Chapter 3.2

40 3 1
                                    


"P'wede bang mag-drive thru tayo?" Napayuko ako. "Nag-bago ang isip ko."


Without asking anything, Martin eventually took a u-turn dahil nalagpasan na namin ang drive thru kanina.


After ordering two meal sets from Mcdonalds, we came back on our way. My eyes were finding lola and Aika.


And when I spotted them, I made Martin stop the car. "Just drop me off at that sidewalk." Turo ko sa sidewalk kung nasaan si lola at ang batang babae na nag-tatawanan kahit wala silang sinisilungan kahit pa maulan.


Halatang may gusto itanong si Martin, but his mouth did not open, even a bit. He just followed my instructions. "Martin, p'wede bang ibigay ko 'yung pagkain natin sa kanila?" turo ko sa mag-lola.


He looked confused, but in the end, he nodded. Siguro ay naintindihan na rin niya kung ano ang ipinapahiwatig ko.


Ako lang dapat ang bababa ng sasakyan pero napatingin ako kay Martin na lumabas rin ng sasakyan at pinayungan pa ako. Nakaka-hiya naman sa kan'ya, cinareer niya na ang pagiging driver at bodyguard ko kahit pa yayamanin siya at ako ay dukha.


"Lola Eloisa! Naalala niyo pa po ba ako? Bakit po kayo nag-papabasa sa ulan?" Napatingin sa'kin ang babaeng matanda, at kahit pa hirap ang kalagayan, ngumiti siya sa akin.


"Ate Katrina, ikaw ba 'yan?" saad ng batang si Aika na lumiwanag ang mukha nang makita ako. "Antagal ko na po kayong hindi nakikita!"


"Aika, bakit hinahayaan mo ang lola mo na mag-pabasa sa ulan? Pati ikaw, bata ka pa, lalagnatin ka niyan." Tinanggal ko ang putting jacket na suot ko at itinaklob sa kanilang dalawa na nakaupo sa gilid ng sidewalk. "Kumain na po ba kayo?"


"Hindi pa po..." hiyang ngumiti si Aika. "Ilang araw na po kaming hindi nakakakain. Wala po kasi kaming mahagilap na pagkain sa basurahan. Wala rin pong nag-bibigay ng pagkain sa'min." Dahil sa sinabi ni Aika, nag-lambot ang puso ko.


"Heto, kumain muna kayo." Binigay ko ang paper bag ng Mcdo sa kanila at kita ko ang excitement ng bata, kahit si lola ay natakam.


"Maraming salamat, hija..." Pinunasan ni Lola Eloisa ang luha niya, "Hulog ka talaga ng langit."


"Ayos lang po ba kung sumakay kayo sa sasakyan ko?" Napatingin ako kay Martin nang mag-salita siya. "Dadalhin ko po kayo kung saan p'wede sumilong. Sa tingin ko po lalakas pa lalo ang ulan. Doon na lang rin po kayo kumain."


"Kasintahan mo ba itong lalaking ito, Katrina? Mabuti at napaka-g'wapong binata. Mabuti ang puso niyo pareho, pero huwag na. Nakaka-hiya na sa in'yo." Dahil sa bilis ng pag-sasalita ni lola, hindi ko na naitangging hindi ko boyfriend si Martin! Kahit si Martin ay hindi niya itinanggi ang sinabi ni lola. Para ngang wala lang iyon sa kan'ya.


"Mag-pupumilit na po ako, lola." Martin insisted. "Sumakay na po kayo. Pare-pareho po tayong nababasa, lalo na po kayo," saad niya. Sa tingin ko'y sinabi niya lang iyon para konsensiyahin si lola at mapasama na lang. In unexpected moments, I get to see how Martin's heart is so pure.

Into The Reality (PUBLISHED UNDER LINES OF LOVE)Where stories live. Discover now