CHAPTER 9: CLARISSE SANTOS

10 4 0
                                    

Synopsis: Sa pagdating ni Clarisse sa bahay ng mga Gratis ay malalaman natin ang kanyang buhay. Ano kayang magiging reaksyon ng Gratis Family?...

Pagabi na ng makarating sina Jasper sa bahay nila at ito ay dahil cinelebrate muna nila ang pagtanggap ni Jasper ng diploma.
Habang sila ay naglalakad ay napaisip ang ina ni Jasper...Naisip niyang tanungin si Clarisse mamaya tungkol sa kanyang buhay.

Pagkadating na pagkadating nila sa bahay ay ipinakita agad ni Aling Angel ang bahay nila at ang magiging kwarto nito.

"Clarisse, sa ngayon dito ka muna matulog hanggang sa makahanap ka na ng matutuluyan mo sa ngayon dito ka muna tutal syota ka na pala ng anak ko" pagpapaliwanag ni Aling Angel.

"Salamat po tita😊!" pasasalamat ni Clarisse.
"Sandali lang iha ahh tawagin ko lang si Jasper" pagpapaalam ni Aling Angel na siya namang sinangayunan agad ni Clarisse.

*Sa sala*

"Jasper, may tanong ako sayo anak" seryosong wika ng nanay ni Jasper.
"Ohh, Ma! ano iyon?" patanong na sagot ni Jasper.

"Ahh wala naman, itatanong ko lang kung alam mo na ba talaga ang buhay ni Clarisse at kung talagang seryoso ka ba sa kanya" sagot ni Aling Angel.

"Sa ngayon ma hindi ko pa alam pero susubukan kong alamin tsaka oo ma, seryoso ako kay Clarisse. Pagtungtong ko ng 18 ay balak kong magpropose" ang sagot ni Jasper sa katanungan ng ina.

Sa mga sandaling iyon ay nag aayos na si Clarisse ng kwarto nang biglang tawagin siya ni Aling Angel.

"Ahh tita bakit po?" mahinahong tanong ni Clarisse.
"Clarisse, wag ka sanang magalit sa sasabihin ko pero itatanong ko lang sana kung ano ang background mo sa buhay?" ang nenenerbyos na tanong ni Aling Angel.

"Ahh okay lang po iyon tita" sagot ni Clarisse na sinundan niya ng...
"Tita, to be honest po galing lang po ako sa mahirap na pamilya; ang tatay ko po ay factory worker at ang nanay ko naman po ay housewife lang pero proud po ako sa kanila dahil kahit ganito lang ang estado namin sa buhay ay nagagawa pa rin po nila akong paaralin in fact graduated na po ako ng high school and currently today is my vacation break hinihintay ko nalang pong magpasukan" ang pahabol ni Clarisse.

"Tsaka tita nung makilala ko po si Jasper sa Baguio ay nagiba po ang pananaw ko sa buhay, natuto po akong mag ayos ng sarili natuto rin po akong magmahal at higit sa lahat natuto po akong magpasalamat sa buhay na binigay sa akin ng Diyos" ang pahabol pa ulit nito.

"Ahh ganon ba iha, pwedeng magtanong ulit? last na to promise!" ang sabi ni Aling Angel.

"Ahh okay po! ano po ba iyon?" ang sagot ni Clarisse.
"Seryoso ka ba sa anak ko?"

Namula bigla ang mukha ni Clarisse nang marinig niya ang tanong ng nanay ni Jasper, at ito ay napansin naman ni Jasper kaya sinabi niyang...

"Ma! stop! it's a private thing!"
"Sorry na! tanong lang naman!" ang paghingi ng patawad ni Aling Angel.
"Jasper, okay lang masasagot ko yung tanong na iyon in fact I'm really serious about being with you! I want to live with you" ang sagot ni Clarisse na ikinagulat nina Jasper at Aling Angel.

Sakto namang dumating ang mga kamag anak ng Gratis Family na ikinagulat din ni Clarisse.

"Angel! Jasper!" tawag ng tito ni Jasper.
"Jasper iho kumusta na!" ang sigaw naman ng tita ni Jasper.

"Apo! congratulations!" pagbati ng lolo at lola ni Jasper.

Napuno ang sala ng bisita na ikinagulat ni Clarisse.

"Ahh Clarisse, sila nga pala ang tito at tita ko" sabay pagpapakilala sa kamag anak.
"At sila naman ang aking lolo't lola" pahabol pa nito.

"Jasper, sino siya? Girlfriend mo?" tanong ng tito ni Jasper.
"Opo ako po si Clarisse Santos girlfriend ng pamangkin niyo" ang pagpapakilala ni Clarisse.

"Apo gusto ko siya di ko alam kung bakit pero mukhang siya lang ang natipohan ko sa mga inuwi mo dito sa bahay niyo" bulong ng lola ni Jasper sa kanya.

Matapos magkakila-kilala ay kaagad na silang kumain ng hapunan ng masaya na may kasamang pag-congratulate sa bagong graduate.
Ganon na lang natapos ang gabi nina Jasper at Clarisse, natapos ito ng masaya at may kaba na rin pero di mo maitatanggi ang saya sa mukha ni Clarisse nang makilala niya ang Gratis Family at siyempre natuwa rin ito dahil nalaman niyang tanggap pala siya ng mga ito.

YOU'RE MY ONEWhere stories live. Discover now