Chapter 51 Sungit

1K 54 0
                                    

Chapter 51 Sungit

***MEG POV***

"ANO ba ang nangyari? Biglaan kasi iyang lagnat mo anak." Kunot-noong tanong ng mama ko, habang pinupunasan ang mainit kong noo.

Ang tanging ginawa ko na lang ay ang ngumiti. Hindi ko naman masabi kay mama na nahulog ako kagabi sa swimming pool tapos nalamigan ako, tapos... tapos... tapos na. Lagnat ang ending.

Aish! >///<

"Kaya mo pa ba?"

"O-opo ma." Pilit ang pagkakangiti ko. Pero ang totoo niyan, sobra akong nilalamig.

Ahuhuhuhu! Kailangan ko ng init! Ano ba ang pwedeng gamot dito? >////<

 

Kinuha ng mama ko ang thermometer na nakaipit sa kilikili ko. Nagtaka nga ako ng may bumakas na pag-aalala sa mukha ni mama.

"B-bakit po ma?" ?///?

"38.6 degrees!" >__<

"P-po?" ?////?

 Ano raw? Hindi ako maka-relate! >///<

"A-anak... teka na lang ha... babalik lang ako..."

"Sige po..." >///<

Umalis na si mama, ang bilis nga ng ginawa niyang pagtakbo. Parang balak niyang mag-marathon. Aish! Natulog na lang ako, alam ko namang babalik siya pero...

Zzzzz...

 

Zzzzz...

 

Zzzzz...

Nayakap ko ang sarili nang wala sa oras. Sobra kasing lamig. Pagtitig ko sa paligid, para itong umiikot plus sumasakit ng husto ang ulo ko.

Ahhhh! Mamamatay na ba ako? >////<

Sa loob ng ilang sandali may narinig akong ingay. Una yabag ng mga paa, ang sunod ay boses na. Sinubukan kong titigan silang lahat.

SILA ang ginamit ko dahil sobrang dami nila. Hindi ko matukoy kasi sobrang labo ng mukha. Marami akong nakikitang tao pero sobrang labo talaga! >___<

"Sobrang taas ng lagnat niya!" anang boses ng malay ko kung sino, tiyak kong sinasapo niya ang noo ko.

"Lorenz buhatin mo siya!"

"Sige..."

"Ako na ang magbubuhat..."

Ang boses na yun, para bang kay Brendon. Sa loob ng ilang sandali naramdaman kong umangat ang katawan ko. Pagkatapos nun wala na akong maalala pa.

Clash of CLANS 1 : EDRC vs. RDRC(COMPLETED)Where stories live. Discover now