Chapter 9 My Seatmate, Paincorpse

1.4K 62 1
                                    

Chapter 9 My Seatmate, Paincorpse

***MEG POV***

"GOOD MORNING sa inyong lahat. Ako nga pala si Meg Ryan Alontes, seventeen." Pagpapakilala ko sa lahat. Ang mga mata ng mga kamag-aral ko ay nakatuon sa akin. Sobrang dami nila. Hindi ko maiwasan ang kabahan at ang malunok ng ilang ulit ang laway ko.

Iyong feeling na nakukuha mo ang atensiyon ng lahat? Parang nakakanginig ng tuhod at pati ng kalamnan. Oras ba nahimatayin ako nang dahil sa sobrang kaba... may sasalo ba sa akin? >__<

"Everyone, listen very carefully." Napatingin ako sa gwapo kong teacher. Siya nangayon ang nagsasalita.

Nasabi kong gwapo kasi... GWAPO talaga siya.Mukhang napakabata pa nga niya para maging isang teacher.Sa tingin ko.... siya ang inspirasyon ng ibang kababaehan dito. Sobrang halata kasi.Heart shape ang mga mata ng iba.

"Meg Ryan will be your new classmate, so I am expecting that all of you will be nice at her. Are we clear?" pagpapatuloy ni teacher.

"Yes Sir!" sagot ng lahat.

Grabi, pay attention ang mga students dito.Takot kay sir?

"Miss Alontes, go to your sits now." Nakangiting wika ni teacher.

"Ho?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

Ako? Uupo na daw?Ngunit saan naman?

"I said, maaari ka ng umupo." ^__^

Bahagya akong napatingin sa mga kamag-aral ko. Sa sobrang dami nila, hindi ko alam kung saan ako uupo.

"Miss Alontes?" untag ni teacher.

Napatingin na naman ako sa kanya. Alanganin ang pagkakangiti ko. "S-saan po Sir?">__<

Saglit niya ako tinitigan. Na-mesmerize yata si Sir sa kapangitan ko, panay ang tingin e. Syempre joke lang. Matapos ang ilang sandali ay umilaw ang mukha ni Sir, na tila ba may biglang naalala.

"Oo nga pala Miss Alontes. Ipagpaumanhin mo kung nakalimutan ko." Nahihiyang kinamot niya ang kanyang ilong sabay harap sa mga classmates ko. "Class, sino sa inyo ang may bakanting upuan diyan?"

Tahimik lang ang mga tao sa loob nitong silid. Walang kahit ni isa ang nagsalita.

Anong nangyari sa kanila? Speechless?

Bumuntong-hininga si Teacher sabay kamot sa ulo niya.

Hala! May alaga ba siya sa ulo niya? Tsk! Kawawa naman si Sir, nilalait ko sa isip!

Natigil si Teacher sa pagkamot, walang lingong-likod na inabot niya gamit ang isa niyang kamay ang nananahimik na puting papel na nakalapag sa mesa. Pinasadaan niya iyon ng tingin.

Bilang isang curious na nilalang na naninirahan sa mundong ibabaw, sinilip ko ang papel na hinahawakan niya. May mga nakaguhit doon na maraming square tapos mayroong pangalan ng mga tao. Malamang na tao, imposible naman na mga alien sila. Sa tingin ko, set plan iyon ni teacher.

"Let see..." hinimas ni teacher gamit ng isang kamay ang kanyang baba habang nakatuon ang mga mata sa papel."Nakita ko na." ^__^

Ang saya ng mukha ni teacher. Ang lapad kasi ng pagkakangiti niya.

"Miss Alontes, sit beside Mr. Advincula." ^__^

"Ho?" Napuno ng question marks ang ulo ko. Kung kanina pinaupo ako nang hindi man lang sinasabi sa akin kung saan. Ngayon naman ay pinapapatabi ako kay Advincula na iyon na malay ko naman kung sino.Bakit ganito si Sir? Lagi na lang kinakalimutan ang napakaimportanteng detalye? >__<

Clash of CLANS 1 : EDRC vs. RDRC(COMPLETED)Where stories live. Discover now