HC 16

13 7 0
                                    

✿*:・゚𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 𝕱𝖎𝖋𝖙𝖊𝖊𝖓: 𝕱𝖗𝖔𝖒 𝕭𝖊𝖎𝖓𝖌 𝕬 𝖁𝖊𝖗𝖒𝖎𝖓 𝖙𝖔 𝖆 𝕾𝖚𝖉𝖉𝖊𝖓 𝕲𝖊𝖓𝖙𝖑𝖊𝖒𝖆𝖓゚・:*✿

"What are you doing, seriously, Maui?" Nakataas ang kilay na tanong ko habang nakatingin sa ngayo'y parang tangang sinusubukan ni Maui ang kan'yang abilidad na agility habang nakikipaglaban sa kalaban na parang mannequin kung titignan. We're here in the training room, actually.

"Yah! Yah!" Sigaw pa niya kaya halos mapairap ako pero pinilit ko na lamang maging seryoso.

Hindi pa ako nasasanay sa kan'yang ka-weirduhan kaya maski ngayon ay tinatanong ko pa rin siya kung bakit ginagawa niya 'yon. Parang tanga.

Nang marinig niya 'yong sinabi ko ay mabilis siyang lumapit sa 'kin, in just a snap.

Napansin kong seryoso naman siyang nakatingin sa 'kin bago dahan-dahang sumilab ng apoy ang kan'yang kanang kamay.

Pero hindi naman ako nasindak kaya tinignan ko lamang iyon. Nang mapansin niya akong hindi man lamang kumibo ay tinupok naman niya kaagad iyon kaya muli ko siyang tinignan sa mukha, para siyang batang nakatingin sa 'kin. She pouted.

"I thought you're gonna be frightened but I guess, I was wrong. Ano pa nga ba? You're a coldhearted woman," kibit-balikat na aniya bago napalitan ang kan'yang ekspresiyon sa pagiging masaya na. She beamed unto me.

"Try me, Aez! Para mas magagamit mo lalo ang abilidad at kapangyarihan mo!" Excited na sabi niya habang hinihila niya ang aking braso papunta sa gitna ng training room.

And that's her weird personality started, again.

Wala akong magawa kung 'di pagbigyan siya sa gusto niya kaya pumorma ako, maging siya rin.

Naging seryoso naman ang mukha niya habang nakatingin sa akin ng matiim. Nang magsimula na ay ginamit niya kaagad ang kan'yang abilidad na agility kaya hindi ko matukoy kung paano ko siya mapapabagsak ng hindi sadya.

Kaya ang ginawa ko ay huminahon ako dahil hindi ko makita ang totoong katawan ni Maui kasi masyadong siyang mabilis at inikot-ikotan ako. Pumikit ako at ilang segundo lamang ay may nakita akong asul na figurine ng isang babae, parang si Maui ito.

I can see her every moves, even the future ones she's going to do so I took advantage of it.

Kaya pala niya ako inikot-ikotan ay para mahilo ako o malito at hindi ko siya matamaan at sa halip ay ako ang mapabagsak. Hindi naman sadya kaya walang dapat ipag-alala, after all, it's just a practice.

Ginawa ko ng paraan gamit ang aking dapat na gagawin sa nakikita kong asul na senaryo sa isipan ko bago ako dahan-dahang nagmulat ng mga mata.

I smirked secretly. Hindi niya panigurado alam 'tong susunod kong gagawin. Humanda ka, Maui Thremourse. Naghahanap lamang ako ng tamang tiyempo.

Nang sa wakas ay bigla na lamang siyang sumulpot sa harap ko at tumigil na siya sa pag-ikot-ikot sa 'kin para sana matamaan ako sa kung ano mang kaya niyang gawin na ikapapabagsak sa 'kin ay bago pa niya gawin iyon, siya na mismo ang unang natamaan galing sa 'kin.

Tumilapon naman siya ng kaunti dahil sa ginawa ko kaya napangisi ako pero ngumisi rin siya habang nakatingin sa 'kin.

"Parang sanay ka na sa kakayahang mayroon ka, ah?" Tanong pa niya bago dahan-dahang umayos ng tayo.

"Well, I guess, I am... now," I mumbled.

"So, shall we practice again? Bukas kasi ay may training na naman tayo na rito magaganap, a monthly evaluation for our abilities and powers we have," paalala naman niya sa 'kin.

Horos University: School of Horoscope Abilities | ✓Where stories live. Discover now