CHAPTER 28: ESCAPE

13 4 2
                                    

Synopsis: Malapit ng makatakas sila Wave, ang problema ay di nila alam kung nasaan si Janice. Mahahanap kaya nila ito at makakatakas kaya sila?

Malapit na makatakas sila Wave, pero pinuntahan muna nila si Patricia na nasa kabilang kwarto.

"Tricia!!" sigaw ni Edward.
Hindi sumagot si Patricia, tumayo lamang ito at pumunta sa kwarto kung saan galing sila Wave.

"Patricia, tara na, hanapin na natin si Janice" sabi ni Wave na hindi naman pinakinggan ni Patricia.

Pagpasok ni Patricia sa kwarto ay nakita niyang nakatali sila Elvis sa isang upuan, duguan ang mga ito lalo na si Elvis.

"Jasper, nasan yung bat" tanong ni Patricia.
"A-Ah, nandun sa sulok" sagot ni Jasper.

Pumunta naman si Patricia sa direksiyon na sinabi ni Jasper at kinuha ang bat.
Wala pa ring alam ang lahat kung anong gagawin ni Patricia kaya takot silang nanood sa ginawa nito.

Bumalik si Patricia sa harapan nila Elvis at sinimulan niyang hampasin ng bat ang mga ulo nito.

Inulit ulit niya ito hanggang sa pigilan na siya nila Edward at Wave.

"PATRICIA!!" sigaw ni Edward sabay sampal dito.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!!" pahabol ni Edward.

Di pa rin kumikibo si Patricia sa mga tanong ni Edward.

Nagdesisyon silang hanapin si Janice at iniwan nila sila Elvis at Devin na nakagapos sa upuan, duguan ang mga ito at di na maipinta ang mga mukha, patay na sila.

Umakyat naman sila sa 3rd floor sa pag aakalang nandun si Janice pero bigo sila kaya bumalik sila sa 2nd floor at bumaba sa 1st floor pero bigo pa rin silang mahanap ito.

"Nasaan na ba siya?!!" tanong ni Wave sabay kamot sa ulo nito.
"Wag kang susuko, mahahanap rin natin siya, may hula akong kinuha siya ni Will at dinala sa ibang lugar" sabi ni Edward.

"Patricia, please sabihin mo kung alam mo kung nasaan si Janice" pagmamakaawa ni Wave sa wala pa ring kibo na si Patricia.

"N-N-Nasa basement siguro sila" sagot ni Patricia.
"Buti naman at nakakapagsalita ka na, sure ka ba na nasa basement lang si Janice?!" tanong ulit ni Wave.

"Oo, nasa akin pa rin ang susi, nakalimutan kunin ni Will sakin to kanina, dalawa ang susi ng basement na iyon at ang isa ay nasa kanya, kilala ko siya, siya yung tipo ng tao na nilolock ang pinto pagkatapos pumasok', sagot ni Patricia.

Nagulat naman sila Wave sa sinabi ni Patricia pero tinanong nila ito kung nasaan ang basement kaya sinabihan sila nito ng...

"Sundan niyo ko"

Habang naglalakad sila papunta sa basement ay biglang tumunog ang cellphone ni Jasper na agad rin naman niyang tiningnan.

"Tumatawang si Clarisse guys" sabi ni Jasper.

"Sagutin mo na" sagot ni Edward.
"Hello Clarisse, wag kang mag alala ligtas naman kami, hinahanap na namin si Janice ngayon, please tumawag ka ng pulis at papuntahin mo sa 776 Gervara Corporation sa Quezon City" sagot ni Jasper sa tawag ni Clarisse.

"Hon, gagawin ko yan, mag iingat kayo, mahal na mahal kita Jasper" sagot rin ni Clarisse.
"Mahal na mahal rin kita" sabi ni Jasper sabay pindot ng "end call".

YOU'RE MY ONEWhere stories live. Discover now