Chapter 36 Inch by Inch

1K 58 1
                                    

Chapter 36 Inch by Inch

***MEG POV***

PASAN ko ang mundo, este ang basket na puno ng maruruming damit. Bweno, hindi naman talaga sila marumi, ang bango pa nga e. Paano ko nalaman?

Tan-ta-da-dan....

E di inamoy ko lang naman!

^_____^v

Damit po ito ng mga amo ko. Kakakuha ko lang ng mga damit ni Vevien. Pagkadating ko sa lugar ng paglalabhan agad ko iyong ibinaba.

Wala kaming pasok, at bilang mabait na anak, tumulong ako sa mga gawaing bahay.

"Heto na po ma, naubos ko na." ^__^

"Anak... mukhang may nakalimutan ka pang kunin."

"Ho?" may nakalimutan ba talaga ako? Sa pagkakaalala ko kinuha ko ang lahat ng maruruming damit ng mga...

"Wala pa dito ang damit ni Senyorito Brendon."

Napatitig ako ng husto kay mama.

Ayokong marinig ang pangalan na yun!

"M-ma... p-pwede naman sigurong sa susunod mo na lang lalabhan yun. Hehe." Bahaw akong tumawa.

Huwag naman! Ayoko siyang makita! T__T

"Meg Ryan." Mahina lang ang pagkakatawag ni mama sa pangalan ko ngunit naroon ang awturidad at utos.

Lagot na!

"Kukunin mo o ako ang kukuha?" =__=

Palipat-lipat ang mga mata ko sa washing machine at kay mama. Hiyang-hiya naman ako kung siya ang paaakyatin ko. Sa taas ng hagdan, baka sumakit ang mga paa niya.

"Aish!"

Kahit ayaw ko, sige... GO!

"Sige, ako na lang ang kukuha." Bago pa man siya makahakbang, inunahan ko na siya.

"Ako na po ma." Nauna na akong lumabas. Mukha nga akong nagma-marathon sa bilis kong tumakbo sa hagdan.

Nang nasa harap na ako ng pinto, syempre sa silid ni Sungit. Kumabog ng husto ang puso ko. Naalala ko kasi ang mga nangyari kahapon. Kung paano ko siya sagot-sagutin.

Napangiwi ako sa mga naalala.

Naku naman!

Clash of CLANS 1 : EDRC vs. RDRC(COMPLETED)Where stories live. Discover now