Chapter 14

476 30 0
                                    

Lumabas naman kami ni Anthony mula sa hallway kung saan kami nagtago. Masama ko namang tinitigan ang daang dinaanan nila Ruby.

"Hey! You!", bigla naman akung lumingon sa likuran namin ng may magsalita doon. Binalik ko naman ulit sa harapan ang tingin ko at hindi pinansin ang taong iyon. Alam kung ako ang tinawag nya pero dahil hindi nya binanggit ang pangalan ko ay kailangan ko iyong balewalain at para lalo syang maasar ay mabilis akung naglakad palayo.

"Hey!! Stop! Are you deaf?!", sigaw nito at mabilis sumunod sa akin. "I said STOP!", sigaw nito muli at mabilis akung hinawakan paharap sa kanya.

"What?! And Who are you to touch me?!", inis kung turan at binawi ang kamay kung hinawakan nya.

"Shut up and listen to me! If you hurt my daughter again?! Hindi lang ito ang mararanasan mo! Understand!?", sigaw nya mukha ko. Walang gana ko naman syang tiningnan.

Ang kapal ng mukha ng ina natin, Emerald. Anak, huh?! Kailan nya pa naging anak ang babaeng iyon?! Pareho silang walang utak!

"Are you listening to me?!", naramdaman ko naman ang mahina nyang pagtulak sa akin. "Sa bagay hindi mo naman maintindihan dahil isa ka lang namang hampaslupa. Hindi kasi maintindihan ng tulad mo ang tulad naming mayayaman.", mayabang nitong sabi at binangga pa ang balikat ko bago umalis pero bago pa sya tuluyang makalayo ay mabilis kung kinuha ang atensyon nya. Huminto sya pero nanatili syang nakatalikod sa akin.

"Mas mabuting isa akung hampaslupa kaysa naman sa katulad nyong mayayaman na ang amoy ay mabaho pa sa isang hampaslupa. Mabaho pa isang pulubi.", nakangisi kung turan ng makita ang galit sa mukha nya ng lumingon sya sa akin.

Tinalikuran ko sya pero huminto kaagad ako at nilingon syang muli.

"Oh, before I forgot! Mag-iingat kayo dahil kahit ang patay ay pwedeng magbalik at maghiganti", ngisi kung saad ng makitang nanginig ang labi nya at para mas lalo syang manginig ay nakayuko kung tinanggal ang salamin kung suot at inangat ang pula kung mata sa kanya.

Nakita ko ang pamumutla nya kahit malayo ako sa kanya. Humalakhak ako dahil nalulugod ako sa nakita ko. Tanging ang ingay lamang ng halakhak ko ang maririnig sa buong hallway na kinalalagyan namin.

"Oh, Bakit ka namumutla? Wala naman akung ginawa. Gusto ko lang linisin ang SALAMIN KO!", isang ngisi muli ang binigay ko bago tuluyang umalis kasama si Anthony na tahimik lang sa gilid ko.

Hindi ko alam kung anong naiisip nya O naalala nya ba ang mga mata ko. Sanggol pa lang naman ako ng huli nyang makita ang mata ko. Gusto ko lang talaga syang takutin. Wala na akung pakialam kung anong sasabihin nya. Mas effective kasi ang pananakot ko sa tuwing pinapakita ko ang mata ko.

Nahaharangan kasi ng salamin kung suot ang kulay dugo kung mga mata. Kung baga ang makikita lang nila ay natural na kulay pula. Walang halong kasamaan at lalong walang halong pagnanasa ng dugo. Pero sa tuwing may makakita ng mata ko ng wala man anumang harang ay makaramdam ang taong iyon ng isang kaba at di magtatagal maramdaman nya ang pagnanasa ng dugo na naggaling sa akin.

Kaya naman sa tuwing lalabas ako palagi akung may suot na salamin O hindi kaya contact lens.

"Anong plano mo bukas?", tanong ni Anthony sa gilid ko.

"Wala", sagot ko habang patuloy ang paglalakad pabalik sa classroom namin.

"Makakaya mo ba ang gagawin nila sayo?"

"Nakapaghanda na ako sa anumang gagawin nila. Alam ko namang mangyayari ito. Hindi ko ito iiwasan", kalmadong sagot ko sa kanya.

Nang makarating kami sa classroom namin ay agad kung napansin ang gamit kung nagkalat sa sahig. Wala namang pakialam ang guro sa gamit kung nasa sahig. Patuloy lang ito sa pagtalakay ng leksyon.

Pagkarating ko sa upuan ko ay mabilis kung sinilid sa bag ko ang gamit kung nasa sahig. Tinulungan naman ako ni Anthony sa pagpulot nito. Mabuti nalang talaga naisip kung iwanan ang baril sa mansion dahil kapag nagkataong nakita nila ang baril na iyon dito sa loob ng bag ko ay talagang hindi na ako makakapasok muli dito at baka kung ano naman ang gusto nilang palabasin tungkol sa akin.

Wala naman akung problema sa paghahanap ng bagong school na papasukan at maging sa kasong iparatang nila kaya lang pagnangyari yun ay talagang mahihirapan akung mag-imbestiga tungkol sa nangyari kay Emerald.

Bukod sa nagkalat kung gamit kanina sa classroom ay wala ng nangyaring kakaiba hanggang sa mag lunch break ay tahimik kaming kumakain ni Anthony sa isang gilid.

Habang masaya kung nilalasap ang pagkain sa bibig ko ay biglang may nadapa na isang nerd sa may gilid ko kaya ang ending ang isang basong juice nyang nakalagay sa tray nya ay tumilapon papunta sa akin.

Mabilis namang kinuha ni Anthony ang nakapatong na mga plato sa tray nya at inirahang ang tray sa juice na dapat ay tatama sa damit ko. Tumalsik pabalik sa nerd ang juice at tumama ito sa buhok nya.

Nagtawanan ang lahat ng makita ang nangyari sa nerd habang ako ay walang pakialam sa nangyari. Patuloy lang ako sa pagkain habang papatagong tinitigan ang pwesto kung nasaan sila Ruby.

Alam ko namang sinadya nilang patidin ang nerd na ito ng dumaan sa kanila. Malas lang nila dahil kahit tumilapon pa sa damit ko O mukha ko ang juice O pagkaing dala ng nerd ay hindi ako magpapatinag.

Tingnan lang natin kung sino ang mamatay sa inis. Tumayo na ako mula sa kinaupuan ko matapos kung punasan ang bibig ko ng table napkin. Tinitigan ko naman ang nerd na hanggang ngayon ay nakaupo parin sa sahig at inaayos ang pagkain nyang hindi tumilapon.

Kahit anong ayos nya sa pagkain ay talagang naghalo na ito sa tray nya. Wala na ito sa mga platong pinaglayan nito. Nabaling ang tingin ko sa mukha nyang natatabunan ng buhok at nakita kung umiiyak ito ng tahimik.

Matapos maiayos ang mga pagkain nya ay tumayo ito at mabilis ang hakbang papunta sa isang mahabang mesa sa likuran kung saan ang mga katulad nilang mahihirap ay doon kumakain.

Sa ilang araw ko dito ay napag-alaman kung nag-offer ng scholarships ang school na ito kaya nga kami ay nakapasok dito dahil sa kanilang mga scholar. Kahit nag-offer ng scholarships ang school na ito ay nandoon parin ang  salitang 'DISCRIMINATION'.

Maraming pinagbabawal sa kanila tulad ng bawal ang pagganti sa mga taong nakakataas sa kanila. Kaya pala lumaking mayayabang at walang modo ang mga tao dito sa paaralang ito dahil akala nila ang lahat ng tao ay kaya nilang pabagsakin at tapak-tapakan kaya nga lang mag depende parin iyon kung sino ang makakaharap mo dahil kung ang makakaharap mo ay nakakalamang sayo lalong lalo na sa kayamanan at koneksyon. At kapag nasa ganoon kang sitwasyon ang pinakahuli mong gawin ay kalimutan ang binabalak mo O ang iyong paghihiganti.

Pero ang hindi ko maintindihan ay kung may ganoong pagtingin ang mga estudyante rito na mas mahalaga ang kayamanan ay Bakit walang pag-alinlangan nilang inapi si Emerald? Dahil kung tutuusin ay nasa pangalawang pwesto naman ang mga Greyson sa pinakamayaman sa bansa. Kaya, Bakit? Anong ibig sabihin nito?







The Angel is Down  The Devil will RiseWhere stories live. Discover now