Chapter 55 Rainy Afternoon

1.4K 66 3
                                    

Chapter 55 Rainy Afternoon

 

***MEG POV***

NAIANGAT ko nang wala sa oras ang paningin ko. Nakatayo sa mismong harap ko ang taong ito. Ang taong naging dahilan ng lahat ng nararamdaman kong sakit. Ang taong ayaw kong makita sa mga sandaling ito....

Brendon Miguel Smith!

"What the heck are you doing?!" sigaw niya matapos akong lapitan. Sa katunayan hinubad pa nga niya ang basa niyang jacket, sabay lapat nun sa ulo ko.

Kaso... naiinis ako sa kanya. Naiinis ako sa mga pinanggagawa niya kanina. Alam kong wala akong karapatan na magalit pero tao lang ako... nasasaktan sa mga bagay-bagay na wala akong karapatan.

Kaya naman, bago lumapat sa ulo ko ang jacket niyang dala, buong lakas ko siyang itinulak.

"HUWAG MO AKONG LALAPITAN!" walang tigil sa pagpatak ang mga luha ko. Hindi ko sila mapigilan.

"What's wrong with you?!" ganting sigaw niya. Muli na namang itinapat sa akin ang jacket niya. "Kagagaling mo lang sa lagnat tapos iyan ang gagawin mo?! Nahihibang ka na ba?" +__+

Tama... Nahihibang na ako! Isa akong dakilang tanga!

Sa ikalawang pagkakataon hindi na ako pumalag pa. Masyado kasi akong nanghihina. Pagod na pagod ang utak, katawan at puso ko.

Sa halip na magwala, tinitigan ko na lang siya. Sa lahat ng tao, bakit sa kanya pa ako nagkagusto? Bakit sa kanya pa? Bakit hindi na lang kay Jared?

Ramdam ko ang sunud-sunod na pagpatak ng mga luha ko. Buti na lang pala, umuulan. Hindi niya makikita ang kamiserablehan ko.

Bahaw akong tumawa.

Sira talaga ako!

Nagpilit akong tumayo, tinulungan naman niya ako. Gustuhin ko mang iwakli ang kamay niya kaso hindi ko magawa dahil sobrang higpit ng pagkakahawak nun.

"Iuuwi na kita!" seryoso niyang sabi, sabay hila sa akin kaso tumigil ako. Hindi ko hinayaang matangay na naman ako ng lakas niya.

Kailangan kong pigilin ang sarili. Ayokong edepende ang lahat sa kanya.

"Bakit na naman ba?!" iritado niyang tanong.

I have to stop myself from loving you!

"B-Brendon..." sa paglabas ng tinig ko, pumatak na naman ang luha ko.

Isang paraan lang ang alam ko para hindi lumago itong nararamdaman ko sa kanya. Iyon ay ang layuan siya at layuan niya ako.

"G-Gusto kong magpasalamat sa lahat..." T__T

Sa ikalawang pagkakataon. Hihilingin ko ito sa kanya! At sa ikalawang pagkakataong ito, iiwas na ako nang tuluyan. Titiisin ko ang lahat ng sakit.

"Ano ba yang pinagsasabi mo?!"

"Dahil... dahil... m-marami akong natutunan..." bahaw akong tumawa.

"Let's go!" *hila

"May mga bagay akong naramdaman na hindi ko inakala na mararamdaman ko..." *pigil

"Meg?"

"P-pero... sa pagkakataong ito... kailangan ko na talagang lumayo sayo..."

"What the heck are you talking?!"

"S-sa ikalawang pagkakataon... hinihiling kong layuan mo na talaga ako Brendon... N-nakikiusap ako sayo..." Ang hirap, nahihirapan na akong magsalita. "P-please... l-layuan mo na ako."

Clash of CLANS 1 : EDRC vs. RDRC(COMPLETED)Where stories live. Discover now