Chapter 19

462 29 2
                                    

Napakasaya ng pakiramdam ko ngayon dahil unang-una ay nakuha ko ang deal sa business at pangalawa ay nakita ko ang sakit sa mukha ng kapatid namin.

"Karapat-dapat nga talaga kayong pabagsakin. Nagsisimula pa naman ako.", I couldn’t help but grin as my eyes focused on the road as my mind flowed through what I was going to do next.

Nabalik ako mula sa malalim na pag-iisip ng makita sa salamin ng sasakyan ko ang mabilis na kotseng tumatakbo papunta sa akin.

Shit!

Mabilis kung binilisan ang pagpapatakbo ko ng aking kotse at nakumpirma kung ako nga ang target ng kotseng ngayon ay nakasunod na sa akin. I also confirmed that the car that following me was none other than Mond’s car.

"Paanong nakahabol ang gagong to?! Hindi nya pwedeng malaman kung saan ako nakatira", mabilis kung niliko ang kotse ko at inihinto sa parking lot ng Mall. Pagdating ko doon ay naghanap ako ng puwesto kung saan sakop ng CCTV.

Bumaba agad ako sa kotse ko at nakita ko namang huminto ang kotse ni Mond sa isang space malapit sa tabi kung kotse.

Bumaba rin sya at galit nya akung tinitigan pero bago pa sya makalapit sa akin ay mabilis akung tumakbo papasok ng Mall.

Lumingon ako sa likuran habang tinitingnan ng Guard ang dala kung bag at nakita ko syang nakasunod sa akin. Bago pa sya tuluyang makalapit sa akin ay nakapasok na ako. Hinarang naman sya ng guard para e check sya.

Mabilis akung naglakad sa pagitan ng maraming taong naglalakad rin. Nakita ko si Mond na pilit nakisiksik sa maraming tao para lang makahabol sa akin.

Nahihirapan akung makalabas sa maraming tao at ganun rin sya. Bumibilis ang tibok ng puso ko ng makitang nakasunod parin sya sa akin. Hindi ko alam kung anong gagawin nya kung mahuli nya ako pero isa lang ang sigurado ako na hindi sya titigil hanggang hindi mapawi ang galit nya sa akin.

"Problema to! Tsk!", Kinakabahan kung sabi at ang kaninang lakad ko ay nagsimula ng bumilis. Nagkasalubong ang aming tingin ng nilingon ko sya.

Bumilis rin ang lakad nya kaya dali-dali akung pumasok sa lady's wear area. Nakasunod parin sya pero nakisiksik agad ako sa mga taong namimili. Pasimple kung kinuha ang itim na Denims skirt kumuha narin ako ng naka- hanger na denim jacket  at tube na kulay brown pagkatapos ay inabot ko ang isang boots na itim sa nakahelerang mga sapatos. Mabilis ko ring kinuha ang kulay red na wig  sa laglagyan at siningitan ang isang babaeng papasok sana sa dress room.

Pagpasok ko agad akung nagbihis at tinanggal ang mga price tag. Hinubad ko rin ang suot kung wig at pinalitan ko ng kulay pulang wig na boycut ang pagkakagupit O pagkakagawa pagkatapos ay agad kung binura ang makeup ko at nilabas sa bag ko ang makeup ko at sinimulang baguhin ang itsura ko gamit ang makeup. Mabuti nalang talaga nag-aral ako sa paglalagay ng kolorete sa mukha.

Pagkatapos kung makita ang sarili ko sa salaming hawak ay napangiti ako. Hindi nya na ako makilala nito.Maingat naman akung lumabas sa dress room at tinapon ang damit kung suot kanina sa malaking basurahan sa gilid. Napatingin ako sa gilid ko ng makitang may batang babaeng nakatingin sa akin.

Kumindat naman ako sa kanya at binigyan sya ng isang libo bago pumunta sa cashier at binayaran ang kinuha ko na ngayo'y suot ko na.

Matapos kung magbayad ay nakangiti akung naglakad palabas pero bago pa ako tuluyang nakalabas sa  entrance ay may mga kamay na pumigil sa aking braso.

Dahan-dahan akung lumingon at nakita ko ang mukha ni Mond. 'Shit! Nalaman nya bang naka disguise lang ako. Wag naman sana!' kinakabahan kung sabi at nagsimula nang mataranta ang katawan ko ng makitang seryosong nakatingin sa akin si Mond.

"Can I ask if you have seen a woman in a white wig and wearing white business attire?", tanong nito kaya naman nakahinga ako ng maluwag at ngumiti sa kanya sabay iling. Tumango ito at nagpasalamat bago ako binitiwan at inikot ang paningin sa buong lugar.

I turned my back on him and couldn't help but let a smirk leave my lips. Kanina lang ay para akung maiihi sa kaba pero ngayon ay gusto ko nang tumalon sa tuwa.

It's really different when you've been doing this kind of hiding for a long time. You get used to it and become an expert. Pagkalabas ko sa Mall ay dumeretso na ako sa kotse ko sa parking lot.

Nakahinga ako ng maluwag ng makaupo na ako sa driver seat. Hindi na ako nag-aksaya ng oras pa doon muli kung pinaandar ang kotse at tuluyang nakaalis doon ng walang problemang nakasunod.

Masaya akung nakabalik sa mansion pero bago ko pa pinasok ang kotse sa garahe ay lumingon muna ako sa likuran para masiguradong walang nakasunod sa akin at nang makitang wala ngang nakasunod ay bumusina na ako sa kay manong guard sa may gate.

Binuksan naman ako nito ng gate kaya agad akung pumasok. Pinarada ko ang kotse ko ng mabuti bago bumaba. Nakita kung nagulat pa ang mga kasambahay pati ang mga bagong guard ng makita ang suot ko at itsura.

Hindi ko sila pinansin at pumasok na lamang. Bagong hire lang ang limang kasambahay na tutulong kay Manang Delia maliban sa ibang nandito noong una palang na kasama ni Manang Delia. May bagong hire rin kaming sampong guard kasama si Manong guard na nagbukas sa akin ng gate.

Umakyat agad ako sa kwarto ko sa pangalawang palapag pagkatapos ay patakbo akung lumundag sa kama ko. Dumapa ako at hinayaang matapos ang pagtalbog ng aking kama.

I admit I'm tired of changing my disguise like I did but even if I'm tired it's worth it because I escaped from my stupid brother

Napabuntong hininga ako ng maalala muli si Emerald. Iba siguro ang resulta ngayon kung naabutan ko si Emerald kung hindi natuloy ang pagkamatay nya.

"Don't worry, Emerald. I will take revenge on the person who hurt you. I will not forgive them until I am alive. I no longer care if they are my family because I will make sure they crawl on the ground. They will suffer for the rest of their lives", pangako kung saad sa aking sarili bago ako dalawin ng antok kaya napagpasyahan kung matulog.

The Angel is Down  The Devil will RiseWhere stories live. Discover now