ELIJAH - 12

28 17 0
                                    

CHAPTER 12

MAHIGIT ISANG BUWAN na ang nakakalipas pero hindi pa rin nagigising si Reign. Kinansela ko na rin ang pagpunta ng Stanford na naintindihan naman nina Mommy.

Last week lang rin ginanap ang aming pagtatapos na nauwi lang din sa iyakan. Si Jhiny, na naging matalik na kaibigan ni Reign ay minsang pumupunta sa Ospital para dumalaw.

Mabigat man din sa loob niya, pero kailangan pa rin niyang ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral sa siyudad gaya nang napag-usapan nilang dalawa.

She took up Computer Secretariat instead of taking BS-Mass Communication as her only way to give happiness to her friend when the time comes that she woke up from a deep slumber due to coma.

"Elijah, anak, kumain ka muna." Ani Tita Rhean sa akin pagkarating niya. Buong gabi kong binantayan si Reign dahil gusto kong ako ang unang makikita niya pag nagising na siya.

I sigh. "Mamaya na po, Tita. Hindi pa po ako nagugutom." Baling ko sa kaniya.

"Anak, hindi magugustohan ni Reign pag nalaman niyang nagpapagutom ka."

Namuo ang luha sa mata ko dahil sa sinabi ni Tita. It was true. Reign would always remind me to eat.

"M-mamaya nalang po Tita." Pinal kong sabi na ikinabuntong hininga niya.

Inabot ko ang kamay ni Reign at pinisil-pisil 'yun. "Reign..." napahikbi ako nang banggitin ang pangalan niya. "Gumising ka na, please. Hindi ko na kayang nakikita kang ganyan. Hindi ko na kaya..." mas lalong lumakas pa ang hikbi ko nang niyakap ako mula sa likod ni Tita Rhean.

NAGPAALAM na si Tita na uuwi ng bahay. Binilin din niyang pupunta ngayon si Kuya Ramses para may kapalitan ako sa pagbabantay.

Saka pa lang din ako nakakain nang kumalma ako mula sa pagkakaiyak.

Ngayon, hawak-hawak ko sa kamay ang Yearbook at nakatutok ang mga mata ko sa masayang larawan ni Reign habang nakasuot ng puting toga at cap.

She looked radiant and happy. I even remember what she had said to me that time.

'Road to college life na talaga tayo EJ... sobrang excited ko kasi sabay kaming mag-aaral ni Jhiny sa siyudad. Kaya hindi ako malulungkot pag umalis kana hehe.'

'Pati ano, gaya ng pangako mo, araw-araw tayong mag-uusap di ba? Kaya wag kang mag-alala. Magiging okay lang ako.'

Napayuko ako nang may tumulong luha sa mata ko. Ang bigat sa loob ko na makita siyang nakaratay sa kama at wala akong magawa para magising siya— maliban sa hintayin ang araw na imulat na niya ang kaniyang mata.

Bumukas ang pinto at sumilip doon si Kuya Ramses kasama si Ate Ana Beatriz bago pumasok.

"Kumusta bunso?" Bati ni Kuya Ram sa kapatid pagkapasok. "Gising kana, namimiss ka na namin ni Mama at Kuya Ry."

"Babe," pigil ni Ate Ana sa huli nang magsimula itong umiyak. "Please, hush."

"Hindi ko lang mapigilang hindi maiyak sa t'wing nakikita ko ang kapatid ko na hanggang ngayo'y hindi pa rin nagigising."

And those words hit my conscience to the core. And it pained me more. It pained me to the point that I want to hit myself hard.

"Elijah, pahinga ka muna. Kami na muna ang magbabantay kay Reign." Ani Kuya Ram sa'kin pagkaraan ng ilang minuto.

"Sige Kuya, dadaanan ko rin kasi ngayon si Mommy dahil may aasikasohin kami na mga papeles."

"Nasabi nga ni Rajah 'yun sa amin. Sige na baka kanina ka pa hinihintay ni Tita Lia."

Remember Me, My LOVE | Light RomanceWhere stories live. Discover now