Chapter 1

722 38 5
                                    

"Tumabi kayo! Nandyan na ang malandi!",

"Oh My! Nagdala kaba ng sanitizer? Baka mahawaan tayo ng germs na dala nya!",

"Meron akung Isopropyl alcohol dito!",

"Meron akung perfume dito. Pwede na siguro to!",

Malinaw na malinaw sa pandinig ko ang mga bagay na iyon. Mga masasakit na salita. Iniiwasan nila ako na para bang isang akung mikrobyo na nakakahawa. Palagi namang ganito simula noong pumasok rin dito si Ate Ruby. Ang dali-dali nilang maniwala sa mga kasinungalingan tungkol sa akin na kinakalat ni Ate Ruby.

Nakayuko lang ako habang hinahayaan ang pinagsasabi nila at pag spray sa hangin ng sanitizer. Dahil nakayuko ako ay hindi sinasadyang mabunggo ko si Enzo at Ate Ruby. Nakapulopot ang mga braso ni Ate kay Enzo.

"Oh My Gosh! Eww!", tili ni Ate Ruby ng makita ako. "Girls! Ang sanitizer!", mabilis namang inabot ng kasama nya ang sanitizer at walang pagdadalawang isip na inispray ito sa mukha ko. Tanging pag-iwas lang ang nagawa ko.

"Get lost trash!", rinig ko ang seryosong boses na iyon mula kay Enzo. Tumakbo ako paalis at iniwan sila doon na patuloy akung pinagtatawanan. I'm very pathetic. Hindi ko kayang lumaban sa kanila o manakit manlang. Lalaban pa ba ako kung sa huli ako parin yung talo? Gusto kung magwala pero hindi ko kaya. Gusto kung manumbat pero hindi ko ginawa. Ewan ko ba kung bakit? Hindi ko lang siguro maatim na makikita silang masasaktan dahil sa sinabi ko.

Nandito ako sa loob ng cubicle ng restroom. Umiiyak parin ako ng biglang may bumuhos sa akin na malamig na tubig. Narinig ko rin ang sunod-sunod na hagikhikan mula sa labas ng kinaroroonan ko.

"You deserve that bitch!", rinig kung sabi ni Ate Ruby na alam kung sya mismo ang may gawa nito sa akin.

"Bakit mo ba ito ginagawa sa akin, Ate Ruby?", pinunasan ko ang mga luha ko at binuksan ang pinto.

"Bitch! Wag mo akung sisihin. Sisihin mo ang sarili mo kung bakit nabuhay ka dito. Kinuha mo ang lahat sa akin. Nagsasaya ka habang ako nasa daan palaboy laboy. Napunta sa mga mararahas na mga kamay. Kaya lahat ng sayo na dapat para sa akin ay babawiin ko!", sabay tulak nito sa akin at sinabunutan ako.

Wala akung nagawa kundi umiyak ng umiyak. Wala akung laban at wala akung matatakbuhan. Walang maniniwala sa akin.

"Let's go girls!", pagkatapos akung pagsawaang saktan ni Ruby ay umalis na sya kasama ang tatlo nyang kaibigan.

Kinuha ko nalang ang extra uniform ko locker ko. Pinagtatawanan pa nga ako ng mga nakakita sa akin dahil sa bukod na para akung basang sisiw ay gusot rin ang buhok ko.

"Wetwew!", narinig kung sipol ng mga kalakihan ng dumaan ako sa kanila papunta sa restroom. Nilapitan nila ako at hinawakan ang pang-upo ko kaya naman mabilis kung sinampal ang lalaking humawak sa akin. Napamura ito.

"Bastos!", sigaw ko.

"Wag kanang pumalag alam ko gustong-gusto mo rin ito! Total malandi ka naman at whore.",

"Wag kang umakto na parang Virgin!"

"Sarap na sarap ka nga sa video e!",

"Nakita nga namin ang sex video nyo ni Enzo e!",

"A-anong ibig nyong sabihin!? Anong sex video?!", naguguluhan kung tanong sa kanila. Anong sinasabi nila? Bakit hindi ko to alam? Oo, may nangyari sa amin ni Enzo kahit ayaw ko. Napilitan lang ako nun dahil iiwan nya ako pag hindi ko binigay ang gusto nya. Sya nalang kasi ang natitirang taong nagmamahal sa akin pero akala ko lang pala iyon dahil noong makita nya si Ate Ruby ay iniwan rin nya ako. Pero ngayon ano namang kalokohan ang sinasabi nila? Sex video namin ni Enzo? Hindi ko maintindihan?

"Ay maang maangan?! Gusto ko yan", sabay lapit nito sa akin at hahalikan na sana ako ng mabilis kung nilihis ang ulo ko kaya buhok lang ang nahalikan nito.

"Ay pakipot pa sya bro! Hahhaha!",

Umatras ako sa kanila palayo pero bago pa iyon mangyari ay mabilis akung nahawakan ng limang lalaking estudyanteng humarang sa akin at sinandal sa pader.

"Help me!", sigaw ko para humingi ng tulong. Pero kahit umalingawngaw ang sigaw kung iyon sa hallway ng kinaroroonan ko wala paring nakakarinig. Pinunit ng isa ang blouse kung suot. Naglaglagan ang mga butones mula sa blouse. Lumantad sa kanila ang katawan ko.

"Wag kanang magsayang ng lakas dahil walang makakarinig sayo dito. Tayo lang ang nandito!", at mabilis akung hinalikan nito sa leeg. Pilit ko ring kumawala sa mga nakahawak na mga kasama nya.

"No!!", sigaw ko at napaluha sa takot sa mangyayari. Buong lakas akung pumiglas at dahil sa ginawa kong iyon ay nakawala ako sa mga nakahawak sa akin dahil hindi naman nila ito hinigpitan, katamtaman lang para maidikit ako sa pader. Tinulak ko ang lalaking nasa harapan ko. Napaupo ito kaya naman ginawa ko yung pagkakataong tumakbo palayo.

"Habulin nyo! Patay tayo pagnakasumbong yan!!", rinig kung sigaw nila habang tumatakbo ako palayo sa kanila. Kailangan kung makahingi ng tulong sa kahit na sino. Liliko na sana ako sa isa pang hallway ngunit agad akung natumba dahil sa taong nabangga ko.

"E-enzo! Ate Ruby! Help me!", napaiyak ako dahil sa kunting pag-asang natira ng makita sila. Napatingin sila sa akin at nagulat ng makita ang sira kung uniform.

Akala ko dadalohan at tutulungan nila ako ni Ate Ruby pero isang sipa ang natanggap ko sa kanila. Nakita ko ang pagngisi nila sa akin.

"Oh Dear! Nakakaawa ka naman!", pang-aasar nito sa akin.

Narinig ko muli ang mga taong humahabol sa akin kaya agad lumuhod sa harapan nila Ate Ruby para magmakaawang iligtas ako pero tumigil ang mundo ko ng isang tawa lang ang narinig ko sa kanila.

Nasa likuran ko na ang mga lalaki kaya mas lalo akung natakot at umiyak. "Boss! Pasensya na nakatakas. Kukunin na namin",

"Bilis kunin nyo na yan at pagsawaan", sagot ni Ate Ruby sa kanila. Napailing ako ng marinig iyon mula sa kanya.

"Anong--", hindi kuna natapos ang sasabihin ko ng sumabat si Enzo. Ang lalaking minahal ko at unang nakaangkin sa akin.

"Tama ang iniisip mo, Emerald. Wala kanang pakinabang sa akin. Nakuha ko na ang gusto ko sayo. Katawan mo lang ang habol ko sayo at wala akung naramdamang pagmamahal sayo!", nabingi ako sa sinabi nito at lalong napaluha.





The Angel is Down  The Devil will RiseWhere stories live. Discover now