Chapter 4 Dessa and Heartkeeper

1.9K 79 1
                                    

Chapter 4 Dessa and Heartkeeper


***MEG POV***

Natigil ako sa pagtitig kay Hawk Eye. Kahit siya ay ganoon din naman. Nang dahil iyon sa boses na biglang lumitaw.


"HAWK EYE!"


Kapwa kami napatingin ng lalaki sa pinagmulan ng tinig. It's Vevien with her members. Iyong kasama niya kanina, sina Sheibe at Liezneth.


"What the heck are you doing to her?" muling sigaw ni Vevien sabay lapit sa kinaroroonan namin.


Kalmadong ibinaba ni Hawk eye ang kanyang mga kamay na nasa leeg ko sabay lipat nun sa pader. Ako ang nasa pagitan. Nalunok ko ulit ang laway ko, inilapit kasi niya ang bibig sa tainga ko. Meron siyang ibinulong siya sa akin.


"Remember what I said earlier pangit...." dinama niya ang ilang hibla ng magulo kong buhok at nilaro iyon. "I'll be watching you..."


"STOP THAT!" ani Vevien, sabay hila sa lalaki palayo sa akin.


Tinitigan ko silang dalawa. Hawak ngayon ni Vevien ang braso ng kanyang kapatid. While him? He is looking at me. He smirks. Napapatingin lang ako sa kanya. Hindi ko maiwasan na hindi mapakurap habang pinagmamasdan siya.


Ang paraan kasi ng pagkakangiti niya... parang... parang... Ah ewan! Basta hindi maganda.


Ilang saglit lang ay tinapik niya ang kamay ni Vevien at ang sarili niyang kamay ay kanyang ibinulsa. Tinungo na niya ang pinto. Nanghihinang napaupo ako. Dinaluhan naman nila akong tatlo. Ang tatlong RDRC na babaeng ito.


"Are you okay?"


"What did he do to you?"


"Sumusubra na siya..." gigil na ikinuyom ni Vevien ang kanyang mga palad.


Marahan kong pinahid ang basa kong mukha sabay iling. Hindi naman talaga siya masama. Sa tingin ko. Ayaw lang niya na pinasasalamatan.


"Bakit?"


"Para saan iyan?"


"May masakit ba sa iyo?"


Umiling ulit ako.


"E bakit ganyan ka?"


Ang pangit naman kung kay Hawk eye na lang nila ibunton ang lahat ng sisi. Hindi naman siya ang nagsimula nito. Kaya naman, ipagtatanggol ko muna siya. Marunong akong tumanaw ng utang na loob kahit pa minurder niya ang notebook ko kanina.


"Hindi naman si Hawk eye ang nanakit sa akin..." T__T


Clash of CLANS 1 : EDRC vs. RDRC(COMPLETED)Where stories live. Discover now