PLUVIA REIGN - 1

80 17 0
                                    

CHAPTER 1

"Via anak! Dyos kong bata ka oo, bakit kaba nandyan anak umuulan na," natatarantang sabi sakin ni Mama nang makita niya akong nasa labas ng aming bahay.

Inalalayan ako ni Mama papasok at agad na pinainom ng tubig bago pinaligo sa banyo. "Anak, ilang beses ko nang sinasabi sayo diba na pag umuulan na pumasok ka na agad ng bahay." Malambing na sabi niya sakin habang sinasabon ang buong katawan.

Napakamot ako sa ulo ko dahil sa inaakto ni Mama. "Ma naman, disi siyete anyos na ako. Pero kung ituring mo ako parang limang taon parin." Nakanguso kong sabi sa kanya na ikinatawa niya lang sabay pisil sa ilong ko.

"Aray naman Ma."

"Sorry anak. Nag aalala lang naman kasi ako na baka maulit yung nangyari noon na naospital kayo ng kuya Ram at kuya Ryan mo dahil sa ulan." Malungkot na kwento sakin ni Mama. "Alam mo namang may trauma na ako sa Ospital 'di ba?"

Napatungo ako nang maalala ang huling punta namin ng ospital kung saan binawian ng buhay ang aking Ama. "P-pasensya na Ma. Hindi ko na po uulitin." Naluluhang sabi ko kay Mama habang nakatungo parin kaya napahikbi na ako ng malakas ng yakapin niya ako.

"Hush, tahan na anak."

"Hala! Ma anong nangyari, bakit po umiiyak si bunso namin?" Natatarantang tanong ni kuya Ram kay mama nang maabotan niya akong umiiyak. "Pluvia Reign, may masakit ba sayo bunso?" Malambing na tanong sakin ni kuya habang nakaluhod ang isang tuhod.

Umiling lang ako sabay yakap sa kanya na agad niyang ginantihan. Bumuntong hininga ng malalim sa kuya bago kumalas sa pagkakayakap. Gulat akong napatingin sa damit niyang basa na kaya agad kong binigay sa kanya ang maliit na tuwalya ko na ikinatawa niya.

"Ma ano po bang nangyari?" Baling niya kay Mama.

"Naabotan ko kasi siyang nasa labas nagpap-

"Ahh Ma, paabot naman po ng tuwalya ko, nilalamig na po ako eh." Putol ko kay mama dahil nangangatal na ako sa sobrang lamig. Nagmamadali namang kinuha ni Mama ang tuwalya ko at agad na ibinalot sa akin.

Inalalayan ako ni kuya Ram palabas ng banyo. "Kuya nasa'n po si kuya Ry?" Tanong ko sa kanya habang pinupunasan niya ang buhok ko ng tuwalya.

"Nasa trabaho pa siya bunso, Baka marami pa siyang pasyente ngayon sa Ospital." Aniya kahit alam ko naman pero tumango lang din ako sa sinabi niya.

"Maaga ka po yata ngayon Kuya?"

"Head ako ng Engineering Department bunso kaya maaga akong nakakauwi galing trabaho."

"Alam mo Kuya, gusto ko maging sekretarya tulad nang kay Mama." Masayang sabi ko na ikinatawa ni kuya ng mahina.

"Hmm... okay lang naman yun. Magandang trabaho din yun. Talikod ka nga kay kuya para masuklayan kita."

"Kuya Ram, kung sakaling buhay pa po si Papa, sa'n kaya tayo pupunta sa bakasyon?" Malungkot kong tanong kay kuya at narinig ko siyang bumuntong hininga.

"H-hindi ko alam bunso. Pero kung ako pipili, gusto ko sa Amerika ulit para mabisita natin sina Abuela at Abuelo dun."

Ang Ama kong si Flavio Atwater ay half American, half Filipino. Si Mama Rhean Reyes naman ay half Spanish, half Filipino.

Remember Me, My LOVE | Light RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon