Chapter 53 A Joke? Or Not?

924 54 1
                                    

Chapter 53 A Joke? Or Not?

***MEG POV***

AYOKO siyang titigan. Nasasaktan ako sa mga naririnig mula sa bibig niya. Nagagawa niya akong pagbantaan! Ang sakit-sakit!

"M-Meg... T-teka lang..." aniya, para bang natataranta ang boses niya. "H-huwag ka ng umiyak!" >__<

Hindi ko yun pinakinggan, sa halip nagpatuloy lang ako sa pag-iyak. Hindi kinaya ng puso ko ang mga nangyayari sa akin!

"Tumahan ka na... please..." yung boses niya, para bang nagmamakaawa. Hindi ko makita ang mukha niya dahil hindi ko siya tinitingnan. Ayoko siyang titigan. Naiinis kasi ako sa kanya, hindi ko matanggap ang katotohanan na magagawa niya sa akin ito.

"Meg, naman... nagbibiro lang kaya ako..." aniya, inangat ang mukha ko. Ang tanging ginawa ko na lang ay ang umiyak habang tinititigan siya.

Totoo kaya ang sinasabi niya? Na isa lang itong malaking biro?

"Nagbibiro lang talaga ako!" >__<

Pero... kanina, nakikita ko sa mga mata niya ang kaseryosohan, ang talim ng tingin niya. Na para bang sobra siyang galit. Kaya naman paano ko masisigurado na nagbibiro lang nga siya? Paano?

He sighs and suddenly wipes my tears. "Sorry if I hurt you with that kind of joke Meg..." a warm smile curve on his lips. "I don't mean it, and I'm so sorry."

Kahit na medyo nakakaramdam pa ako ng sakit... Pinilit ko ang sarili na ngumiti kahit ang totoo niyan ay sobra pa akong na-shock at nasasaktan. Sabihin niyo nga! Sino ba ang normal na hindi masasaktan kung tinatakot ka na! Lalo na kung sobrang mahalaga ng tao na yun sayo! Ahuhuhuhu! Sorry sa pagsusungit, hindi ko mapigil e! T__T

Teka... sino ba ang kinakausap ko? Mga alien from outer space? Ngali-ngaling batukan ko ang sarili! Mukhang epekto lang ito ng pagkaka-shock ko! >__<

"H-huwag mo ng uulitin yun Jared." T3T

Tumulong na rin ako sa pagpunas ng pisngi ko kaso pasaway na luha. Non-stop. Hindi parin kasi ako maka-get over! >__<

"Oo..." he smiles. "I promise."

Siguro nga, joke lang talaga ang bagay na yun! Pero... natakot talaga ako! T__T

"H-humanda ka sa akin o-oras na ulitin mo pa ang bagay na yun... T-tinakot mo talaga ako Jared!" T3T

"Hindi ko na gagawin yun..." yung mga mata niya, parang nagsasabi iyon ng totoo. Sa katunayan ang mukha niya, sobrang amo na, hindi kagaya kanina. "You're so important to me Meg... You already know the reason." >////>

Oo nga pala, pero kanina, nagawa niya akong  takutin.Aish, erase-erase na nga Meg! Huwag mo na yung isipin pa pero... paano nalaman ni Jared ang totoo? Na kina Brendon ako tumutuloy? >__<

Clash of CLANS 1 : EDRC vs. RDRC(COMPLETED)Where stories live. Discover now