CHAPTER 11: CREATION OF LOVE THIS CHRISTMAS

14 6 2
                                    

Synopsis: December 24 na at nagcelebrate ang barkadahan sa bahay nina Edward at sa di inaasahang pangyayari ay may naramdaman na naman si Edward na kakaiba, maganda ba ito o masama?....

December 24, 2017
"Yo, Edward!" bati ni Jasper kay Edward na may dala pang supot ng pagkain at box ng pizza.
"Yo! Si Clarisse? asan kala ko magkasama kayo?" tanong ni Edward.
"Andun pa sa may labas may bibilhin lang daw" sagot naman ni Jasper.
Magsasalita pa sana si Edward ng biglang dumating si Athena na kasama si Clarisse kase daw nakita niya ito sa labas.

"Oh, Babe!" bati ni Edward kay Athena.
Pagkarinig ni Athena ng salitang 'BABE' ay nagulat siya dahil first time lang siya tawagin ni Edward ng ganon.

"Oh hello babe, by the way nakita ko si Clarisse sa labas kaya sinabayan ko na siya sa pagpasok" bati rin ni Athena.

"Jas! bat iniwan mo ko?" sabi ni Clarisse na may patampo effect pa.
"HAHAHA ano na naman yang mukha mo?" sabi naman ni Jasper ng tumatawa pa.
*ringg! ringg!*
Tumunog ang ringtone ng cellphone ni Edward at ito naman ay agad niyang sinagot.
"Hello?" tanong ni Edward
"Merry Christmas, Eddie-boy!" pamilyar na boses ang sumagot sa tanong ni Edward.
"WAVE!!"
Pagkasabi ni Edward ng Wave ay nagulat naman sina Jasper dahil ang alam nila ay di nagcecelebrate si Wave ng pasko dahil nga sa wala siyang pamilyang kasama at tsaka ayaw rin niya pumunta sa bahay nina Edward dahil atraso nito sa nanay ni Edward.

"Merry Christmas? bat ka bumati ng ganon? di ka naman ganon dati ahh!" sunod sunod na tanong ni Edward.
"Ano ka ba?! bawal ba ko magcelebrate ng pasko?" naguguluhang tanong ni Wave.

"Ehh parang may lagnat ka ehh minsan ka lang naman kase maging masaya sa pasko!" sigaw ni Jasper sa phone ni Edward dahil naka speaker naman ito.
"By the way, bat mo nga palang naisipang magcelebrate? new year's resolution na ba to?" pabirong tanong ni Edward.

"Bruh, nasa Canada ako kasama ko si Janice" sabi ni Wave.
"Teka?, kasama mo si Janice?! ehh di ba di pa kilala nina tita yan?!" sigaw ulit ni Jasper.
"Kaya nga sinama ko dito ehh, tsaka sinabihan ko na sina mama na meron na akong girlfriend kaya naman sinabi nilang dalhin ko nalang siya dito sa Canada" paliwanag ni Wave.
"Alam na ba ni Tita Helen yan?" tanong ni Edward.
"Yeah, actually kami nga ni mama tumawag sa kanya ehh" sagot naman ni Wave.
"Ehh si Tito Toto alam na ba?" tanong ulit ni Edward.
"Bruh, oo siyempre" naasar na sagot ni Wave.

"Nagtanong lang ehh" sabi ni Edward na may kasama pang tawa.
"O siya sige bababa ko na, Merry Christmas ulit Eddie-boy, Jas pasabi narin kina Athena at Clarisse na Merry Christmas" pagsabi ni Wave nito ay binaba na agad niya ang phone at sakto namang bumaba si Aling Gerlie para hingin ang tulong ng mga bata.

"Mga bata! pakitulungan muna akong ayusin yung mesa at ihanda ang pagkain ohh!" sigaw ni Aling Gerlie sa mga bata na siya namang sinangayunan ng mga ito.
"Papunta na po tita!" sigaw ni Jasper.

Pumunta na agad sila sa hapag kainan para tulungan si Aling Gerlie at ito ay inabot ng mahigit 1 oras, 30 minutes sa paghahanda ng pagkain at another 30 minutes para sa pagaayos ng mesa at ng sala.

YOU'RE MY ONEWhere stories live. Discover now