HC 2

171 12 0
                                    

✿*:・゚𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 𝕿𝖜𝖔: 𝕳𝕮 𝕾𝖎𝖌𝖓𝖑𝖊𝖙𝖘゚・:*✿

"What in the world did just happened?!" May pagkahisteryang tanong ni Zieth habang nakatingin sa harap namin.

"I guess I'm right all along. 'Yong matandang babae na 'yon ay hindi pangkaraniwang manghuhula lang, mukhang tayo ang hinihintay niya. It feels unusual and weird, I admit. Ano naman ang atraso niya sa 'tin?" Seryosong wika ni Tryx habang may malalim na iniisip.

"Ano'ng ibig mong sabihin, Tryx?" Tanong na ni Kyron habang kunot-noong nakatingin sa kaibigan naming observer.

"Kailangan siguro nating pumasok d'yan sa hindi pangkaraniwan na portal, baka makahanap tayo ng sagot pagdating natin doon," suhestiyon ni Javin.

"Maybe, you're right Javin. Let's go, guys," I said in an authoritative tone.

Sumunod naman kaagad sila pagkasabi ko niyon at ako ang unang lumapit sa portal na 'yon at pigil ang hiningang pumasok doon.

Nakapikit ang mga mata ko habang papasok ako sa portal. Hindi ko alam pero may kakaiba akong nararamdaman habang papasok ako roon. Parang may humihila sa 'kin sa palapulsuhan ko at parang may mapulang liwanag akong nakikita nang magmulat ako ng mga mata.

Napaawang ang aking mga labi sa nakikita at nasaksihan. May ganito ba talagang mundo?

Nakatapak na ako sa isang napakalawak na lupa at mga kakaibang kulay ang aking mga nakikita.

"What is this? Ano'ng klaseng mundo 'to? How come I didn't even know that there is such world like this?" Bulalas ni Nayi kaya napabaling ang tingin ko sa kan'ya. Namimilog ang kan'yang mga mata.

"Alam mo, Nayi? Ang OA mong maka-react," sabad ni Javey sa kan'ya kaya sinimangutan ni Nayi si Javey at hindi na lang pinansin.

"Be careful guys, there might be creatures or terrible things that we'll surely be endangered," paalala ni Ate Klabie sa 'min. Tumango lang kami at nagsimula nang maglakad pero napatigil nalang ako dahil bigla na lang akong napatingin sa palapulsuhan ko. I saw something red and shiny like a gemstone. 

What is this?

I described it as a bracelet but the center has a gemstone, a red gemstone to be exact. Kakaiba ang kislap niyon kaya hindi ko maiwasang mapatanong.

How did I even get this without me knowing?

"Why did you stop, Aez?" Tanong ni Kyron sa 'kin saka nilapitan ako.

Napatingin din siya sa tinitignan ko at nagulat sa nakita kaya tinignan din niya ang kan'yang palapulsuhan at sabay kaming napasinghap sa nakita. Another gemstone on his wrist but with a different color unlike mine. It's garnet in color while mine is ruby.

"Hey, guys! Tumingin kayo sa mga palapulsuhan niyo," utos ko kaya napatingin naman sila sa kanilang mga palapulsuhan.

Pareho sila ng ekspresyon sa isa't-isa, katulad ng naging ekspresyon ko kanina nang makita ko ang nasa palapulsuhan ko.

"Ano po'ng ibig sabihin nito?" Tanong ni Nish.

Lumapit ako sa kanila kasunod si Kyron sa likod ko at sinisipatan ng tingin ang kanilang palapulsuhan. 

Horos University: School of Horoscope Abilities | ✓Where stories live. Discover now