Chapter 24

195 9 0
                                    


Gulat ang makikita sa mga mata ng lahat sa nakakilala kay Emerald. Mga taong may kinalamaan at nanakit sa aking kapatid ng makita ang bago kung anyo.

Ang anyong walang ibang pinagkaiba kay emerald. Kung nabubuhay pa si Emerald at nagkita kaming dalawa ay siguro ganito ang get up nya.

Namutla naman ang mga taong may kinalamaan  sa pagkamatay kay Emerald ng makita ang pagmumukhang kinalimutan nila. Ngumiti ako ng matamis sa harapan ng lahat ng mga taong may kasalanan sa kapatid ko.

"Amethyst?! Is that you?", Hindi mapigilang tanong ni Ruby sa akin.

"Of Course! I'm Amethyst..Sino ba ako sa tingin mo? Si Emerald? Balita ko kamukhang-kamukha ko sya at patay na sya dahil nagpakamatay sya sa mismong paaralan na to. And I can't believe na walang aksyong ginawa ang paaralan..Bakit kaya?", Maldita kung saad at inisang tinitigan ang buong barkada nila Ruby.

"Hindi naman sa ganun..Suicide Case kasi yun at hindi Crime scene kaya walang imbestigasyong naganap at saka hindi kami pulis para trabahuin ang ganyang case.", paliwanag ni Ruby na sinang-ayonan ng lahat.

What a bitch! How dare she mention about suicide Case na para bang ang taong involved ay hindi importante!

"Kung sabagay hindi naman kayo close ng involve at wala na syang halaga sayo diba? Kaya ganyan ugali mo kahit naman you're the one of those people who forced her to Jump! What a Freak!", Galit kung sabi sa kanya.

Namutla sya ngunit agad ring kinalma ang sarili nya at nakipagtitigan sa akin.

"Maghinay-hinay ka sa sinabi mo Amethyst! Walang kasalanan si Ruby at kahit kailan nanatili syang mabait kahit sa likod ay paulit-ulit syang sinasaksak ni Emerald patalikod", Galit na sigaw ni Enzo.

"Ang kapal talaga ng pagmumukha mo. Wala talaga kayong kunsenya!",

"Hoy! Amethyst! Sino ka ba? Ka ano-ano mo ba si Emerald para makisali ka sa pamilya at personal nyang buhay.",

"Yeah! Right.. Wala ka namang koneksyon sa kanya.",

"Magkamukha nga kayo pero hindi naman ikaw ang kapatid ni Emerald. Si Ruby ang kapatid nya at makabintang ka naman sa kapatid nya akala mo naman ikaw ang kambal nya!",.

Sunod-sunod na sigaw ng mga barkada nila. Maririnig rin sa paligid ang bulungan. Makikita sa reaksyon nilang sa side sila ni Ruby kumampi.

"Right! Sino naman ba ako para ipagtanggol ko si Emerald pero talaga bang wala kayong kasalanan?", pag-usig ko sa kanilang lahat.

"Bakit? May ebidensya kabang kami ang dahilan? Hindi ba't tinawag iyong suicide kasi sarili nyang kagustuhan yun!", sagot naman pabalik ni Jacob. Isa sa mga barkada nila Enzo at Ruby.

"Kung walang dahilan bakit magpakamatay ang isang tao?Because all of you forced her", Nakisali narin si Cedric ng sumali rin sa alitan ang barkada ng dalawa.

"Aba malay namin? May ebidensya kabang pinilit namin syang mag-suicide? Saan ang proof nyo?", Sabat rin ni Selene.

"Saan rin ang proof nyong wala kayong kinalaman, Diba wala? At kayo kahit anong takip nyo sa butas mananatiling may butas ito at darating ang tamang oras mabuksan iyon. Kaya humanda kayo dahil ang pilit nyong tinatago ay lilitaw. Tingnan nalang natin kung makapagsalita pa kayo!", ngisi ko kay Ruby. Gusto ko nang sampalin ang pagmumukha nya at gusto ko ng malaman kung sino ba talaga ang babaeng ito? Ang babaeng pumilit sa pwesto ko?

"Excuse me! Dadaan ang Reyna!", Mabilis namang hinawi ng apat sila Ruby upang makadaan ako sa mismong gitna nila. "By the way, Wag kayong mag-alala dahil wala pa tayo sa exciting part.", Ngumisi ako sa kanila ng makahulugan at naglakad palayo.

Nang makalayo na kami sa grupo nila ay mabilis kaming nag-iba ng daan. Pumunta kami sa science laboratory ng school kung saan walang taong makakarinig sa amin.

"Ano? Nagsalita na ba ang bilanggo natin?", tanong ko sa kanilang apat habang nakasandal sa lamesa.

"Yes", mabilis na sagot ni Yuan.

"Talaga!? Anong sabi nya?", Gustong-gusto ko ng malaman kung ano ang sinabi ng taong kinulong namin. Halata naman e noong una kaming nag kita, may kasalanan sya kay Emerald.

"Boss, Magugulat ka sa sinabi nya. Ang sabi ay may taong nag post sa Dark web ng video ng kapatid mo pero biglang nawala ang account ng taong nag post ng video. Binura ang lahat at hindi na namin ma trace ni Anthony", Dagdag pa ni Yuan.

Muling umusbong ang galit sa dibdib ko ng marinig ang sinabi ni Yuan. Gusto kung magwala ng malamang may video ang kapatid ko dahil alam kung ang video sa nasabing Dark Web ay naglalaman ng hindi maganda at ito ay maging clue namin.

"That Bastard! Humanda sya pagka-uwi ko mamaya and I will beat him to death!", ngitngit ko ng sarili kung ngipin.

Hindi ako papayag na hindi ko malaman ang taong nasa likod ng post video pati narin ang taong nag post ng blog sa black Market.

"I think iisa lang ang nagpost ng video at blog", Deduksyon ni Art. Sumang-ayon naman ang tatlo.

"Naturally!",

****

Wala sa sarili akung mabagal naglakad pagkalabas namin ng science laboratory. Tahimik nakasunod ang apat sa akin. Nakiramdam sa kondisyon ko.

"You can go first..Gusto ko munang mapag-isa", Tumango sila at iniwan ako sa hallway.

Nagpatuloy ako sa paglalakad habang malungkot ang mukha ko. Hindi ko namalayang nakarating ako sa garden.

Umupo ako sa bench sa ilalim ng malaking puno. Tumingala ako sa kalangitan at ninamnam ang mapayapang paligid.

Pero ang mapayapang paligid ay naudlot dahil sa mahinang ingay. Ang ingay na aking narinig ay mula sa palumpong na mga halaman.

Hindi kalayuan kung nasaan ako ang halaman at kasing taas lamang ito ng aking baywang.

Mula sa palumpong na iyon makikita ang ulo ng isang tao ngunit kung hindi mo ito titigan ay hindi mo masasabing ulo ito ng tao.

Curious akung naglakad patungo sa kinaroroonan ng taong nasa likod ng halaman. Tatlong metro mula sa akin at sa kanya, katamtaman lamang upang marinig ko at makita syang may kausap sa kanyang cellphone.

Babae sya at nakaharap ang likuran sa akin at halatang hindi nya ako napansin.

"Ma! Wala akung pera ngayon. Simula ng mawala yun hindi na ako nagkaroon ng pagkakitaan.. Kaya lang please Ma, tigilan nyo ang pag-susugal. Kahit nakapag-aral ako sa sikat na school ay sarili kung sikap ito para makapasok sa scholarship.", Rinig kung sabi nito habang binubunton ang galit sa halaman.

"Wala akung mabibigay ngayon dahil marami pa akung project. Hindi biro ang mag-aral dito", dagdag pa nito.

"Wala akung pera ngayon! Kasasabi ko lang! Wag kayung pupunta rito kung manghihingi lang kayo ng pera! Bye!", inis nitong sabi muli at mabilis na pinatay ang tawag sa kabilang linya.

Nanatili akung nakatayo habang bored nakatingin sa kanyang likuran at ng maramdaman nyang may nakatingin sa kanya lumingon ito at nagkasalubong ang aming mata. Then, I remember who she is..

Ang babaeng nerd sa canteen kung saan nadapa sa mismong harapan ko...


Note: Back in Chapter 14 (Kung saan nadapa ang nerd)

The Angel is Down  The Devil will RiseWhere stories live. Discover now