HC 28

16 7 0
                                    

✿*:・゚𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 𝕿𝖜𝖊𝖓𝖙𝖞-𝕰𝖎𝖌𝖍𝖙: 𝕭𝖊𝖙𝖗𝖆𝖞?゚・:*✿

Nagsimula na kaming humakbang para sa paghahanap namin kay Kyron pagkatapos naming maghiwalay ng landas galing sa silid niya. I wonder why did he suddenly go missing?

I have a different kind of feeling about why he'd go missing. Kinabahan ako sa hinala ko na baka may nangyari sa kan'yang masama at dahil 'yon sa dalawang traydor dito sa HCU. Kapag may mangyaring masama sa kan'ya, tiyak wala na akong magagawa kung may mangyaring hindi kaaya-aya rin sa kanila. Iba ako magalit at 'yon ang ikinatakot ko dahil kapag labis akong magalit, hindi ko na makontrol ang aking sarili. Katulad no'ng nangyari sa Horochlione pero ibang matinding emosyon din ang naramdaman ko no'n.

Hinanap ko siya sa precinct at nagpatuloy sa pagpalakad patungo roon. Tinitignan ko isa-isa ang mga upuan doon kung naroon ba siya pero wala kahit ni isang anino o presensiya man niya. Sinubukan kong magtanong sa mga nandoon kung nandito rin ba siya kanina pero wala raw silang nakitang presensiya ni Kyron. Napabuntonghininga ako.

Ngunit lumiwanag bigla ang aking mukha pagkatalikod ko sa precinct. Sigurado akong nandoon siya, madalas namin 'yong tambayang labing-dalawa eh. Secret garden, here we come!

Mabilis akong pumunta ro'n gamit ang kapangyarihan kong lumipad. Nang makarating ako sa edge niyon ay roon ko lang napagtanto na kailangan ko pa palang tawagan silang labing-isa para sa identitic lock ng pintuan sa hardin. Pero napatigil ako sa akmang pagkuha ko sa CMB ring na nasa daliri ko dahil may napansin akong liwanag na nanggagaling doon sa kabilang bahagi na nandoon din ang pintuan ng hardin.

Napasinghap ako. May nakapasok ba roon nang hindi namin nalalaman? Eh, 'di ba kami lang naman, pati si Ryf, ang may kakayahang mabuksan ang identitic lock sa pintuan ng hardin?

Kinuha ko ang pagkakataon na 'yon na tumapak ako sa parte ko na leon ang simbolo ng zodiac sign at mabilis iyong nag-sprint patungo sa kabilang bahagi ng passageway. Nang makarating ako roon ay nakabukas na ang pintuan ng hardin kaya pumasok kaagad ako roon. Nandoon na silang labing-dalawa ngunit nagulat ako dahil kasama niya rin sila Crece at Eidre. Akala ko ba sikreto lang ang tungkol sa hardin na ito? Bakit nandito silang dalawa?

"Maui? Guys? Bakit sila naritong magkakapatid? I thought this was a secret garden, Maui? Why did you tell them?" Seryosong tanong ko.

"I trust them, Aez. Don't you trust them, too? They're your friends too, right? Kaya nga ako ang inaatasan ni Countess Zelena na babantayin 'tong hardin na 'to. Espesyal ito para sa kan'ya ngunit hindi ko maaaring sabihin sa inyo ang lahat ng nakapaloob dito," seryoso bagamat mahinahong sagot nito sa katanungan ko.

Lumalim ang gitla sa noo ko dahil sa sinabi niya sa huling parte. "Ano'ng ibig mong sabihin, Maui?" Tanong ko, nagtataka sa sinabi niya.

Ngunit huminga lamang siya ng malalim at nag-iwas ng tingin bago iniba ang usapan. "Guys, we need to find Kyron in here. So, get yourselves together." Mahihimigan sa boses nito ang labis na kaseryosohan.

Why is she acting like that to me right now? Sumeryoso siya bigla pagkatapos kong tanungin kung bakit nandito ang magkakapatid. Ano'ng mali sa sinabi ko? I didn't even offended her in any way.

Naghiwalay kami ng landas ngunit nandito pa rin kami sa loob ng hardin, nagkahiwalay lang kami. We walked horizontally and each started to find Kyron.

As I was busy parting ways with the bushes, I saw a beaming light from the front of it. I stopped because of that. Nakakasilaw iyon kaya 'di ko malapitan at maaninag ng maayos. Kahit kuryoso ako sa liwanag na 'yon ay umayos na lang ako para ipagpatuloy ang paghahanap ko kay Kyron.

Horos University: School of Horoscope Abilities | ✓Where stories live. Discover now