PLUVIA REIGN - 7

35 16 0
                                    

I_Rabbiitt: Thank you! I dedicate this Chapter to you babe :D

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

CHAPTER 7

MAKARAAN ang isang linggo ay nakabalik na si Ate Rajah galing Amerika. Maayos na daw ang lagay ni Tito Franco pero ang Kuya Lucas ayaw pa ring pakampante lalo na't hindi pa raw nahuhuli kung sino ang bumaril.

Kuya Lucas is an Attorney, and known to be ruthless on the said field. Naka base siya sa Amerika kung saan siya nagtapos at naghasa ng galing.

"Sa susunod na buwan na pala ang kaarawan mo princess," biglang sabi ni Kuya Ryan nang nasa sala kami habang nanonood ng TV.

Sa sinabi niyang 'yun, ay imbes na matuwa dahil ika labing walong kaarawan ko iyun ay lungkot ang lumukob sa akin. Napansin yata yun ni Kuya kaya inabot niya ang kamay ko bago pinisil.

"Don't be sad, ayaw mo bang tuparin ni Elijah ang pangarap niyang maging abogado?" Nanatiling nakayuko lang ako sa sinabing yun ni Kuya.

"Stanford is known for best in teaching great Attorneys in the world. That's why Tita Amelia decided to bring Elijah there to study." Paliwanag ni Kuya na ilang ulit na niyang sinasabi sa akin pero hindi ko pa rin matanggap.

Hindi dahil sa ayaw ko siyang maging katulad ng Kuya Lucas niya na mahusay sa ganung larangan. Pero dahil ayaw kong magkalayo kaming dalawa.

Ang dami namang pwedeng Law school sa bansa! Bakit doon pa?

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Kuya bago guluhin ang buhok ko at tumayo. Kaming dalawa lang ngayon ang nanood dahil maagang natulog si Mama, at si Kuya Ram naman ay nasa Laguna para sa bago niyang project.

Bumalik si Kuya na may dalang baso na naglalaman ng ice cream. Inabot niya sa akin yun bago umupo sa'king tabi.

Alam na alam lagi kong paano ako papakalmahin eh! Kung ang Kuya Ram, tubig ang iaabot, ito naman, ice cream.

"Diploma in Computerized Secretarial Studies," basa ko sa papel ma ibinigay sa akin ni Kuya Ram noong isang araw. Bumaling ako ng tingin kay Kuya Ryan na nakatingin lang din sa akin habang kumakain.

"Iyon po ang gusto kong kunin na kurso sa kolehiyo Kuya," ani ko na ikinangiti niya lalo at sila ni Kuya Ramses ang magpapa aral sa akin.

And I will be Attorney Elijah's secretary.

Kung iyon ang magiging paraan para magkatagpo pa rin ang landas naming dalawa pagdating ng panahon.

DAYS PASSED. At ngayon ay ang unang linggo na ng buwan ng Marso kaya medjo nakakahinga na kami. Ang bilis lang ng araw. Ga-graduate na kami sa high school.

Elijah and I got the Highest Honors. Si Jhiny naman ay dahil transferee ay nasa Fifth Honors. Pero wala akong makapa na tuwa doon. Imbes ay lungkot ang idinudulot sa akin pero pinipilit kong ngumiti sa harap ng dalawa, na hanggang ngayon ay nagbabangayan pa rin.

"Grabe, ga-graduate na tayo pero si EJ mainit pa rin ang ulo sa akin!" Sumbong sa akin ni Jhiny isang araw na nasa cafeteria kaming dalawa. Malakas ang loob na magsumbong sa akin nun dahil wala ang isa.

"Paano naman kasi, iniinis mo rin." Malakas siyang tumawa sa sinabi ko na ikinalingon ng halos taong nandoon.

"Aba! Mag aabogado siya sa lagay na 'yun pero napakabilis mapikon. Baka naman pag nainip yun eh biglang barilin nalang sa ulo ang kalaban ng kliyente niya pag nasa loob na siya ng korte?"

Napailing nalang ako sa sinabi niya dahil kahit ako ay nagtataka kung bakit abogasya ang gusto ng binata pero napakadali namang mainis, lalo na sa kasama ko ngayon.

Remember Me, My LOVE | Light RomanceWhere stories live. Discover now