Chapter 45 Ang Ipis, bow!

933 53 0
                                    

Chapter 45 Ang Ipis, bow!

***MEG OF POV***

"MEG... Sa pagkakataong ito hindi na ako nagbibiro... I really like you..."

I really like you...

 

I really like you...

 

I really like you...

"AHHHHHHHHHH!" napabalikwas ako ng bangon. Hanggang ngayon pinapasok parin ni Jared ang utak ko! Hanggang ngayon hindi ko parin alam ang sagot ko! >___<

AHHHHHHHHHHH! >O<

"Miss Alontes!"

Naingat ko bigla ang paningin ko. Sobra akong na-shock matapos kong matukoy kung nasaang lugar na ako ngayon.

Sunud-sunod ang ginawa kong paglunok ng laway ko. Bakit? Kasi nasa alanganing sitwasyon ako. Nakatitig sa akin ang magandang mukha ng isa sa mga teacher ko. Mukhang hindi maipinta ang mukha niya. Pagtingin ko sa paligid, nakatingin din sa akin ang ilan sa mga kamag-aral ko. Bakit ba kasi nakalimutan kong nasa school na pala ako?! Kahapon pa yung pagtatapat na yun pero bakit ang unli sa brain?! Bakit?! >__<

"Ano ang sinisigaw mo diyan sa inuupuan mo? Ha?!" +__+

Mukhang terror si Maam, sa katunayan pinaiikutan pa siya ng black aura. Para ngang mananakmal siya!

Ahhhhhhhhhhhh! >O<

 

"K-kasi po..." >__<

Sobrang nakakahiya. Superb! >__<

"Bigyan mo ako ng isang magandang dahilan para huwag kang ipa-opisina." +__+

I gulp. Dead na yata ako! Oras magkamali ako ng sagot. Opisina ang peg ko! >__<

"Bilisan mo Miss Alontes!"

Napapitlag ako sa lakas ng boses ni ma'am. Ano ba ang magandang dahilan? Hindi ko alam kung ano ang... naikurap ko ang mga mata. Para kasing may sumipa sa paa ko.

"Miss Alontes!" +__+

"P-po?" *titig kay ma'am.

"Ano na?!" +__+

Muli na namang may sumipa. Bahagya kong nilingon ang katabi ko. Hindi naman nakatingin si Brendon sa akin, sa halip may nakalagay sa ibabaw ng mesa niya. Isang papel at may nakasulat na salitang...

"Miss Alontes!"

"IPIS!" Gulilat na sagot ko. Nakakagulat kasi ang boses ni Ma'am.

Clash of CLANS 1 : EDRC vs. RDRC(COMPLETED)Where stories live. Discover now