HC 7

64 8 3
                                    

✿*:・゚𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 𝕾𝖊𝖛𝖊𝖓: 𝕿𝖊𝖘𝖙𝖎𝖓𝖌 𝕬𝖉𝖗𝖔𝖎𝖙𝖓𝖊𝖘𝖘 𝕿𝖗𝖆𝖎𝖓𝖎𝖓𝖌゚・:*

"Azreen, what do we gonna do now? Paano na ang mangyayari sa 'tin kapag itatakwil tayo ng ina mo at madamay pa ang anak natin?" Napatigil ako dahil sa tinig ni poppa na nanggagaling sa may sala.

Inosente ko iyong pinakinggan kahit hindi ko naman alam kung ano ang mga pinagsasabi nila.

"We can protect our daughter from my mother, Kadlei. Our love for each other is forbidden because of my mother but we protected it, might as well we can do it to our daughter, okay?" Sabi naman ni momma.

Sumulpot kaagad ako sa kanila saka inosente silang tinignan at nagsalita.

"Nakita na po ba ninyo si granny?" Umaasang tanong ko.

Nakita kong natigilan si momma at poppa at gulat na napatingin sa 'kin.

"Aez, sweet cake!" Gulat na usal ni momma sa 'kin kaya nakangiti ko siyang tinignan.

"Bakit po kayo gulat na gulat po sa 'kin, momma? I'm a ghost na po ba?" I said, grinning.

Umaliwalas kaagad ang mukha ni momma pati na rin si poppa sa 'kin saka ako nakangiting nilapitan.

"No, sweet cake, you're not a ghost. Hmm, we didn't see your granny until now but don't worry we'll find her as soon as possible for you," malambing na wika ni momma kaya malapad ko siyang nginitian.

"Yes, exactly baby," nakangiti ring sumang-ayon si poppa sa 'kin.

"Yehey! I'm going to meet granny earlier soon! Yipee!" Magiliw at excited na sabi ko kaya napatawa sila momma at poppa sa 'kin.

Nawala 'yong magiliw at may excitement sa tinig ko nang mag-angat ako ng tingin at bumungad sa 'min ang isang matandang babae pero desente siya manamit at parang ang bata-bata pa ng mukha.

Nagtago kaagad ako sa likod ni poppa dahil sa takot.

"Poppa, momma, sino po siya?" Nahihintakutang tanong ko sa kanila.

The old lady smiled at me and spoke. "Don't be afraid of me, dear. I'm your mom's parent so it means that you are my granddaughter and I am your grandmother."

"Hon, ilayo mo muna si Aez dito," utos ni momma kay poppa kaya tumango si poppa at mabilis niya akong binuhat at seryosong tinalikuran ang direksiyon nila momma.

Pagkatapos akong dinala sa kuwarto ay saka naman umalis si poppa at isinara ang pinto ko.

Totoo kaya na siya si granny? Baka hindi naman kasi hindi ko nakikitang matanda na ang kan'yang mukha.

"Mom, just please spare our child like what you did to us," I heared momma pleaded.

"Hindi ko ugaling gumawa ng masama kapag bata na ang pinag-uusapan, Azreen. Alam mo iyan, pero gusto ko siyang isama sa mundo nating mga taga HC," wika ng matandang babae.

"Pero, mom, gusto na namin ng tahimik na buhay kasama ang bata, ayaw ko siyang buhayin at mamulat sa isang napakakomplikadong mundo lalo pa't may mga kalaban pa rin na nakakalat sa HC," ani momma.

Ano ang ibig sabihin nila?

"I can take care of it, Azreen," matigas na saad ng matandang babae.

"You don't understand it, mom," usal ni momma.

"She's a half mortal and a half HCian, Azreen. You need to tell her the truth or I will if you'll not going to do it," banta ng matandang babae.

Horos University: School of Horoscope Abilities | ✓Where stories live. Discover now