PLUVIA REIGN - 3

38 17 0
                                    

CHAPTER 3

PAGKAHATID ni kuya Ramses sakin sa eskwelahang pinapasokan ay agad kong nilapitan si Elijah na tahimik lang na nakaupo sa kaniyang silya.

"EJ," sambit ko sa palayaw niya na agad nitong ikinalingon. "Aga mo yata ngayon?"

"Reign. Maaga akong pinahatid kasi ni ate dahil na flat ang gulong ng sasakyan niya." Aniyang ikinangiti ko.

"Ay Oo nga, naabotan nga namin siyang sinisipa ang gulong ng sasakyan niya eh," ani kong tumatawa. "Kaya ayun, isinabay na namin siya sa biyahe. Si kuya Ryan kasi ang naghatid sakin ngayon."

"Ahh I see." Tumatango tangong sabi niya sabay balik ng tingin sa librong binabasa.

"Ano'ng inaaral mo?" Mahinang sabi ko sabay silip sa binabasa niya. "History, may quiz ba tayo?"

"Wala naman. Wala lang kasi akong magawa." Sabi niya na hindi inaalis ang tingin sa libro. Maya-maya pa'y isinara na niya ito sabay lingon sa'kin.

"Reign, sa'n mo pala balak mag-aral ng kolehiyo?"

Napatingala ako sa itaas sa tanong niya habang nakapatong sa kanang pisngi ko ang aking hintuturo. "Hmmm ang sabi ni Kuya Ram sa akin maganda daw mag-aral sa lungsod, marami daw'ng mapagpipiliang kurso kaya doon din ako," sagot ko sabay baling ng tingin sa kaniya. "Ikaw, saan ka?"

Agad siyang umiwas ng tingin sa naging tanong ko at napalunok. "Sa Stanford," mahinang sabi niya na ikinatigil ko sa paggalaw.

"Ha?"

"Reign," nahihirapan niyang sambit sa pangalan ko. "M-my Mom wants me to study there."

Para akong nanghina bigla sa sinabi niya at naramdaman ko nalang ang pamumuo ng luha sa aking mga mata. Umiwas ako ng tingin nang lumingon siya sa'kin.

"Pero nangako tayo sa isa't-isa EJ na walang iwanan," nanginginig ang boses kong sabi. "Tsaka diba sabi mo ikaw ang magiging escort ko sa Debut?" Nagsituloan ang luha sa mga mata ko at hindi ko na mapigilang mapahikbi. Naramdaman ko siyang gumalaw at yumapos sa'kin patagilid.

"I'll still be your escort on that day, Reign. Please, tahan na." Paulit-ulit niyang sambit habang yakap ako. "I already talk to Mommy about it and she agreed."

Mas lalo akong naiyak sa sinabi niya dahil alam ko pagkatapos nang gabing iyon iiwan na niya ako.

"Huling kaarawan ko na pala iyon na makakasama kita," pabulong kong ani na ikinabuntong hininga niya nang malalim.

"Reign, may Viber naman or Messenger para makapag-usap tayo, tsaka ilang taon lang man din ako doon." Malumanay niyang sabi.

"Mag-isa nalang ako pag-aalis ka na."

"Pag-usapan natin 'to mamaya ha. Tahan na andyan na si Mrs. Josephine." Aniya habang inaalis sa mukha ko ang mga buhok na tumatabing.

"OKAY CLASS, STUDY CHAPTER 20, we'll have quiz on Monday. Dismiss."

"Reign, let's go.. baka maubusan tayo ng upoan sa cafeteria." Yaya ni Elijah sa'kin nang mag lunch break na. Mabilis niya akong inalalayan palabas gaya ng dati niyang ginagawa.

"Vege Salad at Orange juice lang sa'kin EJ," bulong ko sa kaniya habang papasok kami ng cafeteria.

"Okay. Hanap ka na ng upoan natin." Tumango lang ako sa kaniya at agad na inilibot ang tingin sa paligid. Namataan ko sa isang gilid ang isang babae na nakaupo sa pang apatan na mesa.

Nang makalapit na ako sa pwesto niya ay gusto ko nalang umatras dahil sa mataray nitong aura. "What?" Anito habang nakataas pa ang kilay.

"A-ahh may kasama ka bang uupo? Punoan na kasi. Baka pwede-"

Remember Me, My LOVE | Light RomanceWhere stories live. Discover now