Chapter 10

545 33 2
                                    

Nasa ganoong posisyon kami ng may lumapit sa aming babae. Umayos naman ako at tinitigan ang mukha ng babae.

"Sa-lamat pala sa pagligtas mo sa akin noong nakaraang araw", nahihiya nitong sabi sabay hawak nito sa kamay ni Anthony. Napataas naman ang kilay ko ng tinulak nya ako buti nalang may pader sa likod kaya hindi ako natumba.

"Ah...Wala yon", sagot ni Anthony at inalis ang kamay ng babaeng nakahawak sa kamay nya at lumapit sa akin.

"Alis na tayo, boss. Nakakaboyshit  ang mukha e", bulong sa akin ni Anthony kaya napatawa ako ng mahina.

"Sige alis na kami", sabi ko sa babae at humawak sa braso ni Anthony pero muling napataas ang kilay ko ng sumiksik ang babae sa pagitan namin at sya yung nagpalit sa aking humawak kay Anthony.

"Gusto mo? Libre kita?", inosente nitong sabi pero mahahalata mong nang-aakit ito kay Anthony. Kinakagat kagat pa nito ang labi habang nakatingin kay Anthony.

Nakita ko namang nairita si Anthony at mahinang tinulak ang babae papalayo sa kanya. Halos yakapin na kasi sya nito dahil sa sobrang dikit nya kay Anthony.

Lumingon sa akin si Anthony. Kaya napalingon rin sa akin ang babae at inirapan ako. Ahh! Ganon!

Mabilis akung lumapit sa babae at hinila ang buhok nya sabay tulak sa kanya sa sahig.

"Wag mo akung hahamunin!", maldita kung saad.

"Ano bang problema mo?! Nagpapasalamat lang naman ako sa kanya?!", sigaw nito kaya nakahakot ito ng atensyon sa paligid.

"Tama na ang isang pasalamat hindi yung kung makadikit ka para kang isang linta! Tinulak mo pa ako ng pangalawang beses! Baka naman gusto mong madagdagan yang pasa mo sa labi mo?!", sabay turo ko sa kanya. Sya lang naman yung babaeng dinala namin sa clinic ng mawalan sya ng malay sa bisig ni Anthony.

"Ang sabihin mo epal ka!", sigaw nya sa akin .

"Epal pala ha?!", mabilis kung hinila ang buhok nya kaya napasigaw sya. Hindi ko naman sya hinayaang makaganti sa akin. Pinagsampal ko siya sa magkabilaan nyang pisngi pagkatapos ay tinulak muli sa sahig.

"Kapag yang mukha mong yan dumidikit pa sa amin! Pinapangako kung babasagin yan",  banta ko.

"Amy!", mabilis kung binalingan ang sigaw na iyon. Nakita ko si Ruby na mabilis naglakad palapit sa babae at tinulungan itong tumayo. "Anong nangyari sayo? Sinong may gawa nito sayo?", tanong nito.

"Ang boyshit na babaeng yan!", turo sa akin ng babaeng tinawag ni Ruby sa pangalang  Amy.

Tumingin naman sa akin si Ruby kaya tinaasan ko sya ng kilay. Mabilis syang nakahakbang sa akin at binigyan ako ng mag-asawang sampal.

Napahawak ako sa pisngi kung sinampal ni Ruby. Nakita ko sa gilid ng mata ko na susugod na sana si Anthony ng sinenyasan ko syang hindi makialam.

"Ang Sampal na iyan ay para sa pagsampal mo sa akin kanina at sa ginawa mo kay Amy!", saad nito.

Hinarap ko si Ruby na ngayo'y nakangisi sa akin. Hindi pa sya nakuntento sa dalawang  sampal na iyon. Sinampal nya akung muli na mas malakas pa sa kanina. Alam kung bumakat na ang kamay nya sa mukha ko.

"Yan ay para sa boyfriend ko!",

Napatango-tango ako at napangisi.

"Tapos kana?!", at sabay sampal sa kanya.

Third Person POV

"Yan ay para sa pagsampal mo sa akin ng pangalawang beses.", sinampal ni Amethyst si Ruby sa magkabilaang pisngi.

"Ito naman sa pangatlo mong pagsampal!", sinampal syang muli ni Amethyst na mas malakas at mabigat pa sa una at dalawang sampal. Napabaling muli sa ibang direksyon ang mukha nya.

"Ito ay para sa kanya!", sinuntok ni Amethyst ang mukha ni Ruby dahilan para dumugo ang ilong nito at mapahiga sa sahig. Mabilis syang pinatungan ni Amethyst at sinampal ng paulit-ulit.

Imbes na patigilin sila ay nagsigawan pa ang mga nonood dahil sa tuwa. Umiiyak si Amethyst habang pinagsasampal nya si Ruby. Hindi na makabawi si Ruby dahil sa naramdamang pagkahilo.

Nagwala na si Amethyst lalo ng maalala ang sex video ng kapatid nyang si Emerald. Hinatak agad sya ni Anthony palayo kay Ruby. Napayakap naman si Amethyst kay Anthony habang umiiyak ito sa kanyang dibdib.

Si Ruby naman ay dinaluhan ng mga kasamahan nya at binuhat papunta sa clinic. Wala na itong malay. Namamaga ang mukha at dumudugo ang ilong nito.

Si Amethyst naman ay patuloy lang sa pag hagolhol kaya mabilis kinuha ni Anthony ang syringed  na may lamang pampatulog. Tinurok nya ito sa braso ni Amethyst para maiwasan ang pag breakdown nito.

Agad lumapaypay ang katawan ni Amethyst  sa bisig ni Anthony. Mabilis kinarga ni Anthony si Amethyst pagkatapos ay mabilis silang umalis sa lugar na iyon na wala man lang nakapansin.

Amethyst POV

Dahan-dahan kung minulat ang mga mata ko. Agad ko namang tinulak ang mukha ni Art ng mabungaran sya. Masyadong malapit ang mukha nya sa akin.

"Gising na si Boss", tawag pansin ni Art sa mga ito.

"Anong nangyari?", tanong ko kaya nagkatinginan sila. Nilibot ko naman ang tingin ko at nalamang nasa kwarto ako ng mansion.

"Hindi mo naalala boss na nagwala ka", pahayag ni Anthony.

Napatigil naman ako ng maalala ang nangyari. Napasapo ako sa noo ko. Malaking problema ang ginawa ko. Nakalimutan ko sandali ang sarili ko. Nagwala ako at hindi na pumasok isip ko ang plano.

"Iwan nyo muna ako", Agad naman silang lumabas. Umupo naman ako sa kama at naglakad lakad sa buong silid.

Anong gagawin ko? Paano ko solusyonan ang ginawa ko? Hindi maaring mabulyaso agad ang pagkatao ko dahil pag nangyari to ay alam kung manganganib kami.

Imposible namang hindi ako ipapatawag sa Dean's office bukas. Hayst!

Napakamot ako sa ulo ko at pumunta sa veranda pero kahit anong gawing pag-iisip ko ay hindi ko mahanap ang dapat kung gawin.

Umupo ako muli sa kama. Napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin. Tinanggal ko ang salamin ko pati ang pekeng nunal ko.

Matagal kung tinitigan ang sarili ko. Muli kung naalala si Emerald. Hinawakan ko ang mukha ko bago tumayo at nagbihis.

Inayos ko ang sarili ko bago kinuha ang shoulder bag ko. Kailangan ko munang ipagpahinga ang sarili ko at isipan para makapag-isip ako ng tama.

Bamaba ako ng hagdan. Napansin naman ako ng mga bodyguard ko.

"Wag nyo nalang akung samahan. Wag nyo rin akung sundan", Napatango naman sila ng iutos ko iyon.

"Tawagan mo kami, Boss  kapag may problema", napatango ako sa kanila.

Lumabas ako ng mansion at dumiretso sa bakanteng loteng nasa likuran.

The Angel is Down  The Devil will RiseWhere stories live. Discover now