Chapter 14

6 1 0
                                    


Maraming nangyari sa buhay ko sa mga nakalipas na araw. Dalawang linggo na lang magsisimula na ang MFC, excited ako pero mas lamang ang kaba sakin. Todo ang practice namin ngayon dahil tapos naman na ang exam.

As usual nasa music room kami para magpratice wala dito yung tatlo kasi pumunta sa Italy dahil birthday ng mother ni Devon at Zane.

Maayos ang nagiging relasyon namin ni Ethan, though wala pa kaming label. Plano ko sya sagutin after MFC.

Last week galing sa US si Treble. At pagbalik nya dito ramdam ko ang pag iwas nya sakin at hindi ko alam kung bakit.

~FLASHBACK~

"TREBLEEE!!" masayang sigaw ko nung makita ko sya ulit after nyang mawala ng halos isang linggo.

Tumingin lang sya sakin at nagiwas ng tingin. Huh? May problema ba? Nilapitan ko sya para tanungin kung bakit pero umiwas lang talaga sya sakin.

Nilingon ko ang mga kaibigan ko pero bakas din ang pagtataka sa mukha nila dahil sa inasal ni Treble.

Treble and I are very close. Ngayon nya lang ako iniwasan ng ganto. Inisip ko na lang na baka wala sya mood ngayong araw o dahil baka sa jetlag.

Pero nag tuloy tuloy yon sa nakalipas pa na mga araw.

~END OF FLASHBACK~

Maayos kami bago sya umalis, sa totoo nyan isa pa ko sa naghatid sa kanya sa airport... Kaya ganun na lang ang pagtataka ko nung pagbalik nya ang lamig na ng trato nya sakin. Pano ko nasabi? Dahil kinakausap nya lahat ng kaibigan namin at ako lang ang hindi.

Tinatanong din sya nila Jonas kung anong problema nya sakin pero umiiwas sya sa tanong at iibahin ang topic.

Sinusubukan ko din syang kausapin para tanungin kung anong problema pero di talaga nya ko kinakausap maging sa social media or kahit sa text.

Hinayaan lang namin sya pero sobra kaming nag aalala sa kanya lalo na ako.

"Aye..." tawag ni Jonas sakin, tinignan ko naman sya.

"Bakit?"

"Ang putla mo, ayos ka lang ba?" tanong nya sakin. Pareho lang sila ng tinanong ni Ethan kanina. Sa totoo lang masama ang pakiramdam ko. ilang gabi na kong walang maayos na tulog dahil kakaisip kay Treble.

"Sa totoo lang hindi... Medyo nahihilo ako, ilang gabi na kasi akong puyat," sabi ko at halata naman talaga ang pagod sa boses ko. Pagod kahit wala ginawa.

"Iniisip mo pa din si Treble?"

Tumango ako. "Oo, hindi ko kasi alam kung anong ginawa ko. Ayos naman kami bago sya umalis." para na kong maiiyak habang nagsasalita pero pinipilit kong labanan.

MC Series #1: Music Brings Us Together (COMPLETED)Where stories live. Discover now