CHAPTER 7: "GRADUATION IS COMING.."

8 4 0
                                    

Synopsis: Uuwi na sila Edward papuntang Manila para ituloy na ang klase at nalaman din nilang malapit na mag graduation, At ano itong bago na namang nararamdaman ni Edward?....

Dalawang araw na ang nakalipas at gumaling na din sina Edward sa kanilang mga sakit pero medyo nararamdaman pa rin ni Edward ang pakiramdam na nararamdaman niya nung nilagnat siya parang masakit sa ulo pero binalewala niya nalang ito. Paalis na rin ang grupo pabalik sa Manila.

"Jade, see you again! isesend ko nalang yung grad video namin ahh" pamamaalam ni Jasper.

"Bye Guys! mamimiss ko kayo" sabay pag iyak ni Jade.
"Ano ba wag kang umiyak babalik din kami sa pasko" sabi ni Edward.
"Kaya nga tsaka baka dito na rin ako magcollege andito kase si Clarisse ehh" sabi ni Jasper na nakatingala pa sa langit.

"Okay tama na ang iyakan sakay na baka matagalan tayo" sabi ni Wave na pinigilan ang luhang patulo na.
"Kunwari ka pa ehh naiiyak ka na nga babe ehh" pang aasar ni Janice.

"Che!" sigaw ni Wave.
"Okay tuloy na kami Jade ahh ingat ka nalang palagi" pamamaalam ni Athena.

"Bye! I'll miss you!" sigaw ni Jade sa paandar na van.
"We'll miss you too!" sigaw ni Jasper.

Umalis na ang grupo at sa loob ng van ay nagkaroon sila ng magandang usapan at siyempre iyakan.

"Mamimiss ko tong Baguio" sabi ni Jasper na nakatingin pa sa bintana ng van.

"Sus! sabihin mo si Clarisse miss mo!" pang aasar ni Wave.
"Tigilan mo na babe baka namimiss niya talaga tsaka bihira lang yan magseryoso kaya sulitin mo na" sabi ni Janice.

"By the way babe may sinabihan ka na ba about sa secret ni Athena?" bulong ni Janice sa tenga ni Wave.
"Wala pa siyempre tsaka si Athena dapat ang magsabi ng ganong bagay kay Edward" pabulong na sagot ni Wave.

Pagkatapos makatulog ng kasamahan ay ifinocus nalang ni Wave ang atensyon niya sa daan hanggang sa makarating na sila sa  bahay ni Jasper.

"Pssst! gising na! andito na tayo sa bahay ni Jasper" sabi ni Wave.
"Ohh bat ako agad!?" tanong ni Jasper nang may pagunat pa.
"Bat ayaw mo?!" sabi ni Wave.
"Sige na nga! Bye guys! see you tomorrow!" pag-papaalam ni Jasper.

Sinunod na ni Wave si Edward sa bahay nito at pinabuksan nalang sa nanay ni Edward ang gate para makapasok ito dahil nga sa medyo masaket pa ang ulo ni Edward.

"Yo! Eddie-boy pagaling ka ahh may klase pa tayo bukas!" sabi ni Wave.
"Oo ako nang bahala" sagot naman ni Edward.
"Salamat sa pagaalaga sa anak ko Wave ahh" pasasalamat ng nanay ni Edward.
"Wala po yon tita, o sige po alis na oo ako ihahatid ko pa sila ehh" sabi naman ni Wave.

Pagtapos nun ay dumiretso na sila sa highway para ihatid si Athena pero ang pagkakataon na ito ay sinamantala ni Janice dahil nga sa kadahilanang may sikreto si Athena.

"Bes anong balita? kailan mo sasabihin?" sunod sunod na tanong ni Janice.
"Sa ngayon di ko pa alam pero hahanap ako ng tyempo para dun" sagot naman ni Athena.

Nagpatuloy ang pagtatanong ni Janice ganon din ang pagsagot ni Athena sa bawat tanong ni Janice hanggang sa makarating na sila sa bahay ni Athena.

"O sige dito na ko ingat kayo sa daan ahh" pamamaalam ni Athena.
"Sige thank you!" sagot ni Wave sabay sara ng pinto ng van at nagpatuloy na sa biyahe.
Sa huli ay naihatid naman lahat ng kaibigan niya at pati siya.

*kinagabihan*

"Ahhh!! ang saket!" malakas na sigaw ni Edward na halatang nakakaramdam ng sakit.
"Anak! baket?" sabi ni Aling Gerlie na nagaalala sa anak.
"Ang saket ng ulo ko ma!" sigaw ni Edward.
"Sige wait lang! kukunin ko lang yung gamot!" natatarantang sagot ni Aling Gerlie.

"Oh ito inumin mo nang mawala yang saket ng ulo mo" sabay abot ng gamot.

"Salamat ma, akyat muna ako para magpahinga" sabi ni Edward.

Sa taas ay umakyat na nga si Edward at natulog na ganon din sina Wave, Janice, Athena, at Jasper.

*kinabukasan*

"Good Morning class! Welcome back galing sa bakasyon niyo!" pagbati ni Sir Guzman.
"Good Morning din po Sir Guzman!!" sabay sabay na bati ng class A-1.

"Okay siguro naman ay aware kayo na sa susunod na linggo na ang inyong graduation, kaya naman nagdesisyon ang committee na ang buong isang linggo ngayon ay gamitin para magpractice sa ceremony ng graduation and ng graduation itself" pagpapaliwanag ni Sir Guzman.

"Ohh by the way congratulations to our top students that make their way to the top with highest honors! Athena Montefalco and Edward Garcia!!" pahabol pa nito.

"Thank you po" sabay na sagot nina Edward at Athena.

"I can't believe it! si Athena nagka honor kahit baguhan pa lang, ang galing talaga!" sabi ng isa nilang kaklase.

"Uyy alam mo ba? may sabi sabi na si Edward at Patricia ay break na" tsismis ng isa pa nilang kaklase na halos mapuno na ang silid ng iba't ibang komento tungkol sa dalawa.

"Silence!" sigaw ni Sir Guzman.
"Bumaba na kayo sa activity hall para magpractice na tandaan niyo dapat mabilis tayo kase meron pang ibang susunod" pahabol pa nito.

Natapos ang araw nina Edward, Athena, Wave, Jasper, at Janice ng nakakapagod at nakakahingal. Kaya naman umuwi na sila ng maaga dahil wala ng oras pa para gumala sila.

"Graduation really is coming huh" bulong ni Edward sa isipan.
"Time is so fast! I didn't even realize that I'm going to college next year" pahabol pa nito.
"I wonder what will I become in the future a CEO? an engineer? a teacher?" pahabol ulit nito.

Ang gabing yun ay tahimik lang para kay Edward dahil di na niya nakita pa si Patricia.

4 days nalang at graduation na ano kayang mangyayare sa apat na araw na iyon?...

YOU'RE MY ONEWhere stories live. Discover now