Chapter 13 Broken Plates

1.2K 62 3
                                    

Chapter 13 Broken Plates

***MEG POV***

ABALA ang mga kamay ko sa paghawak ng mga bilog na bagay na nito na nasa lababo na ngayon. Lahat sila ay babasagin at nababalutan ng mga bula.

Hulaan niyo nga kung ano ang ginagawa ko... Aish! Sobrang easy... Naghuhugas ako ng sandamakmak na pinggan.

Kanina, pagkagaling namin mula sa lugar na iyon dinala nila ako sa quarters nila. Ang sobrang laking tambayan na ma-ala mansion. Ang bongga kasi ng loob at ang daming mga gamit kaso... Ang kusina nila ay parang pinamahayan ng mga monsters. Ang dami kayang pinggan na marurumi. Iyong iba pa nga ay basag pa.

Super amaze na sana ako kung hindi ko lang nakita ang loopholes ng mga taga EDRC na ito. Aish!

"Are you okay Meg?... Do you want me to help you?" >__<

Napatingin ako sa pinanggalingan ng tinig. Nakatayo sa tabi ko ang gwapo kong crush. Guess who? Syempre si Jared. Siya lang ang nag-iisa kong crush.

^__^v

Ngumiti ako sa kanya sabay iling. Ang gwapo niya talaga at super bait pa. "Huwag na, kaya ko ng ubusin ito." ^__^

"Sa dami niyan?" >__<

Kimi akong ngumiti sabay tingin sa mga bagay na dapat kong pakialaman. P.S. Sobrang dami ng mga ito. Ang sarap ngang itapon sa labas. Mayayaman naman sana. Aish! Kaso mukhang walang alam sa mga gawaing bahay.

"Kayang-kaya ko ito. Sanay na ako sa mga gawaing bahay." ^__^

"Pero..."

"Kaya ko. Promise!" ^__^ Itinaas ko ang isang kamay na para bang nanunumpa.

"Kaso..."

Ngumiti ulit ako. Ayokong patulungin siya sa paghuhugas. Duda kasi ako kung alam niya kung paano. Kasi kung tunay nga niyang alam. E di sana walang huhugasing pinggan ngayon. Sayang ang kamay ni crush, baka masugatan lang.

Natigil ako sa kakaisip nang bigla na lang niyang inagaw sa akin ang pinggan kong hinuhugasan. Sinabunan niya iyon.

"J-Jared...." O__O

Hindi ko maiwasan ang panlakihan siya ng mga mata. Natatakot ako sa maaaring mangyari. Balak ko sanang agawin iyon ngunit nahuli na ako dahil hindi pa nga nakakalapit itong kamay ko sa pinggan na hawak niya... Bigla na lang niya itong nabitawan. Mukhang nadulas sa kamay niya.

*CRACK  <- sound effect nang nabasag na pinggan. Hehe! ^__^v

Aish! Hindi nga ako nagkamali. Hindi nga marunong maghugas si Crush!

Tinitigan ko muna siya, nagtititigan kaming dalawa. Shock, malamang. Sunod kong sinulyapan ang nagkalat na basag na pinggan. Kapwa kami napatitig dun.

Clash of CLANS 1 : EDRC vs. RDRC(COMPLETED)Where stories live. Discover now