Chapter 43 THEIR POV 2

981 54 4
                                    

Chapter 43 THEIR POV 2

***VEVIEN POV***


"BRENDON!" tawag ko sa papaalis kong kapatid. Mukha kasi siyang nagmamadali. Aish! Wala naman sana akong pakialam pero bakit kailangan pa niyang gawin yun?


Kung hindi niya pinuna na hawak ni Meg ang sagot hindi namin makukuha ang karagdagang puntos. Unfair iyon para sa kanya dahil nakasasalay sa points ang pagkapanalo namin.


Gusto ko na maging patas, lalo na't malapit na ang katapusan ng schooling ko dito. Magbibilangan na kami! malapit nang mangyari yun!


Alam niya ang mangyayari kapag nanalo ang RDRC, alam na alam niya. Sa katunayan nakasalalay sa laro ang kinabukasan niya... kaya naman... bakit ganyan siya?


"BRENDON!" muling tawag ko ngunit hindi parin niya ako hinaharap.


Mabibilis ang mga hakbang na lumapit ako sa kanya, sabay pigil sa kanyang braso ngunit may hindi magandang nangyari. Dahil sa ginawa kong ito, napasinghap siya. Ang higpit pa ng pagkakahawak niya sa kanyang balikat.


Hindi siya nababakla, ngunit iyong singhap na tila ba nasaktan ko siya.


"B-Brendon... w-what's wrong?" >__<


Pawis na pawis siya at namumuti pa.


"N-nothing..." aniya,


Hindi ako naniniwala!


Lumapit ako sa kanya, sabay suri sa bandang balikat niya. Nang damhin ko iyon muli na naman siyang napasinghap.


May mali na dito!


"Take it off!" I hissed.


"Pwede ba, wag mo na lang akong pakialaman!" sigaw niya.


"I SAID TAKE IT OFF!" sa pagkakataong ito, nilakasan ko na ang boses ko. Kapag ganito na ako, kailangan na niyang sumunod dahil kung hindi... alam na niya ang maaaring mangyari sa kanya.


"H-huwag dito..." mahinang sabi niya. Iyong mga mata niya, nagiging mailap na.


"Okay." Pilit kong kinalma ang sarili. "Let's go to your room now!"


Inalalayan ko siya sa paglalakad. Nang marating namin ang silid niya, agad kong pinahubad sa kanya ang suot niyang damit.


Gilalas ako sa nakita. May pasa siya sa kanyang likuran at ang ibang parte ay nababahiran ng dugo. Napahinga ako ng malalim.


Ano ba ang nangyayari sa kapatid ko? Bakit siya nagkakaganito?!


Clash of CLANS 1 : EDRC vs. RDRC(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon