo itim to tas maputi dito tas itim ulit," tinuro nya pa ang braso ko hanggang leeg habang sinasabi nya yon. Pabiro ko syang himapas pero mas lalo nya lang akong tinawanan.

Hindi din naman nag tagal ay dumating na ang order namin. Nagningning ang mga mata ko ng makita ko ang mga pagkain.

Amoy pa lang alam kong masarap na... Kukuha na sana ako ng lechon ng maalala kong hindi pa pala ako nag huhugas ng kamay kaya iritable akong tumayo.

MC Series #1: Music Brings Us Together (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang