HC 8

46 9 0
                                    

✿*:・゚𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 𝕰𝖎𝖌𝖍𝖙: 𝕭𝖊𝖊𝖓 𝕿𝖍𝖊𝖗𝖊, 𝕯𝖔𝖓𝖊 𝕿𝖍𝖆𝖙゚・:*✿

"Ryfin, what did you do to Aez a while ago?" The girl named Azandra Maureen suddenly asked me such a ridiculous question.

"I did not do anything that made her collapsed earlier. Nabigla lang ako dahil sa kakaibang abilidad na taglay niya, tapos bigla nalang siyang nawalan ng malay at dinala sa clinic," anas ko.

"We'll see about that," aniya saka tumalikod na at naglakad na papalabas sa training room.

"That girl is weird," I said to Eidre. Hindi siya sa 'kin nakatingin kun'di sa pinto ng training room kung saan lumabas ang babaeng wirdo.

"Yeah but she's still beautiful," ani Eidre at parang nagpapantasya na base palang sa ipinapakita niyang ekspresiyon habang nakatingin sa pinto.

I snapped a finger at him to wake him up from his daydream.

"You have a crush on that girl?" I asked.

Tumango siya sa 'kin at nag-angat ng tingin.

"Huwag mong sabihin na may crush ka rin kay Maui?" Tanong niya kaya hindi ako makapaniwalang tinignan siya.

"What the hell? Sa tingin mo, papatol ako sa ganoong uri ng babae? 'Di ako pumapatol sa mga wirdong babae, Eidre. You know that, tsk," kontra ko kaagad.

Parang nakahinga ng maluwag si Eidre sa sinabi ko saka nginitian ako.

"Mabuti naman kung ganoon," sabi pa niya.

Napailing-iling na lang ako dahil sa inaakto niya.

What a fool...

✿*:・゚━━━━━༺۵༻━━━━━゚・:*✿

Napamulat ako dahil sa isang sinag ng liwanag na tumatama sa mukha ko. Pagkaupo ko ay napaigik ako dahil sa kirot na nanggagaling sa magkabila kong mga kamay. Nasa clinic ba ako ngayon?

"Aez, maayos na ba ang pakiramdam mo?" Napatingin ako sa nagsalita, si Kyron iyon habang nakatingin sa 'king ng may pag-aalala.

"I guess, I am. Don't look at me like that, Ky. You know that I don't want that expression and look," sabi ko at umiwas ng tingin.

Narinig ko siyang napabuntong-hininga saka nagsalitang muli.

"Hindi ko lang maiwasan, Aez. Sorry about that," aniya. Tumango lang ako dahil sa paumanhin niya.

"What happened earlier and why did I even get in here?" Tanong ko kay Kyron.

"You passed out from the training room, Aez," he answered.

"Why?" Tanong ko pa.

"Mukhang bago lang sa 'yo ang ganoong abilidad kaya hindi mo kinaya at 'yon siguro ang dahilan kung bakit ka nawalan ng malay kanina," he answered again.

"Okay," maikling usal ko. Ano naman ang nangyari sa damuhong Ryfin na iyon?

"Ang sinasabi mo ba ay 'yong lalaking kalaban mo kanina sa pagpapakita ng mga abilidad at kakayahan natin, tama ba?" Nagulat ako dahil sa sinabi niya. How did he read my mind?

"I have this ability to read a mind on someone," sabi niya habang nakangiti.

"Yes, that vermin guy, what happened to him after I passed out?" Tanong ko.

Horos University: School of Horoscope Abilities | ✓Where stories live. Discover now