Chapter 3 Save by Hawk Eye?

1.9K 87 3
                                    

Chapter 3 Save by Hawk Eye?

***MEG POV***

KANINA pa ako paikot-ikot ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa nahahanap ang room ko. Wala sa sariling kinamot ko ang aking ulo.

Sana pala ay nagtanong ako kanina sa members ng RDRC bago ako tuluyang umalis. Bakit ko ba nakalimutan ang ganoong bagay?

Sa laki nitong school, kahit sino ay mahihirapan sa paghahanap. Aish! Halos mabaliw na ako sa kakahanap. May mabait ba na pwedeng tumulong sa akin?

T__T

"Miss..."

Napalingon ako sa pinagmulan ng boses. Instant, inisip ko pa lang, may sumulpot bigla. Nakatayo sa harap ko ang gwapong lalaki.

Kailan ba ako makakakita ng pangit dito para naman dalawa na kami! >__<

Nasabi ko na ba kung ano ang looks ko? Hindi ako kagandahan. Mahaba ang buhok ko na pwede ng pugaran nang ibon. Tamad kasi akong magsuklay. Nagsusuklay lang ako kung pagsasabihan na ako ni mama. Ganyan ako kabait na anak. Nakikinig kapag napapagalitan na.

^__^v

And one more thing, hindi ako palaayos. Sanay akong magsuot ng mga malalaking t-shirt. Kagaya na lang ngayon, nagmumukha na akong hanger.

Aish!

Natigil ako sa pag-iisip nang marinig kong magsalita ang lalaki sa harap ko ngayon. Mabuti na lang at hindi siya nandiri sa mukha kong ito.

"Hindi ba ikaw ang na-bully kanina?" ^__^

Nahihiyang tumango ako.

Trending!

"Bakit ka nga pala nandito?" ^__^

"Kasi.. ang totoo niyan..." Nahihiyang kinamot ko ang ulo ko. Sana walang sumamang kuto. "Naliligaw kasi ako. Hindi ko alam kung nasaan ang room ko." >__<

"Nasa anong grade ka ba?"

O__o <--- ako yan.

Napagkamalan na ba akong nasa grade ten pababa? Bweno, sa liit ko ba namang ito. Tsk!

Umiling ako sa kanya. "Nasa Junior high na pala ako."

"Ganoon ba?... Hindi mo ba alam kung nasaang building ka napunta?"

Tumango ako. Hindi naman ako maliligaw kung alam ko e!

"Gusto mo tulungan kita?" ^__^

Muli akong tumango kasabay ng mga mata kong umiilaw nang dahil sa tuwa. Hindi ko inakala na may mga gwapo palang mabait ang nag-e-exist sa school na ito.

Wait lang... Hmmm... Mas gwapo ang kasama ni Hawk Eye. Di hamak na mas mabait iyon. Parang crush ko na nga yata siya. >///<

"Sige.. tutulungan kita." ^__^

Pansin ko lang. Kanina pa siya nakangiti. UNLI.

"Halika na." ^__^

Napatingin ako sa kamay niya na ngayon ay nasa balikat ko. Alam niyo ba ang ginawa niya? Inakbayan niya ako!

"Tara na..." ^__^

Napatingin ako sa mukha niya. Parang may kakaiba sa ngiti niya. Binaliwala ko na lang. Basta ang mahalaga ay ang marating ko ang aking hantungan.

=__=

Mali yata ang huli kong nabanggit sa aking isip. Hantungan? Parang patay lang! Tsk! Nevermind na lang. Basta.... dapat akong makarating sa classroom ko.

Clash of CLANS 1 : EDRC vs. RDRC(COMPLETED)Where stories live. Discover now