Chapter 15

471 32 0
                                    

Nabalik ako mula sa malalim na pag-iisip na iyon ng maramdaman ko ang kamay ni Anthony sa balikat ko. Kanina pa pala ako nakatayo at nakatitig sa nerd na ngayon ay natatakot sa akin.

"May problema, boss?", mahina nyang tanong sapat na para ako lang ang nakakarinig.

"Wala, tayo na", sagot ko at naunang naglakad. Sumunod naman si Anthony sa akin. Napadaan kami sa lamesa nila Ruby at nakipagtitigan sa kanya. Ngumisi ako sa kanya bago inayos ang salamin kung suot at binalik sa nilalakaran ang tingin ko.

"Hisss", Tunog yan ng ahas na nagmumula sa isang reyna na walang iba kundi si Ruby.

Pagkalabas namin sa cafeteria ay dumeretso kami sa isang bench. Nasa lilim ito ng malaking puno kaya hindi mainit. Napansin ko naman ang tatlo na palihim umupo sa isa ring bench sa likuran ng puno kung nasaan rin ang aming inuupuang bench.

"May balita kayo?", tanong ko sa tatlo habang kay Anthony ako nakatingin. Kung may makakita man O makakarinig sa amin ngayon ay iisipan lang ng mga ito na kami ang nag-uusap ni Anthony at hindi kasama ang tatlo.

"May Blog kaming na discover sa black market",sagot ni Cedric.

Agad akung napalingon sa kinaroroonan nila pero dahil nakaharang ang malaking puno ay doon ko natuon ang tingin ko.

"Blog?", naguguluhan kung tanong.

"Yes,boss. Pero hindi kami sigurado kung may mahahanap tayong clue sa kakambal mo", sagot ni Art.

"Pero basi sa aming nalaman ay isa sa mga taong nandito sa paaralang ito ang nagmamay-ari sa blog na iyon. Hindi namin alam kung sino sya kahit isang clue tungkol sa kanya ay hindi namin alam maliban sa nalaman naming dito ginawa ang blog na iyon.", pagpatuloy ni Yuan.

Napaisip agad ako sa mga binalita ng tatlo. Kung alam lang sana namin kung anong kasarian nya ay pwede namin iyong ibawas sa mga nag-aaral dito at sa mga gurong nagtuturo dito. Pero hindi rin iyon kadali dahil pwede namang baguhin ng mga blogger ang tungkol sa kasarian nila.

"Sa Mansion na tayo mag-uusap nito", dismiss ko sa kanilang tatlo ng makita ang paparating na Reyna ng ahas. Tumayo naman agad sila Yuan at umalis.

"Well, well, well! Akalain mo nagkita tayo dito", nang-aasar nitong sabi habang nakatayo sa harapan namin kasama ang boyfriend nyang mukhang unggoy na hindi ko lubos maisip kung saang parte ng lalaking ito ang nagustuhan nya.

'Ang cheap mo naman, Emerald! Dito ka pa talaga nagkagusto. Mukha pa nga lang parang hayop na pati ba naman sa ugali'

"Dapat lang sayo ang punishment mo! Akala mo kung sinong mayaman kung makaasta", saad naman ng ingeterang Ruby.

Hindi ako umimik sa kanya at lalong hindi ako sa kanya nakatingin. Ano sya Gold?! Bahala sya kung mainis sya. Wala akung pakialam. Bored na ako sa palagi nyang katatahol.

"Hoy! Ikaw! Makinig ka sa akin! Ang pamilya ko ay may maraming koneksyon at sa isang iglap kaya naming bilhin ang buhay mo pati ang pamilya mo para sunugin kayo!", saad nito kaya agad akung napatingin sa kanya.

"Excuse me! Hoy ingeterang mukhang aso! Tahol ng Tahol para sabihin ko sayo hindi ako Cheap tulad mo at lalong hindi kaya ng perang hindi naman sayo na bilhin ang buhay ko! At wag mong ipagmamayabang ang pera mo sa akin dahil hindi ka naman naghirap nyan", mataas kung saad.

Tumayo ako sa inuupuang bench at sinalubong ang matalim na titig nito. Ilang segundo kaming nagkakatitigan bago ko sya binangga sa balikat nya. Kita ko naman sa gilid ng mata ko kung gaano ka Overacting ang ginawa nyang pagtumba na agad naman sinalo ni Enzo.

"Oh! I forgot to tell you this! Pwede ba wag mong paulit-ulit sabihin kung gaano ka kayaman kasi hindi lahat nang bagay kayang mabibili ng pera", saad ko bago nagpatuloy pero agad rin akung napahinto ng magsalita sya.

"Sa mundong to ang pera na ang naghahari. Anong sinasabi mong bagay na hindi ko kayang bilhin? Pag-ibig ba ang tinutukoy mo? Dahil kung OO nagkakamali ka, Bitch! Dahil yang lalaking palaging mong kasama ay kaya kung bilhin at utusan na iwanan ka!", sigaw nya at pinagtawanan ako.

'You wrong, My dear! Dahil hindi pag-ibig ang tinutukoy ko kundi ang buhay na kinuha nyo at ang poot na nararamdaman ko. Hindi mo iyon kayang bilhin' iyan dapat ang isagot ko kaya lang naramdaman ko ang nagbabagang aura mula kay Anthony. Kaya naman hayaan kung si Anthony ang sasagot sa kanya.

"Hoy! Babae! Ipasok mo to sa kukote mo! Bago ka makikipag-usap tungkol sa pera, koneksyon at kayamanan. Sana man lang may napatunayan kana
Sana man lang naiisip ng utak mong walang ibang laman kundi hangin na ang sarili mong pera ang dapat winawaldas mo para naman hindi ka nakakahiya! Nakakahiya ka sa lipunan ng mga mayayaman! ", well said Anthony.

Nainsulto sya sa sinabi ni Ruby kaya naman pang high class ang sagutan ng ating bodyguard. Kahit bodyguard ko sila aba't mayaman rin ang mga ito. Nanggaling rin sila sa pamilya ng mayayaman kaya lang sila nagtratrabaho para may mapatunayan sa kanilang sarili gaya ng sabi nya. Para naman hindi sya umaasa sa pamilya nya.

Palagi ngang sinasabi ni Grandpa sa akin na dapat maging independent na ako at maging mutured para naman kung may problemang darating ay kaya ko na iyong solusyonan na hindi na umaasa sa kanilang tulong.

"Let's go, Anthony. Masyado nating binababa ang sarili natin para makikipag-usap sa mga hindi kabilang sa atin", Tumalikod na kami at naiwang halos mamatay sa inis si Ruby doon.

Well, totoo namang hindi sya nababagay sa lipunang aming kinatatayuan. Masyado syang feeling! Feeling mayaman wala namang nagagawa.

"Hayst! Na stress na tuloy ako sa sagutan natin kanina sa kanya", mahihimig sa boses ko ang pagkainis ko.

"Kahit gaano pa karami ang isusuot nyang mga mamahaling alahas hindi parin matatakpan ang masama nyang ugali. At sabi pa nya na kaya nya akung bilhin para iwasan ka, boss. Ano sa tingin nya ang ginagawa nya? Ha?!", maktol rin ni Anthony kaya napangisi ako.

"Ikaw nga pang Q and A ang sagot mo", sabay kiliti ko sa tagiliran nya.

"Nagsasabi lang ako ng totoo. Wala na ngang kwenta kung sino pa kung magsalita. Wala ngang ambag sa lipunan", maktol nito habang sinasalag ang mga daliri kung kinikiliti ang tagiliran nya.

"Oo na..Sumasang-ayon naman ako sa sinabi mo kaya wala na akung masabi pa kaya naman wag kanang magmaktol dyan. Nagmumukha kang immature e", saad ko na kinatigil nito at  napapaisip sa naging aksyon nya at ng napagtanto nya ay napabuga na lang sya ng hangin. Natawa nalang ako sa kanya.











The Angel is Down  The Devil will RiseWhere stories live. Discover now