Chapter 7

542 28 0
                                    

Hinatid naman ni Anthony ang babae sa clinic. Hinintay ko na lamang si Anthony sa labas ng Clinic. Pagkalabas nya ay tiningnan ko sya ng masama.

"Boss?", kinakabahan nyang tawag sa akin. Walang pagdadalawang isip ko syang kinuwelyuhan.

"Anthony! Alam mo na siguro ang kinagagalit ko, hindi ba?. We already talk about it! Yet you show your weaknesses in front of everyone.", napayuko naman sya ng sabihin ko iyon sa kanya. "Paano kung mabulyaso tayo? Malaman nila ang identity natin. What if they use your weaknesses? Anong gagawin mo?", mahina kung sigaw sa kanya. Si Anthony kasi yung tipong tao na madaling maaawa lalong-lalo na kung babae na ang nasangkot at nasasaktan. Kaya ito nagkaroon ng girlfriend dahil sa pagligtas nya dito ng nasa kapahamakan ito.

"Naiintindihan ko ang ibig mong sabihin sa akin kaya pagpasensyahan nyo ako, Boss", hingi nito ng tawad sa akin. Ayaw ko na nga sanang madamay sila sa gagawin kung paghihiganti pero nagpumilit ang mga ito na sumama sa gagawin ko kaya wala akung nagawa kundi isama sila. Kaya naman kahit sa simpleng advice man lang ay makakatulong ako para hindi sila mapahamak.

"Fine. Kaya sa susunod stop yourself", tumango ito kaya naman umalis na kami sa clinic.

Agad kaming dumeretso sa Dean office para hingiin ang I.D namin. Naabutan naming nandoon nasa loob sila Art,Cedric at Yuan. Palihim silang tumango sa akin kaya tumango rin ako.

"Sa wakas nandito na kayo. Kanina ko pa kayo hinihintay. Kayong lima ang mga exchange students galing sa italy, Right?", tumango naman kami."Basi dito sa files. Mag-aaral kayo dito hanggang graduation. So, mahaba haba pala ang pananatili nyo dito. Six months and half", napatango tango ito habang tinitingnan ang information namin.

"Ito naman ang I.D nyo. Nandyan yung personal information nyo", nilagay nya sa harapan namin ang I.D namin. Kinuha ko ito at tinitigan. Nandito nga ang personal information namin at sa sling naman nito ay may nakasulat na Exchange students. Sa mga tagarito nag-aaral ay Regular Students naman ang nakalagay sa sling nila.

Pagkalabas namin sa Deans office ay agad naman kaming pumunta sa bawat classroom namin. Si Anthony ang kumatok sa pinto ng classroom na hindi nagtagal ay binuksan ng guro.

"Class, Go back to your seat", sinenyasan nya naman kaming pumasok. Unang pumasok si Anthony na agad tinilian ng mga babae .Pagpasok ko naman ay rinig ko agad ang pagsipol ng mga kalakihan.

"Ang gwapo nya",

Look here, Handsome",

"Yayain ko yan ng date",

"Your Hot, baby",

"Be mine",

Isa lang yan sa narinig naming sigawan ng mga malalandi, malalaki man O mababae. Napairap naman ako sa hangin dahil sa mga sigawan nila.

"Please introduce yourself", napairap ako sa guro ng makita kung gaano nya titigan si Anthony.

"Anthony Nieves. 18. One of Exchange students from italy", pagpakilala nito. Nagtilian naman ang mga babae.

"I'm also a exchange students from italy. Amethyst Chavez", ' and I'm here to get a Revenge for the person named Emerald! And I hope you all to die'. Gustong-gusto ko iyong dagdag pero pinigilan ko lang sarili ko.

May nagtaas naman ng kamay kaya tumango ako sa kanya. Tumayo sya mula sa kinauupuan nya.

"Magkakilala ba kayo ni Emerald Greyson?", tanong nito pero isang kalmadong ngiti ang pinakita ko sa kanya. Nag-ingay naman ang buong klase but when the girl who asking me looked them they stop.

"I don't know her. Why?", kalmado kung sagot pero sa kaloob looban ko ay gusto ko na syang pagsampal sampalin hanggang sa mamaga ang mukha nya.

"You looks like her. Kung nagkataon na straight yang buhok mo at kulay itim. Pag wala rin yang salamin mo pati yang nunal mo. Saka yang kulay ng mga mata mo pag yan kulay Green. Masasabi kung ikaw si Emerald.", paliwanag nito sa akin. Excellent!

"Really? Wow. Hindi ko alam na may kamukha pala ako dito.", nagulat sila na marunong akung magtagalog. "I would like to meet her", nakangiti kung pahayag sa kanya.

"Okay, class. Mamaya nalang kayo magtanong sa kanila. Nasa likod yung upuan nyo",

Naglakad kami papunta doon habang pinakikiramdaman ko ang paligid. Halos lahat ng mga tao sa loob ay nakasunod ang tingin sa amin. Naramdaman ko rin ang masama at nakakapangilabot na titig mula sa dalawang tao.

Bigla akung bumaling sa taong may masamang pagkatitig sa akin at nagkasalubong ang aming tingin. Nagulat pa sya sa ginawa ko pero nginitian ko sya ng matamis. Ngumiti rin sya pabalik sa akin pero halatang peke. Hinanap ko rin ang isa pang matang may nakakapangilabot na titig pero hindi ko na iyon nararamdaman. Binalik ko nalang ang atensyon ko papunta sa upuan namin pero ang mukha ko ay sumeryoso.

Nakarating na kami sa upuan namin ng magsimulang magturo ang guro.

Recess time....

Inayos ko na ang libro sa ilalim ng lamesa, may kahon kasing nakalagay sa bawat lamesa namin. Pagkatapos ay lumabas na kami ng classroom at gaya kanina ay nandoon parin ang mga titig ng mga estudyante sa amin.

"Ako na maghanap ng upuan. Ikaw na bumili ng snacks natin", saad ko kay Anthony pagkatapos ay naghiwalay na kami ni Anthony ng pupuntahan. Sya pumunta sa counter at ako naman naghanap ng mauupuan.

Nakakita naman agad ako ng mahabang lamesa sa pinaka gilid kaya naman agad akung umupo doon. Maya-maya pa ay dumating na si Anthony dala-dala ang burger, coke at chocolate cake na snack namin.

Nilantakan ko agad ang pagkain. Kumain narin si Anthony ng may lumapit sa table namin.

"Excuse me pwedeng maki-share", napatingala ako sa kanila at tumango. Umupo sila sa upuang kaharap namin. Magkatabi kasi kami ni Anthony. "Kuya Mond, Ate Dia. Nandito ako.", tawag nya sa likuran namin. Napatigil naman ako sa pagkain at napapikit ng marinig ang mga pangalan nila pero sa pagmulat ko ng mga mata ay naging kalmado muli ako.

"Makikiupo kami", mahinhing sabi ni Dia. Hindi nila deserve tawaging mga Kuya at Ate dahil talagang wala silang pakialam sa kay Emerald. Simula noong araw na pumunta ako sa hospital kung nasaan ang kakambal ko ay hindi ko kailan man nabalitaang may nagpunta sa kanila kahit isa para hanapin ang bangkay nito. Kaya naman lalo akung nagalit sa kanila. Tuluyan na nga nilang kinalimutan si Emerald at hindi ko alam kung bakit at kung ano ang rason nila pero kahit ano pa iyon ay hindi na magbabago ang isip ko na pahirapan sila.

"We came from italy", rinig kung sabi ni Anthony. Hindi ko man lang napansin na nakaupo nasi Dia sa tabi ko habang si Mond naman ay kaharap nito.

"Yes, Ate Dia. Mga exchange students sila galing italy", sabat rin ng babaeng hindi ko alam ang pangalan. Kanina ko pa napapansin na tinatawag nya sina Dia at Mond nang "ATE at KUYA".

"I smell fishy", naibulalas ko. Napatingin sila sa akin at inaamoy ang mga sarili maliban sa amin ni Anthony.

"Wala naman akung naamoy na malansa, right darling?", Ngayon ko lang napansin na may kasama pala ang babaeng ito na lalaki. At kanina pa pala ito nakatitig sa akin.

"Yes", simpleng sagot nito at iniwas sa akin ng tingin. Tsk!

"Ay! Hindi nyo naamoy? Dapat talaga maamoy nyo para naman malaman nyong umaalingasaw na pala ang sarili nyong baho", mahina kung saad.

"May sinasabi ka, Miss?", napatingin ako kay Dia sa gilid ko.

"Nothing.By the way hindi pa tayo nagpapakilala. I'm Amethyst Chavez", sabay taas ko ng kamay.

"Anthony Nieves", maikling saad ni Anthony.

"I'm Dia Greyson. First year college in KenHex University.",

"Mond Greyson. Second year college. Same school with Dia.",

"I'm Ruby Greyson. Mga kapatid ko sila Ate Dia at Kuya Mond. And this is my Boyfriend Enzo Lucero. Magkaklase tayo.", pagpapakilala nila.

The Angel is Down  The Devil will RiseWhere stories live. Discover now