HC 5

84 9 0
                                    

✿*:・゚𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 𝕱𝖎𝖛𝖊: 𝖀𝖓𝖎𝖛𝖊𝖗𝖘𝖎𝖙𝖞 𝕻𝖗𝖊𝖈𝖎𝖓𝖈𝖙'𝖘 𝖁𝖎𝖊゚・:*✿

I tried to forget what happened earlier because Maui was busy with introducing me every corner and inch of the places and things here in the university but it's no use because I kept on thinking about that vermin guy.

I lost focus in enjoying what Maui said about the places she had showed to me.

"May ipapakita sana ako sa 'yong isa pang lugar na dadaanin pa ng isang kakaibang pasilyo patungo roon— wait, nakikinig ka ba sa 'kin, Kat?" Aniya nang tumigil siya sa paglalakad at sinuyod ako ng tingin.

"Yes, what is it?" Tanong ko, wala sa sarili akong tumango.

"I know you didn't listen to me based on your answer. Is it because of Ryfin?" Untag niya sa 'kin kaya tinignan ko siya nang nalilito. Who is Ryfin she's saying? I don't even know who is he.

She answered right away as if she'd read my mind. "The guy who accidentally hit your cheek with his yoyo."

So, that guy is Ryfin as what Maui said.

"Yes, it's that vermin guy, bakit kilala mo 'yong gagong 'yon?" Tanong ko. Napaawang ang mga labi niya na nakatingin sa 'kin na para bang may sinabi akong hindi kapani-paniwala.

"Seriously, Kat? Ako dapat ang nagtatanong sa 'yo niyan, e. Sino'ng hindi makikilala ang isang Ryker Griffin Dioryn? He's the son of one of our preceptors, Kat! He's also famous in here! Every HCian girls in here will drool over him, well of course, except me," aniya saka napahagikhik. Ako naman ay napapailing na lang.

"'Yang Ryfin na sinasabi mong famous? Baka famous 'yan dahil kahit siya pa 'yong may kasalanan ay parang walang pakialam kung makasakit man siya ng tao," I rebuked.

"Kalimutan mo na nga lang muna 'yan, halika na, mamaya ko na lang isasabi sa 'yo ang sinabi kong lugar na 'yon dahil alam kong hindi mo rin naman mae-enjoy ang tanawin dahil iniisip mo si Ryfin," aniya na may halong pangungutya.

"Ewan ko sa 'yo, Maui," sabi ko at kinibitan ko lang siya ng balikat.

Pagdating namin sa sinasabing luncheonette ni Maui ay nakita ko naman kaagad ang mga kaibigan ko doon.

"Hey, Aez and you, Maui," bungad kaagad ni Dyce sa 'ming dalawa.

Tumango lang ako sa kan'ya saka umupo na.

"Here's yours po, Ate Aez," sabad ni Nish at ibinigay sa 'kin ang pagkain.

Pagkatapos kong ngumuya ng isang kagat sa burger na nakahanda sa tray ay saka palang ako nag-angat ng tingin sa kanila at napansin ko 'yong pabalik-balik ng tingin nila sa 'kin at kay Maui.

Bahala na sila kung ano ang iisipin nila, it's still obvious, anyway.

"Nag-recruit na naman ng bagong kaibigan si Aez. 'Yon, oh! It means, may bago na naman tayong kaibigan," ani Jalu at ngiting-ngiti pa.

"Alam niyo namang tapos na akong magpakilala sa inyo, 'di ba? Yes, bago nga akong kaibigan ni Kat. P'wede niyo 'kong tawaging Maui, p'wede kayong tumawag sa 'kin ng gan'yan dahil kaibigan niyo naman ako," nakangiting wika ni Maui.

"Welcome to our family friendship, Maui," bati ni Ate Klabie sa kan'ya kaya mas lalong napangiti si Maui.

"Salamat...?" Maui trailed off because she didn't know Ate Klabie's name.

"Kleighn Gabrielle Khaleid but call me Klab or Klabie, if you want you can call me Ate Klabie, it depends on you," nakangiting pakilala ni ate kay Maui.

"Okay... Ate Klabie. Salamat sa pagbati," pasasalamat ni Maui kay ate. Tumango lang bilang sagot si Ate Klabie.

Isa-isa rin silang nagpakilala pero mas umunang nagpakilala sila Jalu, Javey, Cary, Nish, Nayi at Dyce. Sumunod naman sila Kyron, Javin, Tryx, at Zieth.

Horos University: School of Horoscope Abilities | ✓Where stories live. Discover now