CHAPTER 6: CONFESSION PART 2

16 7 0
                                    

Synopsis: Ang natitirang aamin sa grupo ay umamin na! pero sa tamang tao kaya niya nasabi? at sino ba ang umamin?...

Natapos ang gabi ni Jasper na puno ng saya dahil maraming nabago sa kanya ng pagkikita nila ni Clarisse.
Pagkabalik niya sa apartment ni Jade ay nagulat siya dahil sa mga boses na narinig niya sa loob kahit nasa labas pa lang siya at pagpasok niya naman ay bumungad sa kanya ang...

"Yo! bat ang ingay nyo?! rinig kayo hanggang laba-" naputulan si Jasper nang makitang si Athena ay nakahandusay sa sahig.
"ANO PANG TINITINGIN-TINGIN MO DYAN?! TULUNGAN MO NA KAMI!!" sigaw ni Wave na halatang nag-alala.
"O-O-Okay! a-a-ano bang gagawin?!!" natatarantang sagot ni Jasper.
"Tumawag ka ng Ambulansysa!" sigaw naman ni Janice.

Pagkatawag ni Jasper ng Ambulansysa ay agad naman itong dumating at dinala sa hospital.

"Wave, ano ba talagang nangyare?" mahinahong tanong ni Jasper.
"Di rin namin alam Jas basta pagdating namin sa apartment ay okay pa naman siya pero nung paparating ka na ehh bigla nalang siyang nag-collapse" seryosong sagot ni Wave.

"Tawagan mo muna si Insan tungkol sa kalagayan ni Athena, hindi kase bukas yung pinto niya kanina ehh tsaka wala rin sa apartment si Jade" sabi naman ni Janice.

At dahil sa mga sinabi ni Janice ay nagpasya si Jasper na tawagan na si Edward at sabihin ang nangyari.

"Hello?" pamilyar na boses ang sumagot sa kabilang linya nang tumawag si Jasper sa cellphone ni Edward.

"Jade?!, bat ikaw ang sumagot?!" tanong ni Jasper na nagtataka rin.
"Ahh kasama ko si Edward, may lagnat kase ehh" sagot naman ni Jade.
"Teka lang! ibig mong sabihin nasa apartment kayo?!" nagtatakang tanong ni Jasper.

"Oo, baket ba? ano bang nangyare at napatawag ka" sagot naman ni Jade.

"Si Athena kase nandito sa St.Joseph Hospital nag collapse kase ehh pwede bang papuntahin mo si Edward dito?" sabi ni Jasper.
"Di pwede si Ed ngayon kase may lagnat nga! ako nalang ang pupunta dyan" sagot ni Jade.

*45 minutes later*

Nakarating na si Jade sa hospital kaya naman hinanap na niya kung saang room si Athena naka confine at ito nga ay sa room 314 at pagdating niya doon ay sinalubong agad siya nina Jasper.

"Ohh ano? kumusta na si Athena?" tanong ni Jade na hinihingal pa.
"Sa ngayon ay wala pang sinabi ang dokto-" naputulan uli si Jasper ng sasabihin nang lumabas na ang doktor at nagsabing...

"Mga bata ilang taon na ba kayong lahat?" tanong ng doktor.
"17 po" sabay na sagot ng tatlo.
"Ikaw iha ilang taon ka na?" na may paturo pa kay Jade.
"18 po, baket po?" patanong na sagot ni Jade.
"Ahh wala naman kase ang 18 pababa ay bawal na muna sa loob, and I'll also tell you the reason the patient collapse since there's a legal aged person in your group" sabi ng doktor na may pahabol pang "As of now unconscious pa rin siya pero baka pagpasok niyo ehh magigising na siya, pero ang dahilan nga ng pag collapse niya ay ulcer pero don't worry dahil yung case niya ay mababa pa naman at kaya pang agapan pag pinakain ng tama" paliwanag ng doktor.

Dahil sa mga sinabi ng doktor ay tiningnan niya muna kung may bukas pang tindahan dahil gabi na para bumili ng makakain nila at para narin kay Athena.

"Ohh eto, kainin niyo baka gutom na kayo" sabay pag abot ni Jade ng plastic na hawak niya.
"Ehh yung isa para kanino yan?" tanong ni Jasper.
"Para ito kay Athena para makain niya" sagot ni Jade na sinabayan niya ng paglakad papunta sa room ni Athena.

*sa loob ng room*

"Athena okay na ba pakiramdam mo?" mahinhin na tanong ni Jade.
"Oo medyo mabuti na pakiramdam ko, by the way kumusta na si Edward?" sagot ni Athena.
"Sa ngayon hindi pa siya okay kase may lagnat pa siya pero sa tingin ko gagaling din siya" sagot ni Jade.

"Ahh ganon ba" sabi ni Athena.
Pagkatapos non ay binigay na ni Jade ang pagkain kay Athena at ito naman ay agad ding kinain ni Athena na siyang naging dahilan ng kanyang pagkaantok na kalaunan ay naging tulog na.

*kinabukasan*

"Wave, uwi muna ako wala kaseng nagbabantay kay Edward dun sa apartment" pamamalam ni Jade.
"Sige kami nang bahala kay Athena, alagaan mo nalang si Edward" sagot ni Wave.
"Sama na ako sayo Jade pupuntahan ko lang si Clarisse" pagsabat ni Jasper.
"Clarisse?"
"Bagong babae ni Jasper" sabat ni Wave.

"Ahh gege bilisan na natin" pagpayag ni Jade sa sinabi ni Jasper.

Umalis na sila Jade at Jasper kaya sina Janice at Wave nalang ang natira at nagbabantay kay Athena. Pagpasok ulit nila sa loob ng silid ay kinausap ni Athena sila Wave at sinabing...

"Alam niyo bang nagpapanggap lang kami ni Edward na mag-syota kami" sabi ni Athena.
"WHAT!!! Ibig sabihin di talaga kayo magsyota?!" sigaw ni Janice.
"Sabi na ehh! nakakapanghinala na din kase yung galawan niyo ehh parang ang bilis niyo nagkadevelopan" sabi ni Wave.

"Balak kase naming pagselosin si Jade kase nga may feelings pa siya rito pero..." natigilan si Athena dahil nalungkot siya sa naiisip niya.

"Pero?" tanong ni Wave.
"Pero di alam ni Edward na totoo na yung nararamdaman ko sa kanya....gusto ko na siya" pag amin ni Athena ay agad tumayo si Janice at yinakap si Athena.

"Ba-Baket?" tanong ni Athena.
"Alam ko ang nararamdaman mo kase ganyan din kami dati ni Wave pero naglaon nagkagusto din siya sakin" ang sagot ni Janice.
"Pano na ngayon? kung di alam ni Edward na totoo na pala feelings mo sa kanya pano mo sasabihin nang hindi siya nasasaktan?" tanong ni Wave.

"Ano ka ba! kita mong malungkot na yung tao ehh" sabi ni Janice.
"Tsaka isesecret muna namin to at di na muna sasabihin sa iba kahit kay Jasper o kay Jade" pahabol pa ni Janice.

"Salamat talaga bes ahh" pasasalamat ni Athena.
"Don't worry about it, it's my job as your friend to help you in your problems" sagot ni Janice.

Sa huli naamin na ni Athena ang feelings niya pero kina Janice at Wave niya ito nasabi. Pero sa apartment ni Jade ay may nangyare ulit kay Edward ano kaya ito?...

YOU'RE MY ONEWhere stories live. Discover now