Prologue:

1.2K 43 0
                                    

"Emerald! Buksan mo ang pinto!", rinig kung sigaw ni kuya. Sa tono ng pananalita nya ay para itong papatay ng tao dahil sa galit.

Dali-dali naman akung tumayo at binuksan ang pinto. Pagbukas ko ay isang malakas na sampal ang natanggap ko dito. Nahilo ako dahil sa lakas ng sampal na iyon. Pinilit binalanse ang sarili upang hindi tuluyang matumba.

"K-kuya", nauutal kung sambit habang pinipigilang umiyak.

"Sabihin mo sa akin! Bakit mo sinaktan si Ruby?! Alam mo bang may pasa sya sa mukha!", galit nitong sigaw sa mukha ko.

"Kuya, hindi ko po alam ang sinasabi mo. Wala naman akung ginawa kay Ate Ruby", mahinahon kung sagot dahil ayaw ko nang galitin si Kuya Mond.

"Hindi! Halika ritong hayop ka!!", napasigaw ako ng hilahin ni kuya ang buhok ko at kinaladkad ako pababa ng hagdan.

"Kuyaaa! NASA-saktan ako!", umiiyak kung sabi. Binalibag ako ni kuya ng makarating kami sa may sala. Nakita ko si Ate Ruby doon nakaupo at pinapatahan ni Ate Dia. Ginagamot rin nito ang pasa sa gilid ng labi nito.

"Ayan! Nakita muna ang pasang ginawa mo!", sabay sipa nito sa likod ko. Napaigik naman ako dahil doon. Nakaluhod ako sa harapan nila Ate Dia at ni Ate Ruby habang nasa likuran ko naman si Kuya Mond. "Baby Ruby.. Tell me. Anong ginawa ng babaeng ito sayo?", mahinahong tanong ni Kuya dito.

"Sinampal nya po ako kuya dahil inagaw ko raw si Enzo. Sa katunayan nga ay inaakit nya si Enzo kahit alam nyang boyfriend ko ito.", humagohol ito ng iyak sa harapan namin.

"Anong pinagsasabi mo, Ate Ruby..Wala nama akung ginawa sayo. Kuya Mond, Ate Dia nagsisinungaling po si Ate Ruby. Hi---", naputol ang sasabihin ko ng isang sampal na mula kay Ate Dia ang natanggap ko. Ang kapatid kung akala ko ay maniniwala sa akin at hindi ako sasaktan.

"I'm very disappointed in you, Emerald! Naniniwala ako sayo. Hindi ko pinakinggan ang sinasabi ng lahat na masasama sayo pero hindi ko inaakalang aabot sa puntong kaya mong landiin ang boyfriend ng kapatid mo. How dare you!", sinabunutan ako ni Ate Dia. Habang hindi ko naman mapigilang mapaiyak.

"Ate! Maniwala ka sa akin please! Nagsisinungaling si Ate Ruby", pero isang sampal ulit ang natanggap ko rito. Nakita ko naman ang pagngisi ni Ate Ruby ng palihim. Lahat nalang ng bagay na nasa akin ay nawala dahil inagaw ito ni Ate Ruby ng dumating sya sa buhay namin. Hindi namin nakasamang lumaki si Ate Ruby. Dumating sya noong labing isang taong gulang ako. Gusgusin at halatang naghirap sya noong panahong nahiwalay sya sa amin. Dumating sya ng ganoong hitsura at uhaw na uhaw sa gamit, pagkain at atensyon. Kaya naman hindi ko masisi na tinuon nila ang atensyon nila sa kanya pero hindi ko inaakalang dahil sa pagdating nya ay magbabago ang lahat.

Ang mga Atensyon at pagmamahal ay unti-unting pinagkait sa akin. Ayos lang sa akin kung wala akung pera basta nandito sila pero kinalimutan na nila ako. Nasa kay Ate Ruby na ang lahat. Pati si Enzo na minahal ko at boyfriend ko ay hindi rin nya pinalampas.

Patuloy akung umiiyak habang sinasaktan nila ate at kuya sa mismong harapan ni Ruby na palihim nakangisi at natutuwang pinapanood ang paghihirap ko.

"Simula ngayon Emerald hindi na kita paniniwalaan. Sinungaling! Malandi! Mang-aagaw!", sigaw ni Ate Dia sa akin matapos akung saktan. Lalo akung naiyak. Iniwan nila akung tatlo sa sala na parang isang basura.

"Oh! Ano pang hinihintay mo dyan! Umalis kana nga sa harapan namin!", napatingin ako sa nagsalita na sana hindi ko nalang ginawa dahil mas lalo pala akung masasaktan. Dahil ang mga salitang iyon ay nanggaling sa mismong bibig ni Mommy habang seryoso naman akung tinitigan ni Daddy. Walang ibang makikita sa kanilang mga mata kundi pandidiri.



A/N: So consider my grammatical error and typos!!!! Thank you!

The Angel is Down  The Devil will RiseWhere stories live. Discover now