Chapter 23

4 1 0
                                    

AN: Hindi na po ako maglalagay ng mga lyrics ng kanta kasi alam ko naman pong nilalagpasan lang haha.

BTW... Baka po kasi mag taka kayo, hindi pa sa MFC iikot ang story parang scene lang sya sa story. Thank you.

---------


NAGSIMULA na ang ceremony. From prayers, to Lupang Hinirang, Ako ay Pilipino, at NRC Hymn kinanta din namin. Madaming checheburetche ang nangyari.

At ngayon introduction na ng mga judges kaya nakaramdam ako ng kaba dahil isa ang mommy ni Jade sa judges. Nagsisimula na din dumami ang mga tao simula nung payagan na silang pumasok, our parents already texted us na nandito na sila. Pero ni anino ni Jade hindi ko pa nakikita.

"Okay, so right now we're going to introduce to you our 10 Judges from all over the world. The first judge came from Florida, United States, he's the owner of the most Famous Talent Agency in the USA The MoonAcers Music Group. Let's all welcome Mr. Alejandro Davis!!" nagpalakpakan ang mga tao ng lumabas mula sa back stage ang tingin ko nasa early 50's. Even though he's starting to grew some white hair hindi maipagkakaila na may itsura sya. His gray eyes are tantalizing. He looks kind and he doesn't have an intimidating aura.

Sunod na pinakilala ang isang sikat na singer sa United Kingdom si April Birmingham, I idolize her so much and I love her songs. Sunod sunod na silang pinakilala hanggang sa banggitin ang hinihintay naming lahat. Ang mommy ni Jade.

"And last but not the least. The former Miss Universe 1989 who's handling a very successful modeling agency right now. Is none other than Mrs. Irene Amethyst Smith!!" napaayos kaming pito ng upo at hinihintay lumabas ang babae.

Amethyst...

Paglabas nya doon ko pa lang din nakita si Jade na inaalalayan ang mommy nyang umakyat.

The lady looks so beautiful despite her age, she maintains her good posture and body. She looks very intimidating even though she's smiling. Bumilis ang tibok ng puso ko ng tumingin sya sa gawi namin.

Hinahanap ng mga mata ko si Jade pero wala na sya sa pwesto nya kanina. Lumingon ako kay Ethan ng biglang may tumawag sa kanya... Si Branth.

"Yes? What?? Okay! I'm going there," halata ang pagpipigil nya ng galit na ipinagtaka ko. Lumingon sya sakin pagkapatay ng tawag.

"I'll be right back," he said. He was about to stand but I stopped him.

"Where are you going? Is there a problem?" napalingon na din ang ibang kasama namin.

"Yeah, Bro... Where are you going? The concert is about to start," si Jonas mukhang wala silang idea sa nangyayari.

"Sa back stage lang, may aasikasuhin lang ako," tumingin sya sakin at hinalikan ako sa noo.

 "Please... Trust me, My Star," Yun lang ang huli nyang sinabi bago mabilis na umalis.

Nagkatinginan kaming anim na walang idea sa nangyayari. But I think it's about Jade. And I don't like the feeling I am feeling right now.

Tinatawag na ng MC ang mga classical singers at pinapunta sa harap para mag pakilala.

"Omyghad! This is it!" ani ni Allison na pinapaypayan pa ang sarili at paulit ulit na humihinga ng malalim para mawala ang kaba.

I raise an eyebrow when I saw Treble looking so amused with Allison. Napangisi na lang ako dahil don.

"You can do it... We'll cheer you from here," sabi nya kay Alli.

MC Series #1: Music Brings Us Together (COMPLETED)Where stories live. Discover now