Chapter 3.5

40 4 1
                                    


"Congrats to us! Nakaka-proud naman, after ng pag-hihirap natin sa pag-aaral na may halong landian, graduate na tayo!" Muntik ko nang masiko si Bea dahil sa kaingayan ng bibig niya. We're at our graduation celebration sa malapit na resto mula sa school namin. Hindi namin kasama ang mga magulang namin na nauna nang umuwi. Si lola ang pumunta sa graduation ko para isabit sa akin ang mga medalya ko at pakinggan ang graduation speech ko. As usual, mama was too busy to even attend. Pero okay lang.


Napatingin ako sa tagiliran ko nang kinalabit ako ni Martin.


"Congrats, love." Nag-abot siya sa'kin ng bouquet ng sunflowers at inamoy ko 'yun bago ngumiti at mag-pasalamat. Akala ko bouquet ng bulaklak lang ang bigay niya sa'kin pero may inabot siya sa ilalim ng lamesa na cage na maliit at may puppy 'yun na Golden Retriever at may collar 'yun na Snorlax ang design. Nag-liwanag ang mga mata ko.


"Love? Thank you!" Niyakap ko siya ng mahigpit.


"Boo! Yabang, porket crinushback!" pag-iingay na naman ni Bea. "Sana all binibigyan ng dog."


"Gaga ka talaga, 'di mo ba kayang itikom bibig mo." Sinubuan ni Abigail ng pizza slice si Bea sa bibig para manahimik.


Pinag-patuloy ko ang pag-kain ko habang pinapanood silang nag-babangayan. I bit my lower lip to stifle a laugh. Magkatabi si Abigail at Bea. Kami naman ang magkatabi ni Ren at Martin, bale si Martin ang nasa gitna.


"So? Anong plano niyo?" Ren opened a topic; I believe he's referring to our college plans.


"Sa state university kami sa Manila," maikling sagot ko. "Marketing Management ako, si Bea ay Comm Arts, at si Abigail naman Accounting." I once thought that I didn't want to finish college, but maybe Martin really changed my mind. He's really determined to pull me into college together with him. Ayos lang naman daw sa kan'ya na hindi ako makasama sa parehong course oo university pero gusto niya lang talagang mag-aral ako ng kolehiyo. He said... I'd have a better future, he said I'd find better job opportunities.


"Sus, nagtanong ka lang kasi sa CUA kayo ni Martin." Bea scoffed.


"Cosmopolitan University of Asia." Ren boasted. CUA was one of the best universities in Asia. All of us planned to study there, but I couldn't afford the miscellaneous fees even if I get a scholarship, kaya dinamayan ako nina Bea at Abigail na sa state university mag-aral.


It was okay, though. Even if we had separate universities, I know we'll all manage. Our friendship is not that shallow, especially Martin and I's relationship. CUA is the best university for Martin, he wanted to study at the state university I was in, but I forced him to settle for CUA. He has the privilege and key to the premier institution of higher learning of the Philippines, and I didn't want him to waste that opportunity. Plus, I'm proud na nakapasa siya doon. Nakapasa ako sa entrance exams ng lahat ng in-apply-an ko pero sad'yang walang budget pamilya namin sa mga universities na 'di ko pinili.


"Wacky!" Tawag ko sa aso namin ni Martin na lumaki na ng kaunti dahil sa dalawang taon na lumipas. Naka-labas siya ng gate namin kaya kinabahan ako na baka maka-kagat.


I felt relieved when a man picked Wacky up and Wacky didn't even struggle to bite that man. Napagtanto ko kung bakit nang humarap ang lalaki. Si Martin pala 'yun!

Into The Reality (PUBLISHED UNDER LINES OF LOVE)Where stories live. Discover now