HC 9

58 7 0
                                    

✿*:・゚𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 𝕹𝖎𝖓𝖊: 𝕰𝖆𝖛𝖊𝖘𝖉𝖗𝖔𝖕𝖕𝖎𝖓𝖌 𝖜𝖎𝖙𝖍 𝕳𝖎𝖒゚・:*✿

Papaanong nangyari na 'yong eksperto sa mga iba't-ibang abilidad at kakayahan ay may gusto sa isang hamak na kaibigan ko lang? And, how did they know each other?

After Crece flirted with Ky, she walked away and later, Ky was already helping me to walk slowly towards my room even though I can walk normally and told him to stop but he doesn't want me getting hurt just because I'm from the midst of recovery. Napailing-iling nalang ako sa kan'yang ginagawa sa 'kin.

This guy is something... ngunit hindi ko mapangalanan kung ano. Parang bine-baby niya ako kahit alam naman niyang hindi ko 'yon gusto at kaya ko naman nang maglakad ng maayos. I feel like I'm a handicapped person.

Nang makapasok na ako sa room ko ay nagtaka pa ako kung bakit hindi pa rin umaalis si Ky sa silid.

"Is there anything you wanted to say, Ky?" Tanong ko na bahagya lang ang pagkakakunot sa noo ko.

Umaliwalas na ngumiti siya sa 'kin at bigla nalang niyang hinawi ang natitira kong buhok na nakakalat sa mukha ko at inilagay iyon sa tainga ko dahilan para mapamulagat ako sa kan'yang ginawa.

"Hindi mo ba talaga napapansin itong mga ginagawa ko sa 'yo? Hindi ko naman pala alam na ang manhid mo." Natigilan ako saglit dahil sa huling sinabi niya pero pinilit kong balewalain iyon. Baka prank o ano lang 'yong sinabi niya.

"A-Anong ibig mong sabihin?" Hindi ko maiwasang mautal pagkatanong ko. Tinanong ko iyon sa kan'ya dahil gusto ko lang kompirmahin kung prank lang ba 'yon o... totoo, walang halong biro.

Ngumiti na naman siya saka inilapit ang kan'yang mukha sa akin tapos hinawakan niya ang ilong ko para pisilin.

"Nevermind, ang cute mo pala 'pag gan'yan ang ekspresiyon mo kasabay nang pagkautal mo," pag-iiba niya sa usapan.

Ang sunod niyang ginawa ay mas lalong nagpahinala sa 'kin kung ano ang pinapakita niyang motibo. Now I know that this is not a prank or something. It's not a joke.

Mabilis niyang hinalikan ang pisngi ko saka ginulo ang buhok ko at mabilis na lumabas ng silid ko. Narinig ko pa na nagmura siya at kumaripas ng takbo.

Napaupo na lang ako ng pabagsak sa kama at pinakiramdaman ang pisngi ko sa pamamagitan ng paghawak niyon.

Ang lakas ng loob niyang halikan ako sa pisngi.

Kung tama itong hinala ko, I think I need to confront him if he really... likes me.

It feels odd because I thought that all his actions to me were just a responsibility of being a friend for a long time and now, I don't think I can think of anything else just to convince myself that—I'm still confirming of what my senses to his are—he has feelings for me not just as a friend. More like more than it.

Napamulagat ako dahil sa isang katok na nanggagaling sa pinto ng silid ko kaya napatayo ako ng wala sa oras kaya muntik na akong mawalan ng balanse.

Kapagkuwan naman ay lumapit ako roon at pinagbuksan ang kung sino mang HCian o nilalang na naroon.

Mas niluwagan ko ang pagkakabukas ng pinto dahil si Nayi lang pala ang kumatok. Bumungad sa 'kin ang kan'yang napakalapad na ngiti at may sparkle pa sa mga mata niya, akmang yayakapin na naman niya ako nang pigilan ko siya. Tuwing gagawin niya kasi iyon ay naiirita ako sapagkat hindi ako sanay na may yumayakap sa 'kin, kahit kaibigan ko pa 'yon mahigit ilang taon na ang lumipas.

"Sorry, 'di mo pala talaga gusto ang pakikipagyakap ng kahit na sino, kahit mismong long time friend mo pa," nakangiting aniya.

Tinignan ko naman siya ng seryoso saka nagsalita. "What brings you here, Nayi?" Tanong ko.

Horos University: School of Horoscope Abilities | ✓Where stories live. Discover now