PLUVIA REIGN - 2

37 17 0
                                    

CHAPTER 2

NAPABANGON ako kaagad sa higaan nang marinig ko ang boses ni kuya Ramses mula sa labas habang kumakatok.

"Pluvia Reign. Gising ka na ba bunso?"

"Opo kuya," sagot ko habang humihikab palapit sa cabinet para kumuha ng tuwalya.

"Okay sige. Bilisan mo na diyan ha para makapag almusal ka bago tayo umalis papuntang school mo."

Hindi ko na sinagot si kuya pagkasabi niya nun dahil narinig kona ang yabag niya paalis. Nagmamadali akong pumasok sa banyo para maligo dahil baka mainip si kuya kakahintay sa akin.

Alas sais y medya na ako nakababa at dumiretso agad ako ng kusina at nadatnan ko si kuya Ram at Mama na kumakain.

"Si kuya Ryan po Ma," tanong ko pagka-upo.

"Nasa taas anak. Nagbibihis na marahil yun, kakatapos lang niyang mag-agahan." Sagot ni Mama sabay abot sa'kin ng pritong isda.

"Salamat Ma," tumango lang si Mama at uminom na nang tubig saka tumayo patungong lababo.

Narinig ko ang yabag ni kuya Ryan pababa ng hagdan. "Oh bunso, mabuti at gising kana." Malambing na sabi niya sa akin sabay halik sa noo ko.

"Ang daya mo kuya, hindi mo ako agad ginising kanina," nakangusong sabi ko sa kanya. "Alam mo namang ang tagal kong matapos maligo."

Kumakamot kamot sa ulo si kuya sabay upo sa katabing upoan ko. "Ehh paano ang ganda ng tulog mo. May pa nganga kapa."

Napaubo ako bigla sa sinabi niya kaya mabilis niyang inabot sa akin ang baso ng tubig sabay tapik sa likod ko. "Kuya naman! Huwag ka ngang magbiro ng ganyan!"

"Ha? Eh sa totoo naman bunso."

"Oo nga. Sinilip din kita kanina." Sabat ni kuya Ramses na ngiting ngiti.

"Mama sina kuya oh!"

"Kayo talaga," naiiling na sabi ni Mama. "Bilisan niyo na dyan at baka malate kayo sa pasok niyo."

Tumatawa si kuya Ram sabay yakap kay Mama. "Mama naman, kunwari pang pinapaalis na kami eh gusto mo lang namang isama ka namin."

"Magtigil ka ngang bata ka!" Pabirong hinampas ni Mama si kuya Ram na ikinatawa namin ni kuya Ryan.

"Grabe ma, hindi mo na talaga ako mahal eh! Sinasaktan mo na ako."

"Awshoo. Pumasok ka na nga Ramses, pinagloloko mo na naman ako." Inis na sabi ni Mama pero tumatawa habang naglalakad papuntang sala para manood ng TV.

Tumatawang umalis si kuya sa kusina at umakyat sa taas para kunin ang gamit niya pang trabaho.

Napansin kong biglang natahimik si kuya Ryan habang nakatanaw sa papalayong bulto ni kuya Ram, kaya tinapik ko siya nang mahina sa pisngi. "May problema ba kuya? Ang tahimik mo naman yata bigla."

"A-ahh wala bunso," nginitian niya ako ng pilit. "May naalala lang ako."

"Si papa po ba?" Sabi ko na ikinagulat niya.

Umiiling lang si kuya pero hindi na nagsalita at biglang lumabas ng bahay. Napabuntong hininga ako ng malalim dahil nagbabadya na namang tumulo ang mga luha sa mata ko.

'Papa, miss na miss ka na po namin.'

Napapikit ako ng mariin at pinakalma muna ang sarili bago naglakad palabas ng kusina. Nginitian ko si Mama bago umakyat sa taas para mag tootbrush uli para makaalis na papuntang eskwelahan.

Pagkababa ko ay naabutan ko si Kuya Ram at Kuya Ryan na tahimik na nagseselpon sa sala. Wala na si Mama dun at marahil ay nasa garden niya at nagdidilig nang mga bulaklak.

Remember Me, My LOVE | Light RomanceWhere stories live. Discover now