Chapter 2

660 41 0
                                    

"Hindi! Hindi! Hindi ito totoo!", hindi ako makapaniwala sa mga sinabi nya. Ang lahat pala ng ginawa nya para sa akin. Ang sweet moments namin at ang pag protekta niya sa akin puro kasinungalingan lang pala lahat at hindi iyon matanggap ng isip ko. Para na akung masisiraan ng bait.

"Yes my dear!", demonyong ngisi ni Ate Ruby sa akin." Boys! Enjoy! hahahha!", tumatawang saad ni Ate Ruby.

"Bitiwan nyo ako!", umiiyak kung sigaw ng sinimulan akung hilahin ng mga ito.

"Kami na ang bahala sa mga estudyanteng papasok sa hallway na ito", huling sabi ni Ruby at iniwan akung pinagtulungan ng limang lalaki.

Tanging pag-iyak at pagsigaw ang ginawa ko. Nagmamakaawa sa kanila na tulungan ako ngunit hindi na nila ako muling pinansin. Nagmakaawa naman ako sa limang lalaki pero patuloy lang nilang akung binaboy.

Paulit-ulit akung binaboy ng limang lalaki. Hanggang sa magsawa sila at iniwan ako sa hallway na walang saplot. Pinilit kung tumayo kahit masakit ang katawan ko lalong lalo na ang pagkakababae ko. Humagohol ako sa sakit, Emotionally at Physically. Para akung sinaksak sa puso ng paulit ulit dahil sa nangyari ngayon sa akin.

Ang dumi-dumi ko na! Hindi ko na kaya! Ayaw ko na! Pagod na ako! Nasasaktan na ako! Gusto ko ng mawala. Gusto ko ng matapos to.

Patuloy ang pagluha ko habang inaakyat ang mataas na hagdan papunta sa rooftop.

Third person POV:

Parang wala nasa katinuan si Emerald ng dumating ito sa rooftop. Hindi na kayang i absorb ng utak nya ang nangyari sa kanya. Paulit-ulit syang humahagolhol at nasasaktan na sya ng sobra.

Napagdesisyonan nyang pumunta sa rooftop ng school. Niyakap nya ang sarili dahil sa lamig ng hanging dumadapo sa katawan nya. Tanging ang punit na uniform nalang ang suot nya.

Tumayo sya sa railings ng rooftop at napatingin sa baba kung saan nakikita nya ang mga estudyante.

"May tao sa rooftop!", sigaw ng isang estudyante kaya napatingin sa kanya ang lahat.

"Si Emerald!",

"Dali kunan nyo ng video! Sigurado akung mag viral to", tuwang-tuwa nitong ani.

"Anong ginagawa nya dyan?",

"Nagpapansin na naman sya",

Maraming nagtaka, nagagalit sa kay Emerald ng makita sya doon. Mayroon ring kinukuhanan sya ng video. At pinagtatawanan sya ng makita ang hitsura at ayos nya. May iba ring nakatitig at pinagnanasahan ang katawan nyang nakalantad.

"Nababaliw na nga siya! Tingnan mo nga hitsura nyan!",

"Hoy! Malandi bumaba ka dyan! Papansin ka talaga!",

Pinagtatawanan sya ng lahat habang napapailing naman ang mga guro. Hindi sila makapaniwalang umabot sa puntong ito na gagawin ni Emerald ang ganitong bagay para makakuha lang ng atensyon.

Patuloy naman ang pagtulo ng luha ni Emerald. Nakatingin sya sa baba kung nasaan ang mga estudyanteng pinagtatawanan sya. Nakita rin nya ang kanyang Ate Dia, Kuya Mond at sina Ruby at Enzo. Nakatanaw lang ito sa kanya habang nakakunot ang mga noo.

"Hoy! Emerald bumaba ka dyan! Nakakahiya ka! Puro kamalasan lang ang dinadala mo!", sigaw ng kuya Mond nya. Galit na galit ito dahil sa inaakalang pakulo nya.

"Emerald! Ano bang nangyayari sayo! At anong mukha yan!", sigaw rin sa kanya ng Ate Dia nya.

Hindi naman sumagot si Emerald patuloy lang ito sa pagluha. Kahit sa isang sandali ay umaasa parin ang puso ni Emerald na sana may taong sumigaw na hindi nya itutuloy ang binabalak nya. Na sana may taong pumigil sa kanya. Na sana may taong hahatak sa kanya palayo sa rooftop na kinaroroonan nya. Na Sana may taong ililigtas sya sa madilim na kinaroroonan nya ngayon.

Pero alam nyang WALA syang taong iyon.

Kaya naman muli syang napaiyak at hinayaan ang sariling katawan na mahulog. Narinig nya ang pagsigaw ng lahat at pagtawag sa pangalan nya But its too late. Nahulog sya ng mabilis sa labing limang palapag na school.

Lumagapak ang kaawa-awang katawan ni Emerald sa malamig na semento. Napaubo ito ng dugo hanggang sya ay malagutan sya ng hininga.

Natulala naman ang lahat sa nakita pero huli na naman sila dahil wala ng buhay ang dalaga ng tumawag sila ng ambulansya. Natuod naman sa kinatayuan ang Kuya Mond nya. Tumakbo namang umiiyak papunta sa walang buhay na dalaga ang Ate nitong si Dia pero kahit umiyak pa ito ay hindi na maibabalik ang buhay ni Emerald. Habang si Ruby naman ay umaktong parang nagulat sa nangyari kahit alam nya na mangyayari ito dahil sa ginawa nya sa bunso nyang kapatid.

..............

Umalingawngaw sa speaker ang halinhinang tinig ng kapitan ng eroplano at ng flight stewardess.

Halinhinang ibinabadya ng mga ito ang nalalapit na paglapag ng eroplano sa airport. Mayamaya pa'y naririnig na niya ang pagkabit ng mga seatbelt. Kahit ang katabi nitong natutulog ay nagising at ginawa agad iyon.

She didn't need to fasten her seatbelt dahil hindi naman nya ito tinanggal simula kanina. Sa loob lang ng ilang minuto ay lumapag na ang sinasakyan nitong eroplano. Maririnig muli ang ingay ng pagtanggal ng seatbelt.

Sabay sabay tumayo ang mga pasahero at kinuha ang mga dalang baggages sa itaas. Nakisabay rin sya sa mga ito. Kinuha nya ang hugis bilog na shoulder bag at sinukbit sa kaliwang balikat. Nakisabay sya sa mga tao pababa ng eroplano.

"Mainit parin ang pilipinas walang pinagbago", saad nya at sinuot ang sunglasses.

Habang naglalakad sya ay nakakahakot sya ng mga atensyon ng mga taong madaanan nya. Sinusundan sya ng mga mata ng lahat. Nakasuot sya ng white tube at pinaresan ng black coat na nakasardo ang mga butones. Sa pang ibaba naman nito ay nakasuot ito ng skirt na tatlong pulgada mula ibabaw ng tuhod nya, may slit rin itong dalawang pulgada kaya kitang kita ang maputi at makinis nitong binti. Nakasuot rin ito ng itim na apat na pulgadang heels. Habang ang straight na buhok naman nya na hanggang likod ay kumikintab sa lambot. Itim na itim na walang halong anomang ibang kulay.

Hindi lang iyon ang napapansin ng mga tao kahit may sunglasses itong suot ay hindi parin ito naging hadlang para makita ang kagandahan nito at perkpekto nitong hugis ng mukha. Hindi nakapagpigil ang mga tao at dali-dali sya nitong kinuhanan ng mga litrato pero nabigo silang makuha ang tamang anggulo dahil hindi pa nga sila nakapindot ng kanilang camera ay mabilis syang pinalibutan ng apat nitong kasamang mga bodyguard.

Maririnig sa mga tao ang bawat daing at reklamo dahil sa pagkabigong makuha ang itsura ng magandang dalaga hanggang ito ay makasakay sa limousine.

Halos nagkagulo ang mga staff sa sandaling iyon. Pinapanatili kasi nila ang kaligtasan ng mga tao sa airport kaya ng makaalis ang pinagkakaguluhan ng mga ito ay nakahinga narin sila ng maluwag.

"Lady Amethyst", napalingon ang dalaga habang sumisimsim ito ng wine. "Your Grandfather is calling", inabot nya ang cellphone at agad sinagot ang tawag.

"Yes, Grandpa", sagot nya dito.

"My beautiful Apo.. Kamusta ang pilipinas?", masayang tanong ng kanyang lolo.

"Okay lang naman Grandpa. Masaya akung bumalik dito sa pilipinas at para makita ang mukha ng kakambal ko", masaya nyang sagot dito. Kahit hindi nakatira sa pilipinas si Amethyst ay marunong parin itong magtagalog dahil nag-aaral naman itong magtagalog kasama ang lolo nya sa italy.

"Masaya akung maghaharap na kayo even though magkamukha lang naman kayo. Excited rin akung bumalik dyan at makita ang isa ko ring magandang apo. Bye Amethyst and Take Care",

Hindi man makita sa mukha ni Amethyst ang ngiti pero sa kalmado nitong mukha ay mababatid dito ang kasiyahan.

"Anthony dumeretso ka sa North Carolina. We'll fetch my twin sister", kalamadong tugon nito na tinanguan lang ni Anthony isa sa bodyguard nya na ngayon ay ito ang driver nila.

The Angel is Down  The Devil will RiseWhere stories live. Discover now