Chapter 6

603 34 2
                                    


Amethyst Pov

One weeks past simula ng pasukin ko ang mansion. Hindi na ako bumalik doon simula noong una kung subok, hindi dahil sa takot akung bumalik kung hindi ay pinahinga at hinanda ko ang aking katawan at isipan para sa araw na ito.

Alam ko kasing hindi lang simpleng bangayan ang mangayayari oras na magkaharap kami. Masakit parin sa akin ang nangyari sa kakambal ko at hindi ko alam kung kaya ko bang pigilan ang sariling sugudin sila hanggang matapos ang pinaplano ko.

"Lady Amethyst, nasa baba po si Detective Fred", rinig kung sabi ni Manang Delia sa labas ng kwarto ko.

"Bababa na ako", sagot ko at muling tinitigan ang sarili sa full length mirror. Nakasuot ako ngayon ng uniporme ng North Carolina Private school. Isang black uniform. Walang nakahalong kulay dito maliban sa red na ribbon at medyas na kulay puti hanggang tuhod. Ang buhok ko naman ay pinakulayan ko ng color brown at pina-curly ko ito kahapon sa parlor. Nagpalagay rin ako ng bangs. And the last piece is ang salamin at isang malaking artificial nunal na nilagay ko sa gilid ng ilong ko. Hindi ko nalang pinakialaman ang kulay ng mata ko. Magkaiba naman kami ng kulay ng mata ni Emerald. Sa kanya Blue at sa akin naman red. Isa ito sa pinagkaiba namin ni Emerald. Ang layo rin ng kulay ng mga mata namin sa kulay ng mga pangalan namin.

Bumaba na agad ako matapos ma satisfy ang sarili sa harap ng salamin. Hindi na nila ako makilala sa ayos kung ito. Hindi na nila masasabing magkamukha kami ni Emerald. May irarason naman ako pag nagpupumilit sila.

"Detective Fred, Right?", agad kung tanong sa taong nakaupo sa couch dito sa sala.

"Yes, and you are?", tanong nito pabalik.

"Amethyst Chavez", nagkipagkamay ako na tinanggap naman nito. Hindi ang apilyedong (Greyson) ang ginamit ko kundi ang apilyedo nang Grandpa ko. "Hindi na ako magpaligoyligoy pa Mr. Fred. Gusto kung imbestigahan mo ang Pamilyang Greyson. Alamin mo ang mga lakad nila at mga taong nakakasalamuha nila. Lahat-Lahat.", diretso kung tugon rito pero ng tingnan ko sya ay nakakunot ang noo nyang tumingin sa akin.

"Pasensya na kayo sa itatanong ko, Ms. Chavez pero bakit ako ang pinili nyong mag imbestiga?", nakakunot parin ang noo nitong tanong sa akin.

"At bakit hindi ikaw?", napalunok sya habang nakatingin sa akin.

"Alam nyo naman siguro na hindi ako sikat katulad ng kasamahan ko. Hindi nga ako nakakahawak ng kaso ng mga taong kasing yaman mo", nilibot pa nito ng tingin ang buong mansion. Hindi ko naman mapigilang mapangisi. May dahilan kasi kung bakit ko sya pinili.

"Pareho pareho lang naman kayong detective. Walang halaga sa akin kung mas sikat sila sayo basta magawa mo ng mabuti ang trabaho mo", tinitigan ko sya at mukhang nakuha nya naman ang ibig kung sabihin.

"Naintindihan ko.",

"Ngayong nagkakalinawan na tayo. Ikaw na ang bahala sa maging hakbang mo",

Pagkatapos naming mag-usap ng detective ay umalis agad ito. Lumabas naman ako habang nakasunod ang apat sa akin pero napahinto at nilingon silang apat.

"Wait?", napahinto rin siya at umayos ng tayo. Tinitigan ko sila at napa-smirk ng makita ang suot nila. Hindi na sila naka suot ng bodyguard uniform nila kundi ang suot na nila ngayon ay uniform ng North Carolina Private school. "Ayusin nyo ang mga necktie nyo", natatawa kung ani ng makita kung gaano kagusot ang mga ito. Inayos naman nila ito kaagad at napapahiyang tumingin sa akin. "Oh! Bago ko makalimutan. Oras na makapasok tayo sa school hindi na tayo magkakilala. Si Anthony lang ang makakasama ko sa classroom ko kaya kayong tatlo ay nasa iba't - ibang classroom. Mag-imbestiga rin kayo", tumango sila sa akin kaya pumasok na kami sa sasakyan namin.

The Angel is Down  The Devil will RiseWhere stories live. Discover now