PLUVIA REIGN - 5

42 17 0
                                    

CHAPTER 5

NANG magtanghali ay tumawag lang ako sa bahay at pinaalam kay Mama ang nangyari. Nagulat pa siya sa sinabi ko kaya agad niya kaming pinuntahan ni Elijah.

"Kumusta daw si Mateo anak?" Ani Mama kay Elijah habang sinasalansan ang pagkaing dala sa hapag.

"Maayos naman na daw po Tita, tumawag sa'kin si Ate kanina." Mahinang sabi ni EJ habang nakayuko.

"Mabuti naman kung ganon, labis ang kaba at gulat ko nang tumawag sa akin kanina si Reign sa bahay." Ani Mama.

"Sorry po sa abala Tita Rhean," mabilis na umiling si Mama sa sinabing iyon ni Elijah.

"Hindi, wala yun hijo. Kaibigan ko rin ang mga magulang mo kaya nag-aalala din ako anak."

"Salamat po," ani EJ nang abotan siya ni Mama ng pagkain. Tumango lang si Mama bago nagpaalam na babalik na sa bahay. "Kain ka na Reign," baling niya sa akin at pinagsandok ako ng kanin at ulam na dala ni Mama.

"Thank you EJ," ani ko bago magsimulang kumain nang matapos kaming mag-usal ng panalangin. Tahimik lang kaming kumaing dalawa. Tanging tunog lang ng kubyertos at aircon ang maririnig.

Nang matapos kumain ay agad kaming dinaluhan ng kasambahay para sila na ang magligpit ng aming pinagkainan. Iginiya ako ni EJ sa itaas at hinayaang bukas ang pinto ng kwarto niya.

"You stay there," turo niya sa sofa bago ini-On ang TV. "Watch TV while I'm taking a shower." Tumango lang ako sa sinabi niya dahil nakaramdan ng pagkailang.

Nanood lang ako nang palabas habang nasa loob siya ng shower. Kahit papa'no ay naialis ko na sa isip ko ang pagkailang. hindi ito ang unang beses na nakapasok ako ng kwarto niya pero mga bata pa kami noon, ibang iba sa ngayong nagdadalaga at nagbibinata na kami.

Napasinghap ako nang lumabas siya ng banyo na naka khaki short lang at walang suot pang itaas, pinupunasan pa niya ang kaniyang buhok ng maliit niyang tuwalya habang palapit sa gawi ko. Napaiwas ako ng tingin nang tumingin siya sa akin, marahil namumula na ang pisngi ko ngayon. Tumikhim ako nang umupo siya sa katabi kong upoan.

"Are you okay Reign?" biglang sabi niya na ikinagulat ko. "namumula ang tainga mo." mabilis akong napahawak sa tainga ko dahil sa sinabi niya.

"A-ahh Oo EJ, ayos lang ako," nauutal kong sabi.

"Okay, sige bihis lang ako. Lipat tayo sa bahay niyo dahil doon daw tatawag si Ate Rajah at Kuya Lucas sa telepono niyo." Tumalikod na siya agad pagkasabi nun kaya parang nabunutan ng tinik akong napabuga ng hangin.

Maya maya pa ay nakabihis na siyang humarap sa akin. Bitbit sa magkabilang kamay ang cellphone, Laptop, notebook at ballpen.

"Mag-aaral ako ng Math, para dina ako mahirapan sa exam," Paliwanag niya habang bumababa kami ng hagdan.

"Sige, ako din. Paturo ah?" agad siyang tumangong nakangiti sa akin kaya napasigaw ako ng 'Yey' na ikinatawa naming dalawa.

Dalawang beses kong pinindot ang doorbell namin bago buksan ni Mama na agad ngumiti nang mabungaran kami ni EJ.

"Tamang tama na nandito na kayo, nagluto ako ng paborito niyong dalawa," ani Mama nang makapasok kami ng bahay. "Doon na kayo sa sala at ihahatid ko lang ang pagkain.

Mabilis na kaming tumango sa sinabi ni Mama at nagtungo na ng sala. Nagpaalam ako sandali kay Elijah na aakyat ng kwarto ko para kunin ang gamit ko. Mabilis ang kilos kong kinuha sa bedside table ko ang Laptop bago binuksan ang bag ko para kunin doon ang notebook ko sa Math pati ballpen.

Napatalon ako sa gulat nang malakas ang boses akong tinawag ng pamilyar na boses.

"Reyna!" kumakawy'ng aniya. "Hi!"

Remember Me, My LOVE | Light RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon