HC 6

56 12 1
                                    

✿*:・゚𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 𝕾𝖎𝖝: 𝕾𝖊𝖊 𝖄𝖔𝖚 𝕸𝖔𝖗𝖊 𝕺𝖋𝖙𝖊𝖓゚・:*✿

Pagkatapos ng laban sa precinct para dagdag puntos sa activity na 'yon ay pumunta muna ako sa gilid dahil nandoon ang mga gamit ko sa parang bato kung tignan pero asul ang kulay, it's also floating because of that blue light particles surrounding it.

Kinuha ko ang tubig ko sa shoulder bag at ininom iyon dahil nauuhaw na kaagad ako.

Bago ko pa maipasok ang bote ng tubig sa shoulder bag ko ay may mabilis na humablot niyon mula sa pagkakahawak ko kaya inis kong tinignan kung sino 'yon.

Nakangising lalaki ang bumungad sa harapan ko at hawak-hawak niya ang bote ng tubig ko.

"Give me that back," I said in a calm tone.

"Say please and I'll lend it to you immediately," aniya habang nakangiti na kaya kita rin ang may pagkasingkit niyang mga mata.

I only gave him a cold gaze and answered him. "And why would I?"

"Just say please, it's simple to say it," nakangisi na naman niyang sabi. Kumindat pa siya pero napansin kong hirap siya pagkakindat niya, hula ko hindi siya marunong kumindat.

May topak ba 'to? Ngingisi tapos ngingiti? Tapos hindi naman pala marunong kumindat. Tsk.

"I said give me that back," I said again, but dangerously this time. Hindi naman niya napansin ang delikado kong tono at ginaya pa ang paraan ng pagkakasalita at ang sinabi ko sa kan'ya.

"I said say please to me once," he mocked me.

Ang kulit ng lalaking 'to. Sino kaya 'to? May nag-utos ba sa kan'ya para gawin niya sa 'kin 'to?

"Do you want me to kick your face?" I asked.

"Will you? Sa pagkakaalam ko hindi ganoon ang trato sa 'kin ng mga babae rito, e." He's so boastful!

"Well..." I trailed off.

"Well, what?" Tanong niya.

I rose the side of my lips to prevent my controlling anger but I just can't help it.

"Well... I am!" After that, I kick his face, merciless of what I do to him.

"Argh!" Daing niya pagkatapos ko siyang pinatid sa kan'yang mukha.

"Don't play with someone like me, hindi lang 'yan ang aabutin mo sa 'kin kapag nagtangka kapang paglaruin mo ulit ako, I take jokes seriously," banta ko at inismiran siya saka kinuha na ang bote sa maluwag na niyang pagkakahawak at ipinasok na iyon sa shoulder bag ko.

"Ryfin, help me! Dude!" Sigaw pa ng lalaking pinatid ko sa mukha. Wait, what? Ryfin?

Napatingin ako sa lalaking hindi ko na nanaisin pang makita.

Pumunta siya sa kaibigan niyang hindi marunong kumindat at saka tinulungang makatayo. Narinig ko pa siyang bumuntong-hininga.

"Bumubuntong-hininga ka pa d'yan tapos ikaw naman 'yong nag-utos sa 'kin na gawin 'yon sa babae at ito 'yong consequence sa ginawa ko ayon sa utos mo, dapat pananagutan mo 'ko!" Sigaw pa ng lalaking hindi marunong kumindat.

Ang damuho ang nag-utos sa kaibigan niyang 'di naman marunong kumindat?

"'Di kaya ako 'yon— aray!" Napadaing ang damuho dahil sa ginawa kong pagsampal sa kan'ya kaya mabilis siyang napabaling ng tingin sa 'kin.

Inismiran ko siya kaya hindi siya makapaniwalang tumingin sa 'kin.

"Why did you do that to me?" Pagmamaang-maangan niya.

Horos University: School of Horoscope Abilities | ✓Where stories live. Discover now