PASIUNA

73 16 0
                                    

PASIUNA

'30 minutes nalang Via, malelate kana!'

Kastigo ko sa aking sarili habang nagmamadaling maglakad papuntang sakayan ng jeep - napilitan akong mag commute ngayon dahil biglang nagloko ang paboritong sasakyan ko na ibinigay sa akin ng kuya Ramses ko.

Paboritong sasakyan mo, pero di ka paborito! Tsk

Sa sobrang luma narin kasi nun kaya naka ilang beses nang nangyaring ganito ang eksena ko.

Kainis naman kasi. Bakit di pa ako agad bumangon kanina ..

Tumutulo na ang pawis ko dahil bukod sa maalinsangan ang panahon at siksikan na halos sa loob ng jeep eh naka corporate attire pa ako. Muntik pa akong mapasubsob dahil natapilok ako sa pagmamadaling makasakay kaagad.

"Naku naman, huwag ka ng dumagdag sa problema ko please." Mahina kong usal sa sarili habang chinecheck ang 2inch na sapatos pang trabaho.

Nakahinga lang ako ng maluwag ng makitang maayos naman ito. Maya maya pa ay umandar na ang jeep at biglang tumunog ang lumang selpon ko na binigay lang din sa akin ng kuya Ryan ko.

Sa totoo lang halos lahat ng gamit meron ako, galing sa mga kuya ko. Sayang naman kasi kung bibili pa ako ng bago kung may pinaglumaan naman sila na pwede pang magamit diba?

Tinignan ko kung sino ang tumawag at napangiwi nang makitang ang kaibigan slash katrabaho kong si Jhiny ang tumawag. Huminga muna ako ng malalim bago sinagot.

"Via girl, nasan kana?" Anito nang sagotin ko ang tawag.

"A-ahh Jhiny, nasiraan kasi ako ng sasakyan eh, kaya no choice ako kundi ang mag commute."

"Nako naman Reynang Via, ngayon kapa talaga nasiraan kung kailan ipapakilala ang bagong CEO."

Napasapo nalang ako sa noo ko nang maalala yun. Lagot yan! Baby vroom bakit naman kasi ngayon pa. huhu.

"Makakahabol naman siguro ako diba? I m-mean may ahh," tinignan ko sandali ang oras. "May 20 minutes pa naman ako jhi. Tsaka mabilis naman ang andar ng jeep."

"Hay nako friend, o sya sige na sige na. Sasabihan ko nalang si Miss Amelia Aguilar pag hinanap ka niya."

"O-okay jhi. Salamat."

Yun lang at pinatay na niya agad ang tawag. Tumingin ako sa labas para tignan kong malapit naba kami sa bayan. At salamat at dininig ng langit ang hiling ko.

"Manong para po dyan sa tabi.... Salamat po."

Nagmamadali agad akong tumawid sa kabilang kalsada dahil 15 minutes nalang at mag aalas otso na.

'Takbo lang ng takbo Pluvia Reign, makakaabot din tayo sa nakatakdang oras'

Parang tangang usal ko sa sarili habang papasok ng AAC - ang kumpanya kong saan ako nagtatrabaho. Napahinto ako sa pagtakbo ng makita kong bukas na ang paborito kong Coffeeshop, kaya dumaan muna ako dun para bumili ng paborito kong kape.

"85 pesos po ma'am," sabi ng kahera sa akin at agad ko namang iniabot sa kanya ang bayad ko. "Thank you ma'am. Here's your order, enjoy your coffee!"

Tanging tipid na ngiti at tango nalang ang naisagot ko sa kahera at lumabas na ako agad ng coffeeshop. Hawak sa kanang kamay ang kape ko at sa kaliwa naman ang wallet ko na hirap akong ipasok yun sa loob ng bag ko.

"Kainis naman oo," inis kong sabi habang sinusubukang ipasok sa bag ang wallet ko.

Hays sa wakas!

Remember Me, My LOVE | Light RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon