HC 30

40 7 4
                                    

LAST CHAPTER. :)

✿*:・゚𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 𝕿𝖍𝖎𝖗𝖙𝖞: 𝕷𝖆𝖘𝖙 𝕵𝖎𝖋𝖋゚・:*✿

We were trapped because of them but I managed to escape it. Ngunit kahit matagumpay kong napawala ang malakuryenteng rehas na 'yon ay hindi pa rin kami nakakalabas sa teritoryo nila.

At nagsisi ako kung bakit sumunod pa kami rito kung mahuhuli pa rin lang kami sa patibong nila. Sinubukan kong lumaban sa kanila at maging ng mga kaibigan ko pero nanghihina na kami, parang may humihigop sa mga lakas namin kaya sa huli ay napasalampak kami sa sahig dahil pinakawalan nila ang kapangyarihan nila sa 'min.

Nang makita ko ang nahihirapang mukha ni Ryf at no'ng mga mata ni Ky nang mapatitig ako ng mabuti niyon ay gustong-gusto ko silang pahirapan ngunit hindi ko alam kung paano gagawin 'yon ng mag-isa.

May kapalit din kung ibibigay nila sa 'min ang dalawa at 'yon ay ang pagbibigay ko rin sa kanila ng aking kapangyarihan. But, I'm not that stupid so I declined that damn deal.

Pero mas nagulat ako dahil sa susunod na mga nangyari. Ate Klabie suddenly said something I don't even want to hear at all.

Kaya ginawa ko ang makakaya ko para mapigilan siya sa balak niyang gawin. Hindi niya kailangan magsakripisyo ng kan'yang kapangyarihan para sa 'kin.

For one last time, I begged at her to not sacrifice her powers to me and lend it to those fucking peasants.

"Please, ate. Don't do this. Paano mo kakalabanin ang mga 'yan sa susunod kung ibibigay mo sa kanila ang kapangyarihang mayroon kayo? Ikaw ang orihinal na nagmamana niyan, ate."

Ngunit nginitian niya lamang ako at ipinatong niya ang kan'yang kamay sa 'king kamay 'saka bumulong.

"Just trust me, Aez," bulong nito.

Hindi ko maintindihan kung ano ang gusto niyang ipahiwatig doon sa huling sinabi niya sa 'kin pero hindi ko na siya pinigilan sa gusto niyang gawin.

Unti-unti namang tumayo si ate at narinig ko pa siyang huminga ng malalim bago siya dahan-dahan na pumunta roon sa kalaban.

"Madali naman pala kayong kausap eh," nakangising sambit ng kalabang ama ni Ryf.

Wala akong magawa kundi bumuntonghininga at nagtiwala na lang sa sinabi ni ate. I must trust what will be Ate Klabie's plan.

Nahihirapan pa rin akong magpakawala ng kapangyarihan ko at maski rin sa kinaya kong mga abilidad kaya umaasam na lang ako na may mangyaring himala rito at makawala kami sa teritoryo nilang ito . . . na kasama na sila Ryf at Ky.

Nang makalapit si Ate Klabie sa mga hangal na 'yon ay roon na nagsimula ang ina ni Ryf na higopin ng dahan-dahan ang kapangyarihang mayroon si Ate Klabie.

Ngunit sa kabila niyon ay napatutop ako sa aking bibig nang masulyapan ko ng aksidente ang nasa likod ng ama at ina ni Ryf at ang ama-amahan ni Ky. Biglang nagdiwang at nagkaroon ng pag-asa ang nasa kaloob-looban ko.

Dahil . . . nakita ko ang mga katawan ni Ate Klabie na nakapaligid sa kanila nang hindi nila namamalayan. Ate Klabie uses illusion, her ability.

Lumingon ako sa gawi ng mga kaibigan ko at maging sila ay nananahimik pero bakas sa kanilang mga mata ang diwang at saya.

Ate Klabie's right, we must just trust her and everything will put back in order.

Naghahanap lamang si ate ng tamang tiyempo. Samantalang kaming sampu ay nakaabang lamang sa susunod niyang gagawin at kapag nakahanap na si ate ng tiyempo, siguro p'wede kaming tumulong.

I hope we will regain our powers and abilities in no time.

At nang makahanap ng tamang tiyempo si ate ay mabilis siyang kumawala ng kapangyarihan patungo sa ama ni Ryf at ama-amahan ni Ky at dahil sa lakas ng puwersa mula sa kapangyarihang pinakawalan ni ate sa kanila ay nawalan sila ng kakayahang lumutang sa ere. Thanks to her aqua power.

Horos University: School of Horoscope Abilities | ✓Where stories live. Discover now