Chapter 7: Gift Meant for Someone Else

84 10 32
                                    


"Pumunta ka na sa reunion natin, sige na!" pamimilit ni Abigail. Siya kasi ang class president noong batch namin sa high school kaya siya pa rin nag-aasikaso nito ngayon.


"Busy ako." Pag-tanggi ko kahit ang totoo ay ayaw ko lang talagang makita si Martin. Nakaka-sawa ang mukha niya, palagi ko na nga siyang nakikita sa trabaho tapos pupunta pa'ko ng reunion para makita siya ulit? Aba, ayaw ko na. Sumosobra na siya.


Pagkarating namin doon sa events place, kinantyawan agad kami ng mga kaklase namin noon.


"Si Katrina na ba 'to? Alice?" Tuwang-tuwang sabi ng isa kong kaklase. "Ang ganda't-sexy mo, mare!"


"Thank you," sinabi ko na lang dahil wala naman akong ka-close sa mga 'yun!


Umupo na lang ako sa may table kasama si Beatrice na may kausap na iba naming kaklase. Si Abigail ay busy'ng-busy dahil siya ang punong abala. Hinihintay ko na lang mag-start ang program dahil wala talaga akong balak mag-tagal rito. Uuwi rin ako kaagad.


Napatigil ako sa pag-inom ng tubig nang mapasigaw ang host ng program dahil may lalaking pumasok sa pintuan ng events place. Kahit 'di ko pa tinitignan, alam ko na talaga agad kung sino 'yun.


"Martin! G'wapo mo lalo!"


Napatingin kaming agad kay Martin na sina Ren ang agad na nilapitan, nilapitan niya rin ang mga dating kasama niya sa varsity noon.


"Alice, laro tayo!" Hinatak ako bigla ni Beatrice dahil wala raw siyang partner doon sa laro. Nagpa-hatak na lang ako dahil ayaw ko naman maging KJ. Pero kung hindi naman minamalas, si Martin pa ang nakatapat ko sa beer pong!


"Ako muna. Watch me, guys." Pag-yayabang ni Ren at pinatalbog 'yung bola. Ang yabang at confident pa niya... hindi naman na-shoot. "Hala. Scripted, binayaran 'yung bola."


"Ako naman," sabi ni Martin at pinatalbog rin 'yung bola. Na-shoot 'yun sa basong nasa tapat ko kaya napa-irap na lang ako. Kailangan kong uminom dahil na-shoot niya.


Nang turn ko na, malakas kong pinatalbog ang bola at hindi ko inasahang tatama 'yun sa mukha ni Martin!


"Hala. Hindi ko sinasadya." Hindi ko alam kung lalapitan ko ba siya o ano, ang awkward!



"Okay lang." napa-hawak siya sa may bandang ilong niya. "Hobby mo naman ata talaga akong saktan."


"Ay. Bakit may personalan?" singit ng host kaya nag-tawanan sila. "Kayo pa ba ni Martin, Katrina?"


Nabuga ko ang iniinom kong beer at nag-init pa ang mga pisnge ko!


Nag-yie pa ang mga kaklase namin para pag-trip-an kami na akala mo ay high school pa rin!


Natahimik kami ng may pumasok sa front door ng events place na magandang babae na halatang mayaman. "Love! Martin!" kinawayan niya si Martin.

Into The Reality (PUBLISHED UNDER LINES OF LOVE)Where stories live. Discover now