Chapter 13

497 32 1
                                    

Kinabukasan ay agad umalingaw-ngaw ang pangalan ko sa speaker kung saan ipinapatawag ako sa Dean's office.

Tumayo ako at si Anthony mula sa pagkaka-upo at walang emosyon ang mukha kung umalis sa classroom.

Mabibilis ang hakbang namin papunta sa Dean's office habang hindi pinapansin ang mapanghusgang mga mata sa paligid. Napahinto ako sa nakasiradong  pintuan ng Dean's office. Napatitig ako sa door knob nito.

Kahit inaasahan ko na ito ay hindi ko parin mapigilang manginig ang kamay ko ng hawakan ang door knob. Nanginig ang kamay ko hindi dahil sa takot kundi dahil makakaharap ko ang pamilya kung matagal na akung tinaboy.

Hinawakan ko sa pulsuhan ang kanan kung kamay na nakahawak sa doorknob. Kailangan kung huminahon. Hindi dapat ganito ako pumasok. Kailangan kung kalmahin ang sarili ko.

Humigpit ang pagkahawak ko sa doorknob. Binuhos ko ang lakas ko sa pagkahawak sa doorknob upang kumalma ako at ng kumalma ang sistema ko ay napagpasyahan kung pumasok na. Tiningnan ko si Anthony sa gilid habang nakatingin sa akin.

"Dito ka lang. Ako lang ang papasok", saad ko sa kanya. Hindi sana ito sasang-ayon pero tinitigan ko sya kaya naman napilitan itong tumayo.

Alam kasi ng mga bodyguard ko na darating ang panahon na magkakaharap kami ng mga magulang ko at alam rin nilang masyado pang maaga para sa paghaharap namin. Pero dahil sa ginawa kung pagwawala ay hindi na maiiwasan ang pagkikita naming muli.

Matapos kalmahin ang sarili ay nakataas ang baba kung pumasok sa loob ng opisina. Pagtapak ko palang sa loob ay ramdam ko na ang tensyon galing sa mga taong naghihintay.

"Sya ba? Sya ba ang may kasalanan bakit nagkasugat ang anak ko?!", sigaw ng isang ginang habang nakaturo ang daliri nito sa akin.

Tinitigan ko ang ginang na iyon at hindi nga ako nagkamali sa naiisip ko dahil sya ang ina namin ni Emerald.

*pack*

Maririnig sa buong opisina ang malakas na tunog na iyon mula sa sampal na tumama sa pisngi ko. Nakita ko rin ang ngisi ni Ruby at ng isa pa nyang kasamang nakaupo sa sofa. Tinitigan ko ang kabuan nila at masasabi kung panalo parin ako dahil kahit tinakpan nila ng concealer ang mga pasa nilang nakuha sa akin ay alam kung masakit parin iyon kapag masagi kahit ang brush ng make-up.

"You deserve a punishment!", Binalik ko ang tingin ko sa butihin naming ina. Tinitigan ko sya sa mga mata nya at hindi pinakingggan ang mga pinagsasabi nya. At ng mapansin nitong hindi ako nakinig sa kanya ay lalo itong nagalit.

Ang mga mata nitong puno ng galit habang nakatingin sa akin. Ang hugis ng mga matang yan ang nakuha namin ni Emerald sa kanya at ang maputi nitong kutis.

Binaling ko naman ang aking paningin sa isang single couch kung saan ngayon ko lang napansin ang isang lalaking nakaupo doon. Ang aming ama.

Nakaupo sya doon habang pinagka-cross ang mga binti nya. Nakatitig lang ito sa amin. Tahimik at masasabi mong nasa hitsura nito ang pagiging professional. Tinitigan ko ang mukha nya at masasabi kung namana namin sa kanya ang lahat. Mula sa hugis ng mukha,buhok, tangos ng ilong at hubog ng mga labi namin.

Mabilis kung inalis ang tingin ko sa kanya ng tumingin ito sa akin. Ayaw kung mahuli nya akung nakatitig sa kanya.

"You have no right to hurt my daughter!", Napapikit ako ng muli ko namang narinig ang sigaw mula sa kanya. Sa ina namin.

'Tama! Wala talaga akung karapatan para saktan si Ruby pero hindi ako makapaniwalang tinawag mo syang anak samantalang wala kang ginawa para kay Emerald! Wala kang ginawa para tigilan nila sa pang-aapi si Emerald!' Gusto kung ipamukha sa kanya ang bagay na iyon pero hindi ko ginawa.

Halata naman sa salita nito na hindi nya iniisip si Emerald. Hindi sya gumawa ng paraan para hindi umabot sa puntong maisipan nitong magpa
kamatay nalang.

"Sana makuha namin ang hustiya para sa kawawa naming anak, Dean. Hindi ko akalaing maghihirap ang anak ko sa kamay ng baguhan na iyan. Sa isang basagulera!", inis nitong sabi sa Dean na nakatingin sa akin.

"Ms. Amethyst dahil sa ginawa mo kina Ms. Ruby at Ms. Amy ay mapaparusahan ka sa pamamagitan ng paglilinis ng CR ng isang linggo at may tatlong araw kang suspensyon.", turan ni Dean sa akin kaya napayuko ako habang nakakuyom ang kamao ko.

"Lahat kayo ay bobo", kusa iyong lumabas sa bibig ko.

"May sinasabi ka, Ms. Amethyst?", tanong ni Dean sa akin.

"Wala", sagot ko. Mabuti nalang mahina ang pagkasabi ko kaya hindi nila ito malinaw na narinig. "Kung wala na kayong sasabihin ay kung maari ay aalis na ako", Hindi ko na hinintay ang pagsagot nila at tuluyan ko na silang tinalikuran.

Pagkalabas ko ay mas lalo kung kinuyom ang kamao ko. Lumapit rin si Anthony sa akin pati rin ang tatlo na kararating lang. Sinabayan nila ako sa paglalakad.

"Anong punishment ang nakuha mo, boss?", tanong ni Art kaya siniko sya ni Yuan ng huminto ako at seryosong nakatingin sa kanya.

"Isang linggong paglilinis ng banyo at tatlong araw na suspensyon", sagot ko.

"WHAT?", sabay nilang sigaw.

"Kailangan may gawin tayo. Hindi maaari ang bagay na ito", sambit ni Cedric.

"Wag! Wag na kayong makialam. Kasalanan ko rin naman. I screw up!", pigil ko sa kanila.

"Pero boss hindi ito maari. Hindi ka nga ginaganito ng mga taong nakakilala sayo.", reklamo ni Anthony.

"Tumigil kayo! Tama ka, Anthony. Hindi dapat ito ginagawa sa akin pero gaya nga ng sinasabi mo 'Ang mga taong ang nakakilala lang sa akin' ibig sabihin maliban lang sa kanila at ang mga tayong hindi nakakilala sa akin ay kaya nila akung saktan dahil hindi nila kilala ang pagkatao ko.", paliwanag ko sa kanila.

Nakita ko sa mga mata ng apat ang pag-alala pero wala silang magawa sa desisyon ko. Masunod ang plano kahit anong mangyari. 

Magpatuloy na sana ako sa paglalakad ng marinig namin sa likuran ang pagbukas ng pintuan ng Dean's office. Lumabas mula doon sina Ruby at Amy.

Mabilis ko namang hinila si Anthony sa isang hallway habang ang tatlo ay mabilis nakalayo sa amin at nagkunwaring napadaan lamang sila.

"So, Anong plano, Ruby?", rinig naming tanong ni Amy kay Ruby ng huminto sila malapit sa hallway kung nasaan kami.

"Gaya parin ng dati. Bigyan natin ng isang magandang surprisa ang mumurahing babaeng iyon. Hindi ko sya mapatawad sa ginawa nya sa akin. Hindi nya alam kung sino ang kinakalaban nya!", sagot nito.

Makikita sa mukha ni Ruby ang isang matagumpay na ngisi ng dumaan sila hallway na kinaroroonan namin. Hindi nila kami napansin dahil okupado ang isip ng mga ito sa sinasabi nilang surprisa. At alam kung hindi maging madali ito. Hindi maging madali ang pagdadaanan ko sa kamay ng mga taong iyon.

The Angel is Down  The Devil will RiseWhere stories live. Discover now