Chapter 20

548 26 5
                                    

"Anong?!", Hayst! Ang sarap sabunutan ng buhok ang dalawang ito sa harapan ko. Nakaka -stress talaga!

"Sorry na boss", nakabusangot ang mukha ni Art habang humihingi sya ng tawad sa akin.

"Wag mong sisihin si Art, boss. Ako ang may kasalanan. Ako yung naunang sumuntok", nguso pang sabi ni Cedric. Napaupo ako sa couch ng makita talagang hindi nila pinagsisihan ang kanilang ginawa.

"Akala ko ba usap lang bakit may kasamang suntok?", problemado ang mukha kung nakatingin kay Cedric at Art na may mga pasa sa mukha.

Tumabi naman si Anthony kay Cedric at si Yuan naman umupo sa tabi ni Art. Nasa sala kami ngayon at nasa harapan ko ngayon ang dalawa na may mga pasa sa mukha.

"Feeling gwapo kasi at napaka---Arayyy! Dahan-dahan naman, Anthony!", sigaw nito kay Anthony ng nilakasan nito ang pagdampi ng bulak sa sugat nya sa pisngi.

"Kasalanan nyo naman itong nangyari sa inyo. Hinayaan nyo nalang sana sya", inis ring turan ni Anthony habang ginagamot nito si Cedric.

Si Yuan naman ang gumamot kay Art sa kilay at labi nitong may sugat. "Kung kayo kaya nyong tingnan kung paano nya inaapi at binastos ang nerd na iyon pwes kami hindi namin yun hahayaan!", inis ring sabat ni Art at inagaw ang bulak sa kamay ni Yuan at sya na mismong gumamot sa sarili nya.

"Nakalimutan nyo atang pinaalahanan kayo ni Boss na wag kayong gagawa ng gulo", tanggol rin ni Yuan sa sarili.

"Ano ba kasi ang nangyari?", singit ko baka sila na mismong apat ang mag-away ngayon sa harapan ko.

"Iyon nga boss. Nakita namin sa cafeteria si Enzo at kung paano inaapi ni Enzo ang nerd na iyon. Sumusobra na kasi! Matapos nyang patirin yung nerd ay binuhusan pa nya ng Juice. Hindi lang doon nagtapos binasag pa nya ang salaming suot ng Nerd.", paliwanag ni Cedric.

"Hindi pa talaga nakuntento ang luko! Binastos nya pa ang Nerd. Nakita namin kung paano nya hinimas yung  legs ng Nerd kaya doon na kami nagalit at sinugod sya.", dagdag pang paliwanag ni Art.

"Syempre dahil sa galit namin ay hindi namin napansing may back up pala ang gago! Kaya iyon nagkagulo ang Cafeteria. Ito namang dalawang ito hindi kami tinulungan!", simangot ni Cedric at inismiran sina Yuan at Anthony.

"Kayo ang nagsimula ng gulo kaya kayo rin dapat gumawa ng paraan para makalabas doon", rason rin ni Yuan.

"Okay. Tama na iyan. Anong punishment na natanggap nyo?", buntong hininga kung tanong.

"2 days suspension", sabay sagot nilang dalawa. Nakayuko sila habang sinasagot iyon.

"Okay. Mabuti nalang talaga bukas agad nagsimula ang suspension nyo. Maghanda kayo bukas may lakad tayo", saad ko at tumayo at pumunta ng kusina.

Kumuha ako ng tubig sa ref at sinalinan ang baso saka ko iyon ininom at pagharap ko ay agad kung naibuga ang tubig sa bibig ko sa mismong mukha ni Anthony.

"Sorry..Bakit ka ba kasi nasa likod ko?!", nakangiwi kung ani sa kanya at kumuha ng tissue at pinunasan ang mukha nya.

"Pasensya na boss. Nagulat kayo.May sasabihin sana ako", nag-alangan ang mukha nito kung sasabihin nya ba O hindi ang nasa kanyang isip.

"Ano yun?", tanong ko. Kinuha nya ang tissue paper sa kamay ko at sya na mismo ang nagpatuloy sa pagpunas ng mukha at damit nya.

"Wag na nga lang", saad nito at mabilis  akung tinalikuran. Napakamot naman ako sa sarili kung ulo habang nakatingin sa papalayo nyang likuran.

Nagkibit balikat nalang ako at hindi pinansin ang kakaiba nitong galaw...

****

Nasa backseat ako nakaupo habang si Art naman ang nag drive at si Cedric ang umupo sa front seat. Nakasuot ang dalawa ng parehong naka-black suit. Naka formal attire sila na parang dadalo ng party O papasok sa company.

Pagkababa namin ay mayabang na tinanggal ni Cedric ang kanyang suot na sunglasses.

"Ang gwapo ko talaga!", mapagmalaki nitong sabi at nagpose pa dahilan para kiligin ang mga babae dito sa parking lot ng Mall.

"Hi! Girls!", kaway pa nito dahilan para lalong kiligin ang mga dalagang nakarinig.

Hindi ko mapigilang umismid sa dalawa.

"Sana pala hindi ko nalang dinala ang dalawang ito. Nag-sisi na tuloy ako" bulong ko sa sarili at iniwan ang dalawa.

Pagpasok ko sa mall ay sakto namang nakasunod na ang dalawa na panay reklamo kung bakit ko raw sila iniwan. Hindi ko sila pinansin lalo na si Cedric na sobrang kulit.

"Tumahimik ka na nga Cedric", inis kung turan. Agad naman itong napatakip ng kanyang sariling bibig habang nakatingin sa akin na parang nagugulat.

"Art! Nakita mo yun? Parang nagseselos si Boss sa kagwapuhan ko! Kasalanan ko bang gwapo ako! Kasalanan ko bang nasa akin na lahat ng atensyon nila? Masisisi mo bang mas gwapo ako sayo,Art!", mahina nitong drama na kinadiri naming dalawa ni Art.

"Boss! Humawak ka sa akin ng mabuti. Lumalakas ang hangin e baka babagyo dito sa loob ng mall!", agad namang sagot ni Art na kinatigil ng pag drama ni Cedric.

"Wow! So, sinasabi nyong mayabang ako?! Ganun?", turan nito habang nakaturo pa sa sarili.

"Ayy! Hindi mo nahalata? Nagtatanong ka pa talaga!", tawa ko sabay talikod namin ni Art.

Nakita ko pang nakaturo parin si Cedric sa sarili nya habang hindi makapaniwalang kinakausap ang sarili.  Mabilis naman syang natauhan ng makitang malayo na kami sa kanya.

"Boss! Talaga bang mayabang ako? Pero gwapo naman ako a! Tingnan mo nga ako. Pang Model ang kagwapuhan ko. Mayaman rin ako! Sinong babaeng maka-resist sa gwapo kung mukha", halakhak nito kaya nahihiya kaming umusog ni Art paalis sa tabi ni Cedric ng makitang pinagtitinginan na sya ng mga tao. Panay parin kasi ang halakhak nito habang mayabang na pumorma.

"Wala na talaga sya sa katinuan. Mukhang nasa iba na syang mundo.", napapailing na komento ni Art habang nakatingin parin kay Cedric na panay yabang nito.

"Excuse! Kakilala nyo ba sya?", May kumalabit sa akin at nagtanong kaya lumingon ako sa likuran.

"Hindi! Pasensya na hindi namin sya kilala", alanganin kung sabi habang nakatingin kay Cedric na hanggang ngayon ay hindi pa napapansin ang paligid.

"Ahh! Akala ko kasama nyo. Gwapo sana pero mukhang nababaliw", komento ng babae na kinatawa namin ni Art.

Bigla namang napatigil si Cedric sa drama nya ng marinig ang komento ng babae. Lumingon sya sa amin at mabilis lumuhod sa harapan ng babae sabay hawak nito sa kamay.

"May ganda ka rin sanang tinataglay kaya lang wala ka paring binatbat sa kagwapuhan ko!", saad nito dahilan para sampalin sya ng babae at umalis. Hindi naman naming mapigilang humalakhak ni Art ng matulala si Cedric.

Napahawak sya sa kanyang pisngi at naglakad palayo sa amin.

"Mukhang natauhan kana", sunod naming panunuya sa kanya. Lumingon naman sya amin sabay puppy eyes nya kaya hindi namin mapigilang muling lumayo sa kanya. Alam kasi namin ang ganyang galaw nya. May hihingiin naman itong favor kaya bago pa sya magsalita muli ay tumakbo na kami palayo kay Cedric.

The Angel is Down  The Devil will RiseWhere stories live. Discover now